Sa malayo nalang ba kita matititigan ng ganito katagal?
Hayy. Kuya Golf, iniistress mo ako. Sinubsob ko yung ulo ko sa braso ko habang pinapanood yung mga fourth year magpractice ng sayaw nila para sa foundation day. Kulang dalawang buwan nalang, aalis na kayo. Fuck. Kinapa ko yung bulsa ko at inilabas doon yung keychain na matagal ko ng gustong ibigay sakanya. Dalawang taon na nakakalipas, nagmakaawa ako kay Kuya na ibigay nalang niya sakin yung keychain na rifle nato. Nagkaroon pa nga siya ng limang kundisyon eh. Buset. Unang tingin ko palang dun sa keychain. Si Kuya Golf na yung pumasok sa isip ko. Kaya lahat ginawa ko para sa bagay na yon. Maraming beses ko ng tinry na ibigay sayo to. Kaso napanghihinaan ako ng loob. Ang cute mo kasi eh. Putek. Bakit ba pagdating sayo, nanghihina ako. Waaaah! Inalis ko yung tingin sa keychain at tumingin sa direksyon mo.
Wag mo ko tingnan ng ganyan.
Nahuli kitang nakatingin saakin ngayon. Sinubukan ko tingnan yung nasa likuran ko kung dun kaba nakatingin pero hindi. Waaaaaah. Naalala ko tuloy yung nangyari nung intramurals.---- Flashback ----
Intrams 2015....
"Iza....peram camera ah." Sabi ko kay Iza. Dahil hihiramin ko yung camera niya. Alam niyo na, magpipicture ng mga crush. Hehe. Hawak hawak ko na yung camera ni Iza at naisipan ko na picturan yung mga nagbabasketball.
Alam kong kikiligin itong si Sialee kay Kevin eyy.
Habang kinukuhanan ko si Kevin ng picture. May tumabig ng camera na hawak ko kaya nausog ng focus. Sinipat ko kung sino yon, gamit yung camera. Nakasandal ito sa puno, nakapasok yung mga kamay sa bulsa at nakatingin ito saakin. Minumukhaan ko kung sino, nagulat ako ng makilala ko yon.
Nagkatinginan kami ni Kuya Golf. Ang layo layo ko sakanya pero nakatingin siya sa pinakalens ng camera. Umiwas ako ng tingin dahil ang seryoso ng mukha niya. Sinauli ko na agad kay Iza yung camera niya at pumunta nalang ako ng canteen.
---
Wag kang pafall please....Umiwas na siya ng tingin at patuloy sa pagsayaw. Ilang minuto yung lumipas, bell na. Umakyat na ako sa hagdanan ng nakakita ako ng anino sa tabi non. Si Kuya Golf. Tahimik lang sana akong lalakad sa likuran niya ng may humatak sa mga kamay ko.
Putangina, Sialee at Carlo.
Nakatawa lang silang dalawa kaya napalingon samin si Kuya Golf. Hayup kayo. Umakyat na ako ng hagdanan habang nagpapabigat yung dalawa ng mahulog sa bulsa ko yung keychain. Putapete. Dahil metal to, kumalansin ito pababa. Napatingin kaming apat doon at mabilis na dinampot ni Sialee.
"Kuya Golf....Pinabibigay po ni Julia...Hehehe." Sabi ni Sialee kaya nanlaki agad yung mga mata ko. Nagtatakbo ako paakyat sa 4th floor. Hindi ko alam kung ano nangyare. Ilang minuto nakalipas, pumasok si Sialee at Carlo sa room. Mga nakangisi.
"Pakyu ka Sialee." Matipid kong sagot at gusto ko siya tampalin ng tampalin. Tumawa naman siya agad, I mean sila ni Carlo.
"Napangiti kaya. Haha." Nakangising sabi ni Sialee. Weh? Totoo ba?
"Dapat hindi ka umalis don. Ang hina mo...Hinahanap ka kaya." Nakatawang sabi ni Carlo. Pati ba naman ikaw.
"Diba nung inabot ko. Hinanap ka agad sa pwesto mo kanina. Eh hindi ka nakita. Tinitigan niya yung keychain tas napangiti. Ayon....Sabihin ko daw sayo Thankyou. Habang papasok nga siya sa room nila eh..tinitingnan niya yung keychain. Parang bata. Hahahaha. Alam ko naman na yan yung gusto mong marinig eh. HAHAHA." Dire diretsong paliwanag ni Sialee. Totoo ba? Napangiti ko siya. WAH! After 2 years and 7 months. Nabigay ko na din sakanya. Kahit si Sialee lang. Okay na yon.
"EFFORT A+" Matipid na sambit ni Carlo at umupo na kami sa kanya kanyang upuan.
Ang saya saya ko!
***
_______________
____________________________________Thankyou for reading.
VOTE | COMMENT
