Tambay sa Kanto

53 0 0
                                    

Keileen’s POV

Ito na. ito na ang araw na kinakatakutan ko.  Araw na hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ito yung araw na matagal kong pinag hahandaan pero hanggang ngayon hindi pa din  pala ako handa. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact.

“uy keileen tawag ka ata nung lalaki, kilala mo ba?”

“ha? Ah eh”

“ayos ka lng ba? Namutla ka ah, para kang nakakita ng multo”

“ah, oo ayos lang ako”

Binalik ko ng yung libro na hawak ko knina. Saka ko na lng bibilhin . psh.

“keileen” psh. Wala kang naririnig keileen. WALA. Tinatawag na namn ako ni Nate.

“uy keileen tinatawag ka”

“psh. Yaan mo sya. D ko kilala yan. Tambay yan sa kanto. Tera uwi na tyo” hays. What an excuse keileen.

“ok”

Nasa loob na kami ng kotse ni bryan.

“ayos ka lng ba tlga? Kanina ang hyper mo ngayon ang tahimik mo” sabi sa akin ni bryan.

“ah, oo ayos lang ako”

“sno ba yung tumatawag sayo,? Hnd naman mukhang tambay sa kanto eh, mukha namang disente ah”

“psh, mukha lng, tambay yun sa kanto, drug lord, salot sa lipunan” I said in a bitter tone.

“grabe namn to, halatang may galit ka dun ah”

“salot nga kasi sa lipunan”

“sabi mo eh. If you don’t mind, pwede mag tanong? Medyo personal “

“what is it?”

“ex mo noh?”

O.O

 -_______-         

“okay hnd mo na kailangang sagutin, halata na sa expression mo at sa mga sagot mo knina at sa kinilos mo. Hahaha,”

“psh. Ikaw na. tss”

“cool lang. ganyan ba kayong mga babae? Kakapag nakikita ang ex nila? Natetense?”

“tss. Wag epal, wala kang alam”

“sorry. Siguro nga wala akong alam. If you need a friend andito lang ako”

“…………..” no response ako. Tinatamad na ako mag salita.

Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng bhay nila Sam.

“thanks bryan”

“welcome.”

“ingat”

Deretso agad sa kwarto. Palit ng pang bahay. Salampak sa kama kuha ang cellphone salpak si earphone then boom ignore the world. Naka soundtrip na e, Pang pawala ng stress. Hayyysss.

Pero kahit anong pilit ko na mag focus lang dun sa kanta. Naaalala ko pa din yung scenario kanina.

Matawagan na nga lang si Cassey.

“cassey”

(oh bakit ka napatawag?)

“si nate”

(ano meron kay nate?”)

“nagkita kami kanina sa mall”

(what?! Tapos?)

“kasama ko kanina si Bryan yung kaibigan ni Sam nung nakita ko nate nasa bookstore kami, tapos nakilala ata ako, ayun tinawag ako, ako naming si tange, nag panic, binalik ko yung dapat libro na bibilhin ko sabay layas sa bookstore”

Back AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon