chapter 30

66 5 1
                                    

6 pm na, at sawakas ay natapos na din si Rain.

Me:" lets go?"

Rain:" huh? Saan tayo pupunta?"

Me:" Ewan, San mo ba gusto?"

Rain:" eh... Huwag na. May susunod pa kasi akong trabaho eh."

She said. Mukhang pagod na pagod naman siyang tignan pero ang ganda parin.

Me:" eh sa sasakyan na lang kaya tayo? Gusto lang naman kasi kitang kamustahin."

I said.

Rain:" sige na nga. Pero maya-maya aalis na din ako ah? Baka kasi ma late ako, mapagalitan pa ako ng amo ko."

Pumasok naman kami sa sasakyan pero bago nun ay bumili muna ako ng pagkain para may makain naman kami habang nag-uusap.

Me:" so rain. Bakit ka nagtatrabaho?"

Sumeryoso naman kaagad ang mukha niya.

Rain:" kailangan kasi..."

Ang lihim naman....

Me:" bakit?"

Nakita ko namang parang naluluha na siya.

Me:" OK ka lang ba?"

I said while caressing her back. Naiyak na siya eh.

Rain:" I'm sorry ah. Every time na lang na nagkikita tayo naiiyak ako."

Me:" OK lang yun. Ganon talaga kapag may problema. Naiintindihan kita."

Rain:" thank you ah."

Then binigay ko lang panyo ko sa kanya.

Me:" ano ba kasi ang problema?"

Tanong ko.

Rain:" yung papa ko kasi.  Anim na bwan na siya sa hospital. Wala na akong mapagkunan ng pera, wala naman kasi kaming kapamilya dito at wala na rin yung mama ko. Matagal na siyang patay. I need to work for the both of us. Lalo na't inatake na naman siya last week."

I listen to her carefully.

Rain:" kailangan niya nang maoperahan. Pero wala kaming pambayad para sa operasyon. Kahit nga siguro ibenta ko na ang katawan ko Hindi ko makakayang ipa-opera si papa."

Kawawa naman si Rain. I never thought that behind her smile ay ang laki-laki pala ng problema niya.

Me:" paano na yung pag-aaral mo?"

I ask her.

Rain:" hihinto na lang siguro ako. Wala na din naman akong oras para pumasok eh. Tuwing umaga kasi sa fast-food ako nag ta-trabaho at sa gabi naman naglalabada ako para maka extra income."

Me:" eh paano na 'yan? Malapit nang matapos yung school year, hihinto ka na lang ba talaga?"

Rain:" wala naman akong magagawa eh. Mas kailangan ako ng papa ko ngayon."

Then umiyak na naman siya ulit. Bilib talaga ako Kay Rain. Ang tatag niya para harapin lahat ng mga problemang kinakaharap niya. Kung para sakin pala malaki na ang problema ko na ikasal sa lalaking katulad ni Greyson, yun pala mas malaki ang problema ni Rain. Na gu-guilty tuloy noong medjo nagalit ako ng nalaman kong siya ang girlfriend ni Greyson. Ang sama ko pala dahil doon.

Hindi na ako nagtanong pa dahil baka mas lalo lang siyang umiyak.

Me:" kaya mo 'yan Rain. Sa tatag mong 'yan, for sure malalampasan niyo din 'yan. Wag kang mawawalan ng pag-asa ha? May awa ang diyos Malay mo challenge lang niya 'to sayo, manalig ka palagi sa kanya. Hindi niya kayo pabanayaan."

Marrying You (Mr. Sungit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon