#8 Wood

18 1 2
                                    

"Oyyy. Libre kita! Wag mo lang ako isumbong." Pagmamakaawa niya habang nakasunod saakin.


Naglalakad lang naman kasi ako papunta ng school. Kaya itong si Ryan ba? Nakasunod saakin. Huwag daw akong magsumbong. Tsk. Ugh.



"Hindi mo na ako kailangan ilibre." Sabi ko habang itinaas yung kanang kamay ko. Naglakad lang ako kaya sumunod din siya. Salita parin siya ng salita habang nakasunod saakin. Hindi ko lang siya pinansin.



"Uyy. Julia. Wag ka ng magsumbong oh." Sabi niya ulit. Pucha naman.



"Sino ba kasi may sabi na magsusumbong ako!?" Iritable kong sabi. Napahinto naman siya sa sinabi ko. Kulet.



"Eh bat ka pabalik sa school natin?" Nagtatakang tanong niya. Ayy ang kulet.




"Hindi ba pwedeng may nakalimutan? Tss. Nasa akin pa kasi yung cellphone nung bestfriend ko." Sabi ko sa tonong 'duh'. Napakamot naman siya sa ulo niya saka tatawa tawa.



Hindi ko makita si Sialee. Umuwi na siguro. Iniwan nanaman nila ko ni Carlo. Tss. Baka nag sisig nanaman yung dalawa na yon. Hayys. Lumabas na ulit ako sa gate at nakita na nandon pa din si Ryan. Nakaharap sa cellphone niya.



"Hoy! Diba kamo ililibre mo ko!?" Sigaw ko habang papalapit sakanya. Napatingin naman siya agad saakin. Halatang nagdadalawang isip siya.



"Sinabi mo yon. Wag kang paasa!" Dugtong ko pa. Tiningnan niya ulit yung cellphone niya bago pumayag.


"Oo na."


Bumalik muna kami sa kanto kung san niya ko natamaan ng bola. Malapit lang pala don yung bahay niya kaya iniwan niya muna don yung baby niya tsaka nagpalit ng damit. In fairness , gwapo din pala siya kahit sunog. Haha. Jowk.



"San mo ko ililibre?" Tanong ko sakanya.



"Sa......Tugon niya habang nakatingin sa cellphone niya. Pizza parlor dun sa mall." Sabi niya. Okay. Kanina pa niya tinitingnan yung cellphone niya. Tss. Sumakay kami sa motor niya. May motor pala siya. Hanggang sa makarating kami sa mall na yon. Ang mall kung saan naging bitter ako ng sobra. Remember? Kung saan Valentines Day pala non.




"Tadaaaaahhh!" Masiglang pagintro ni Ryan. Nakatayo kami ngayon sa harapan ng pizza parlor. Dito ako kumain non ah. Pagpasok namin sa loob halos manlumo ako ng makita ko yung lalaki at babaing kasama niya kanina. Mga taong sinaktan ang puso ko. Mga taksil!




"MGA PARE!" Sigaw nitong katabi ko. Dahilan para makuha yung atensyon ng lahat. As in lahat. Napatingin saamin si Kuya Golf kasama sila Ate Alpha, Jessica at Kuya Zulu. WTF. Montik ko ng maipakain yung mga lamesa kay Ryan. Pakyu.



"Uy nandito ka din pala. HAHA." Sabi ni Ate Alpha. Napatingin naman ako kay Kuya Golf. Nakangiting nakatingin siya kay Ryan ng magkatinginan kami. Nawala agad yung mga ngiti sa labi niya at naging seryoso. Inialis na niya yung tingin sa amin at humarap nalang sa plato niya. Problema non?



"Pare! Bat mo kasama si Julia ah...Nako ah." Natatawang pangaasar ni Kuya Zulu habang natatawa ng bigla siyang natahimik. Ha? Natawa nalang tong si Ryan at umupo na kami na hindi kalayuan sa pwesto nila. Syempre inorder ko lahat ng gusto ko kaya napapakamot nalang ng ulo si Ryan. Habang kumakain naisipan kong tanungin si Ryan.




"Close pala kayo?" Sambit ko habang out of this world yung utak ko. Nagulat naman siya sa pagsalita ko. Nagisip pa siya kung ano ba yung tinutukoy ko at sino.



"Ah sila ba? Eh kaklase ko yang mga yan eh." Sabi ni Ryan ng natatawa. Ooohhh.
Nagkwento lang si Ryan tungkol sakanilang magkaklase. Close daw sila ni Kuya Golf etc ganon. Habang nagbibida siya bigla nalang ako nakarinig ng malakas na pagsigaw.




"WOOD! Long time no see." Sigaw nito habang nararamdaman ko yung pagyabag nito. Teka. Parang familiar. Wood? San ko ba nakita yon. Parang nabasa ko na eh.



Wait. Nandito yung taong pinanggalingan nung letter non. Diba kumain na ako dito dati yung loner ako tapos may naglatag ng letter. At wood yung nakalagay na pangalan non.
Lilingunin ko na sana ng mawala agad ito sa tabi ko. Huh?
Nakita ko na hawak hawak ni Ryan yung cellphone niya at mabilis na tumingin saakin. Ano ba nangayayare? Haup ah.



"Bilisan mo ng kumain jan. Hahatid na kita sainyo." Sabi niya tsaka binulsa yung cellphone niya. Magtatanong pa sana ako ng maisipan ko na wag nalang. Nakayari na kami ng makita ko na wala na si Kuya Golf at Ate Alpha sa table nila. Hinatid na ako ni Ryan sa bahay tsaka umalis narin ito agad.




Naguguluhan tuloy ako. Sino ka ba Wood? Sino ka? Uggh.



***
_________________
____________________________________


VOTE |COMMENT

My Heart In His PocketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon