Sam’s POV
Pakilala muna ako. ako ang sobrang gwapong bestfriend ng bidang si Bryan Joashtine Zendaya. Sino ako??? Bulag ka ha? Hndi mo nakita? Sam nga dba? Hahaha, joke lng. Samuel Lowee Quinton. Ugali ko? Malalaman niyo din yan sa mga susunod na pangyayari.
“tintin! Pupunta ka sa death anniversary ni Caitleen?”
“anong sabi mo?” inis na sagot skin ni Bry. Nagtataka kayo kung bkit tintin noh? Hahaha.. Ksi gawa ng JoashTINe. Alam niyo kung sino nag imbento nun? Si caitleen lang nman. Kumbaga pang asar niya kay bry. Hahaha. Ayy sorry naman. Napapaalala ko sakanya ang moments nila ni caitleen. Kahit naman siguro hnd ko ipaalala naaalala niya pa din noh. :/ daldal mo ksi Sam.!
“hehehe. Sorry pare. “ nakonsensya namn ako. XD
“oo pupunta ako. Nakakahiya kanila tita.”
“ahh. Ayos ka na ba? Kaya mo na?” bipolar din ako noh? Nangaasar sabay ngayon concern na ako. Hahaha.
“siguro. ? Dapat eh. Yun ang gusto ni cait (keyt) eh”
“huh? Gusto?”
“nanaginip kaasi ako. Sabi ni cait mag promise ako na magiging Masaya ako. Wag ko siyang susundan”
“grabe pare. Nakakakilabot”
“ikaw pupunta ka?”
“oo. Pero susunduin ko muna yung kaibigan ko sa airport. Mag babakasyon kasi dito.”
“sinong kaibigan? Baka chiks kamo”
“hindi mo pa nakikilala yun eh. Nakilala ko siya nung tumira kmi sa US. Si Keileen . No joke kaibigan ko lang talaga”
“ahh di ko nga kilala.”
“susunduin ko muna siya bago ako dederetso sa sementeryo. Pwede ko nman siguro isama si Keileen diba?”
“siguro nman ayos lang yun kila tita.”
Bryan’s POV
Ilang araw na lng death anniversary na ni Caitleen. Sa tingin ko nman medyo ayos na ako. Siguro nman kaya ko na Makita yung puntod niya. Miss na miss ko na siya. I longing for her. January 25 2009. Worst day para sa akin. Sa araw na to na wala sakin ang babaeng pinaka mamahal ko.
Ito na. ito na yung araw na una kong makikita ang puntod niya. Hindi kasi ako pumunta nung araw ng libing niya. Kahit nung naka burol man lang siya hindi ko siya nadalaw. Hindi ko lang talaga kaya.
Nakita ko ang mommy, daddy at kapatid ni caitleen na nakatayo sa puntod ni caitleen. Pumunta ako sa pwesto nila na may dalang bulaklak. Pink rose. Ito kasi ang favorite niya na bulaklak.
“Hi Joash!” bati sa akin ni tita.
“hi tita, tito. Hi Kisha!” bati ko sakanila. Si kisha ang little sister ni caitleen. 5 years old.
“buti naka punta ka. Ayos ka na ba?”
“opo namn tita. Pupunta ako baka mag tampo pa sakin si cait, medyo ayos na rin po siguro ako. Nakaya ko na pong pumunta dito”
Inilagay ko na sa tabi ng lapida ni caitleen yung dinala ko na flowers para sa kanya.
“kayo tita kamusta kayo?”
“medyo ayos na din. Alam naman nmin na ayaw ni cait na nalulungkot kami. Alam din namin na binabantayan niya tayo. “
“sabagay po. Tita babalik po ba agad kayo sa US?”
“bukas babalik na ulit kami. May kailangan pang asikasuhin sa business. Pumunta lang tlaga kami dito para sa death anniversary niya.”
“ahh, sige po tita kapag may time ako, ako po ang dadalaw sa inyo sa US”