Paano kung nagmahal ka sa isang tao at dahil sa kagustuhan mong mapalapit sa kanya ay nilapitan mo ang pinakahate mong tao to ask for his help ?
Paano kung isang araw magising ka na lang sa katotohanang ang PINAKAHATE mong tao ay siya na palang PINAKAMAMAHAL mo?
Papanindigan mo ba ang salitang "I HATE YOU" na siyang binitawan mo o susundin mo ang sinasabi ng puso mong "I LOVE YOU"?
Paano mangyayaring ang "FIRST" mo ay siyang magiging "LAST" mo? Paano mangyayari yun kung nandyan sina second, third, fourth, fifth, sixth, etc?
Hanggang san ka dadalhin ng HATRED mo?
Hahayaan mo nalang ba na patuloy kang lalamunin ng iyong nakaraan? Pano kung masyado nang magulo ang nangyayari sa iyong buhay, pipiliin mo bang takasan ito o aayusin mo?
*Hindi ako naniniwala sa fairytales. Yun bang ang isang lalake ay nagmahal sa babae plus the factor na sila ang kauna unahang minahal ng isa't isa. Tss. SO CHILDISH! Tapos nung magconfess na sila sa isa't isa eh naging HAPPY ENDING na agad? Errr. Imposible naman kasing magkaroon ng ganun. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang walang first love. Ako nalang ata. Wala pa akong first love at hindi ko alam kung bakit. May isang tao akong minahal este nagustuhan dati pero sbi ni kuya, "Fumi, dapat mong malaman na iba ang MAHAL sa GUSTO." Yah, ganun nga. Iba daw ang MAHAL sa GUSTO. Pero ganun na rin yun. Syempre kung Mahal mo ang isang tao ibig sabihin gusto mo rin siya, hindi ba? Arrrggghhh! Ang gulo gulo. Sabi din ni kuya na imposibleng mangyari na ang "FIRST" mo ay siyang magiging "LAST" mo sa panahon ngayon. Pero isa lang ang alam ko, totoo ang Prince Charming. Hahanapin ko nga siya. Kung wala siya sa Japan, baka nandito siya sa Pilipinas. Ano kaya ang itsura niya? Sakay kaya siya ng isang puting kabayo? Hindi naman uso ang kabayo dito eh. Puro de kotse ang mga tao dito. Matutulog na nga ako. I'LL DREAM OF MY PRINCE CHARMING at sasabihin ko sa kanya na"Prince Charming, YOU ARE MY FIRST AND MY LAST. PROMISE!"
NOTE:
Please comment after every chapter. Onegaishimasu >.< It will help me a lot.
