A/N: Bahala kayo kung gusto niyo iplay yung multimedia. Haha. 😂
***
Syempre nakangiti akong gumising.
"Hello, World!" masigla kong sabi habang inuunat unat ko pa yung kamay ko. Kailan pa ba nung huli kong gising ng masaya. Tumayo na ako agad sa kama ko at mabilis na gumayak. Halos mahilamos ko na yung mukha ko sa pagkain dahil sa excited. Djk lang.
Andito na ako ngayon sa school. Nakita ko siya agad sa 3rd floor. Nakikipagkwentuhan kay Kuya Zulu. Okay. Umakyat na ako sa 4th floor at agad na hinanap si Sialee. Nakaupo siya sa sulok at hawak hawak yung cellphone niya. Boobeeeeeh. Halos lumipad ako papunta sa tabi niya at nakita ko siyang naglalaro ng "My Boo." Napalingon naman siya agad saakin at halos maglupasay sa tawa. Tiningnan ko siya ng anong-nakakatawa-look ko.
"HAHAHAHAHAHAHA. Chura mo kasi. Para kang bata." Sabi niya tsaka ako dinilaan. Haup ah.
"BOObeeeeh...." bulong ko habang nagmamaktol na. Agad namang inabot sakin ni Sialee yung cellphone niya at lumabas ng classroom. Iniwan ako waaah.
Naglaro na ako agad. Nakalipas ilang minuto ng marinig ko yung pagsigaw niya."JULIAAAAAAA! JULIAAAAA!" Napabalikwas ako sa pagtayo at nagtatakbong palabas ng room. Pucha may sunog ba!!?? Pagkalabas ko agad bumungad sakin si Sialee.
"Wag kang masasaktan ah." Sabi nito ng kalmado saakin. Napatango nalang ako at agad niyang binaltak yung kamay ko. Halos mapasubsob ako sa bars ng makita ko yung tinutukoy ni Sialee.
Nakatitig lang ako sakanila. Pinapanood ko lang naman na sinisintasan ni Kuya Golf si Ate Alpha. Ang galing pala niya magtali ng sapatos. Hehe. Djk. Para namang may gumiba sa isang parte ng puso ko. Bat ganon? Bat ang sakit. Imbis na iumpog ko yung ulo ko sa bars. Pinagpapalo ko si Sialee. Nakangisi lang siya saakin na parang ewan. Kaibigan ko ba talaga to o ano. Nakita ko siyang sumilip ulit kaya sumilip din ako. Kumabog agad yung dibdib ko sa nakita. Nagkatinginan kami. Ang seryoso ng mga tingin niya. Kasing bilis ko si Flash umatras at nagtatakbo sa room.
"Nadagdagan nanaman yung karibal ko. Bat ba kasi ang dami niyo?" Sabi ko habang sinipa yung bote sa harapan ko.
"Ahmmm. Pwede ba manghiram ng calculator?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Wag mong sabihing... Humarap agad ako sakanya at nakita siya. Kasama niya si Ate Alpha. Woow. Kinuha ko sa bag ko yung calculator at ibinalibag sakanya pero syempre nagbibiro lang ako. Scientific kaya yon. Kamahal non.
Matapos niyo akong saktan. Magpapakita kayooo saaken!? Arggghh. Im hurt. Natapos din agad yung test namin at ako? Walang motivation syempre. Kung ano yung saya ko pagpasok, ang siya namang kabaliktaran ng paguwi ko. Parang tae lang na basa. Haha. Jk. Salahula.
Why you keep doing this to me!? Napakanta nalang tuloy ako ng Sugar habang papauwi. Napalingon naman ako dun sa isang sasakyan. Kasama niya si Jessica. Ibang babae nanaman!? Ang alam ko niligawan niya yon dati kaso hindi siya sinagot dahil friends lang daw sila. Leche flan naman na yan. Nagtatakbo nalang ako palayo ng may sumigaw bigla......
"Miss! Yung bola!" Sigaw nito at napatingala ako sa bagay na palanding sa ulo ko. Napasalampak ako sa lapag habang salo salo yung ulo ko. ARAAAY! Im hurt emotionally, mentally pati ba naman physically!!??
Naramdaman ko yung mga yabag niya. "Baby, okay ka lang?" Nanlaki naman yung mga mata ko at magsasalita sana. "Nasaktan ka ba?" Dugtong pa nito. "Syempre. Sino ba hindi nasaktan don!? Tsk." Sabi ko habang hinihimas yung ulo ko.
"Buti wala kang galos." Dagdag pa niya. Alien ba to? Uggh. Tumingala ako sakanya at naintindihan ang lahat. Yung lintek na bola niya pala yung kinakausap. Mahaup ah."Hindi mo ba ako tutulungan?" Iritable kong sabat sakanya, napalingon naman siya saakin.
"Ayy..Sorry. Akala ko nagtatakbo ka palayo eh." Sabi niya at iniabot yun kamay niya saakin. Kinuha ko naman yon at inirapan lang siya.
"Ryan Alcantara nga pala." Sabi niya at ngumiti saakin. Nagfake smile lang ako sakanya.
"Julia Esteban." Saad ko habang pinapagpag yung palda ko. Napatingin naman siya sa ID ko.
"Kaschoolmate pala kita!?" Sigaw niya agad kaya napalingon ako sakanya. Hindi ko na malaman kung ano yung itsura niya ngayon. Hahahaha. Mukhang pwet. djk. Naintindihan ko naman agad kung bakit ganon siya makareact. Ahh. Cutting classes. Hahaha.
***
______________
____________________________________A/N:
Naguguluhan ba kayo? Kung Oo, Ako rin eh. Salamat sa pagbabasa at paghihintay. Makyuuu! jk lang. I love you guys! <3 Konting hintay sa update ah. Wala pa kasing nangyayari eh. Mwaaah! Tsaka Kiss sabay hug. HAHAHAHA. Mabenta sakin yan eh. Naurur na po yung otor niya. Pagpasensyahan na. ^_^ Sorry kung may typos.
VOTE | COMMENT
