Bigayan na ng card ang bilis ng panahon. Tapos ang malas malas ko pa ngayon. Siraulo si Sialee at Carlo eh. Diko nga malaman kung kaibigan ko pa ba yung dalawa na yon. Abay! Naghahabulan ba naman dinamay pa ako kaya nadapa ako sa hagdanan.
***
"Bleeh..Blehh..habulin mo ko Sialee..." Pangaasar ni Carlo kay Sialee. Nasa hagdanan kami non pababa. Nagtatakbo si Sialee papunta kay Carlo.
"Ano ba kayo.. Mga isip bata." Naiirita kong sabi sakanilang dalawa. Nasa likuran ko sila habang nagkakaramusahan.
"Busit ka Carlo!" Sigaw ni Sialee. Kumaripas ng takbo si Carlo ng nabangga niya ako. Diretso yung pwet ko sa hagdanan pababa. Tangina niyo. Sakto. Dahil madalas tambayan yon ni Kuya Golf. Yun nga. Nandon siya, nagulat siya ng may narinig na kumalampog. Pwet ko lang naman kasi yon. Nagkasugat ako sa braso. Damn it guys.
"Ano nangyari sayo?" Tanong agad ni Kuya Golf. Napangiti naman ako agad. Nakatingin siya sa braso ko habang yung kamay niya may dinudukot sa bulsa niya. Lumingon ako patalikod, nakita ko don si Sialee at Carlo. Tawang tawa. Fuckyou guys. Naramdaman ko nalang na binendahan ni Kuya Golf yung braso ko gamit yung panyo niya. Ang bango shet. Napangiti naman ako habang nakatingin sakanya. Nakafocus lang siya sa ginagawa niya ng tumingin siya sakin.
Magkatinginan kami ngayon.
Umiwas na ako ng tingin dahil mukha na akong kamatis. Tumayo ako at nagpasalamat sakanya. Naririnig ko naman yung tawa nila Sialee at Carlo.
"Ay...Kuya Golf...Thankyou po." Natatawa paring sabi ni Carlo.
"Nakooo. Nagmamadali po kasi yang bumaba. Gusto ka pong maabutan. Hihihi!" Natatawa ring sabi ni Sialee habang humahalakhak pa. Traydor kang babae ka! Nakakainis kayo.
"Hahaha. Osige. Wag mo nalang muna ibalik sakin yung panyo ko." Sabi saakin ni Kuya Golf. Waaah. Ang cute niya tumawa. Umalis na siya sa harapan namin dahil inaya na siya ni Kuya Zulu. Magaayos pa ata sila ng classroom nila. Ang sipag pa niya. In fairness. Pagkaalis nila. Sinapok ko sila Sialee at Carlo.
---
Ang saklap dibaaaa?! Pero masaya din palang madapa sa harapan ng crush. Hahaha.
Andito ako ngayon sa corridor ng 3rd floor. Sa floor nila Kuya Golf. Ghad! Magaassist kami ng mga parents. Yung mga hindi alam kung saan yung room ng mga anak nila. Ganon. Limang minuto nalang magsisimula na yung meeting.Nakakita ako ng magandang babae. Maputi at makinis. Medyo kulot yung buhok. Basta magandaaaa. Nakatingin ito saakin. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako. Nakakahawa yung ngiti niya. ♥ pumasok na siya sa classroom. Kilala ko ba siya? Hindi ko nalang pinansin at hanggang sa nagsimula na yung meeting. Matapos yung dalawang oras. Natapos na din yung meeting. Nasa canteen ako ngayon ng may nakita akong nakatayo sa harap ko. Tinaas ko yung tingin at medyo nagulat ako sa nakita ko.
Yung babae kanina.
"Hello..hija..Ikaw pala yung....kaibigan ni Golf." Nakangiti nitong sabi saakin at nakipagbeso. Woaaaaaah. Nginitian ko siya na may halong awkwardness. Teka, Golf? Si Kuya Golf? Ano kinalaman niya.
"Ahmm. Hello din po....Parang ganon na nga po. Hehe...Ano po kayo ni Kuya Go--" Medyo naiilang kong sabi. Hehe. Naputol yung sasabihin ko ng may magsalita.
"Ma...Tingnan mo it--" Halatang naputol yung sasabihin nito. Napalingon kami nung babae. Nanlaki yung mga mata ko. Si Kuya Golf!? Teka. Mommy niya itong babae? Nabigla din si Kuya Golf at ngumiti nalang ito saamin.
Lumapit siya sa Mommy niya pala. Nakangiti si Kuya Golf sa mommy niya habang may pinapakita. Ganon din naman siya. Ang cute cute nilang tingnan. Waaah! Napatingin saakin si Future mameeey! Hihihihi. Jk.
"Ohh..Golf. Siya pala ah. Wala kang sinasabi saakin. Hehe." Nakakalokong sabi ng mommy niya. Naguluhan naman ako. Napatingin ako kay Kuya Golf. Namumula siya. WAAAH! Bat ba ang cute cute niya.
"Ma naman....Wala akong girlfriend." Nahihiyang bulong niya sa mommy niya. Bat ang cute nilang dalawa talaga? Napatingin saakin si Kuya Golf. Natawa naman ako ng mahina dahil ang pula na niya talaga. Hahaha. Why so cute!?
"Akala ko siya yung girlfriend mo....Hihi." Sambit nung mommy niya at tumingin saakin.
Ang ganda ganda niya talaga. Mana sakanya si Kuya Golf.PERO TEKA, ANO GIRLFRIEND?
AKO, GIRLFRIEND NI KUYA GOLF? Hindi pa ngayon. SOON. jk lang. Feelingera ko shet.
Maganda naman. HAHAHA!***
_______________
__________________________________VOTE | COMMENT niyo lang sapat na. Pleaseee lang guys oh. Para malaman ko yung opinions niyo. Laaaaabyuuuuu! ♥