Naisipan ko na mag mall magisa. Pang reward ko naman sa sarili ko. Yieee. Syempre bago mag mall nag simba muna ako. Thankyou sa blessings, God. So eto nga nandito ako sa mall ngayon.
Ang daming tao. Nubayan. May event ba ngayon o occassion? Teka. Anong date ba ngayon? Nakakastress ah. Nilinga linga ko yung paligid. Madami talagang tao. Pamilya, barkada at magsyota? Ew. Jk lang. Haha.
Napatingin naman ako dun sa hagdanan ng mall. May pababang magkaholding hands. Pda pa, Ge lang. Pero yung kulay pula nilang tshirt yung kumuha ng atensyon ko. Ano yung nakalagay? Ugh. Nairita ako agad sa damit nilang couple.
"Forever bhebhe_qoh23"
Imbis na kiligin ako sakanila. Nainis ako lalo. Wala ngang forever, nanyo! May kumuha nanaman ng atensyon ko isang lalaki na may bitbit na flowers. Nakaluhod ito sa babaeng kaharap niya. Gusto ko sanang kiligin kaso mukhang ayaw sakanya ni girl.
"Ano ba ngayon? ugh!" Iritable kong tanong sa sarili ko. Dumiretso ako sa isang pizza parlor sa loob ng mall at umorder ng marami. Gutom ako bat ba. Agad naman bumungad saakin yung waiter sa pintuan.
"Table for ilan, ma'am?" Tanong nito saakin. Di ba halata koya? Ugh. Tiningnan ko siya ng seryoso-ka-ba-look. Natawa naman ito agad saakin.
"Haha. Sorry po ma'am. Single ka pala. Di ka naniniwala sa forever." Natawa nitong sabi. D'wow. Diko siya pinansin. Pumasok na ako sa loob ng parlor at ibinigay saakin ni Kuya waiter yung 2 seats. Di naman kasi uso dito yung loner eh. Umorder ako ng dalawang malaking hawaian pizza. Akin lang to. Nagsimula na akong kumain at hindi pinansin yung paligid. Nakafocus lang ako sa pagkain ko ng may naglatag ng puting sobre sa lamesa ko. Hindi ko na tiningnan o hinabol yung naglagay don. Dahil chismosa ako, binuksan ko yon agad.
"Happy Valentines Day"
JULIA
- wood
Daheck!? Julia? Ako? Kilala ako? Kanino ba to galing? Sino ba yung wood? Wood? The hell. Naguguluhan akong tumingin sa paligid ng may biglang pumasok sa isip ko na kung saang lupalop na nanggaling.
Wait. VALENTINE'S DAY NGAYON!?
***
_________________
____________________________________A/N:
Happy Valentines Day sainyong lahat. This chapter ay dedicated sa mga single jan. I feel youuuu. Ano plano niyo ngayon? HAHA. ♥
PAALALA SA MGA SINGLE:
WAG PO TAYONG BITTER. Mwaah! ♥ Tsaka LOVE YOURSELF INSTEAD. HAHAHA.
VOTE | COMMENT