#1: My lucky day

18 2 0
                                    

Ako si Julia Esteban, pero Ice yung tawag nila saakin. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko yung dating Julia. Yung babaeng maraming crush. Hahaha. That's life.


Ikekwento ko sainyo lahat ng nangyari.



***

Nagtatakbo ako pababa ng hagdanan. From fourth floor to ground floor? Woooah. Halos lumipad na ako sa pagbaba. Kailangan ko silang maabutan. Pagdating ko sa pinakahuling baitang ng hagdanan. Napasubsob ako sa isang matigas na bagay. Hindi naman pader kundi dibdib lang naman. Alam niyo ba yon? Yung may anim na pandesal. Hehe. Napatingala ako sa lalaking nabungo ko. Halos kuminang yung mga mata ko. Si Jester Golf Avila. Waaah. Ang cute cute niya. Pati yung name niya. Golf talaga. Siguro sa phonetic alphabet yung name niya kinuha. Napangiti ako na parang ewan habang nakatingala parin sakanya. Nginitian niya ako. WAAAAAH.



"Mag-ingat ka next time ah." Sabi niya saakin, bago umakyat sa hagdanan nginitian niya ulit ako. Ang swerte ko naman. HAHAHA\. Fourth year high school siya dito sa eskwelahan namin. Popular? As usual. Hearthrob? P*t*ngina syempre. Matalino? Oo naman. Chivalry? Ano pa yung nangyari kanina diba. Hahaha at crush ko siya. Yung perfect crush ko. Perfect. Hehe. Napasapo nalang ako sa nakanganga kong bibig ng maalala na magpapasa nga pala ako ng project kay Ms. Baguisa. Wtf. Isa pa naman yon sa kinakatakutan na teacher dito sa school namin.



"Esteban. Exact on time and by the way congratulations." Sabi niya saakin pero para saan yung Congrats? Huh? Anyare ba.



"What for ma'am?" Tanong ko sakanya dahil naguguluhan ako.



"You're now one of the photo journalist in Dominian's Newspaper" Nakangiti niyang tugon saakin. Ano daw? Napatalon naman ako sa sinabi ni Ms. Baguisa. YES! Hanggang langit yung mga ngiti ko. Ang tagal ko ng pinangarap to. Ngayon abot kamay ko na. Waaah!




"Thankyou po Ma'am. Thankyou.....Thankyou!" Pagpapasalamat ko kay Ms. Baguisa. Halatang may gusto siyang sabihin saakin kaso hindi niya ito natuloy dahil tumunog ang kanyang cellphone.




Ang swerte ko naman ngayon. Nakita ko si Kuya Golf na super crush ko, tapos naging journalist narin ako ng school. WAAAH!



Ito na talaga yung lucky day ko.


***

_____________
____________________________________

Nagustuhan niyo ba guys? Salamat sa pagbabasa.

VOTE | COMMENT

My Heart In His PocketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon