Miraculous 01

34.7K 1K 56
                                    

Errors ahead.

×

We tend to think something that'll always makes us happy. Whether it's a watch, money, a brand new phone, make up kits, books, or a person.

Today is a beautiful day. Magandang araw para maglaro sa park ang mga bata. Those young and innocent kids who doesn't care about how messy our world is.

Gusto lang nilang maglaro, kumain, matulog at matuto. I hope their genuine happiness last  whatever happens in the near future.

Minsan, kahit anong lungkot ang nararamdaman mo pagnakakita ka ng mga batang masayang maglalaro, mapapangiti ka nalang. Maa-amaze kasi madali lang sa kanila ang ngumiti.

If you could only hear their silent giggles and laugh, liliwanag ang madilim mong araw. Ofcourse not unless you heard those giggles at the middle of the night.

Umupo ako sa lumang duyan, sa mga gilid kung saan malaya mong mapagmamasdan ang mga bata. Maingay, pero payapa.

Mahangin ngayon at hindi masakit sa balat ang init ng araw. Bumaba ang tingin ko sa paanan ko kung saan tumama ang isang bola.

"Ate," isang apat na taong bata ang lumapit. Yumukod ako para pulutin ang bola ng humangin ng malakas.

"Here, kid."

Iniabot ko sa kanya ang bola. Binitawan ko kaagad ito ng may dumaloy na kung anong kuryente ng magtama ang dulo ng daliri namin.

Kumunot ang noo ko ng bahagyang sumikip ng dibdib ko.

"Why are you here?" I glanced at him. Nakatingin lang ito sa bola na hawak niya. His aura, it's.. unusual.

Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sa kanya.

"You don't belong here."

Humigit ako ng hininga at humakbang palapit sa kanya. Bahagya akong yumukod para magpantay ang mukha namin ng bata.

"You're not from here, kid." I whispered.

"Gavin!" Mabilis na lumingon siya sa nagsalita. A man in a white sweatshirt, black jeans, and pair of white sneaker approaches us.

He screams different. A mixture of mint and authority. Cold and heartless. What caught my attention is his eyes, it's blue green.

"Kuya, she's one of us." Nagtama ang tingin namin ng lalaki. Hindi ako nagsalita o kumibo.

"Uuwi na tayo." Sambit nung lalaki sa bata pero nakatingin parin siya sa akin. Dang.

"Kuya, she's one of us. Isama natin siya paguwi." The kid held my hand. Bumaba ang tingin ko dito.

"No." Nasambit ko at bumitiw sa bata.

"Have a good day, kid." I patted his head. At tumingin sa akin. May takip na kulay itim ang kaliwang mata niya and that's makes him different among the kids here.

Ibinulsa ko ang kamay sa bulsa ng hoodie jacket ko. I licked my lowerlip. I'm sure, they're not from here.

"Ate!"

Naipikit ko ang mata ng hindi ako makahakbang. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. God, I hate this feeling.  I just stood there, waiting for them to come near me.

Umangat ang sulok ng labi ko ng pumunta sa harapan ko ang bata.

"You're one of us. Sumama ka na sa amin, ate." He pleaded.

"Kid, you're pissing me." I looked at him. Para siyang iiyak pero nagawa niya pang taliman ako ng tingin. Bahagyang lumakas ang hangin.

"God, you're ruining the day." Napaiwas ako ng tingin ng tumulo ang butil ng luha sa mata niya.

I close and open my fist. At bumuga ng hangin.

"Gusto mo ng ice cream?"

Mabilis na tumango ito at hinawakan ako sa kamay. Nakakailan na 'tong batang to.

"Gavin, kailangan na nating umalis." Nilingon niya ang lalaki na nakasunod sa amin.

"Five more minutes, kuya."

Tumigil kami sa isang nagtitinda ng dirty ice cream.

"Hello ma'am, ilang araw ko na po kayong nakikita dito, ngayon lang po kayo bumili." Tinanguan ko lang si manong at hinayaan ang bata na pumili ng gusto niya.

"Hi po manong. Gusto ko po nito, tapos ito po." Nakangiting sambit ng bata. Umalis kami pagkatapos kong magbayad.

"Ayaw mo talagang sumama sa amin ate?" Umiling ako.

"Miraculous will need you soon, ate." Ipinatong ko ang kamay sa ulo nito.

"Then I'll meet you there, kid. Sa ngayon, hindi pa ako pwedeng umalis." Tumango ito.

"My name is Gavin, ate." Tumango ako. "Ano pong pangalan mo?" Tumingin lang ako sa kanya.

"Kuya wants to know your name. Kanina pa niya ako tinatanong." Bumungisngis ito.

Nagawi ang tingin ko do'n sa lalaki. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kawalan.

"Ibibigay ko ang pangalan ko kapag nagkita tayo ulit."

Umalis na ako. Huminga ako ng malalim ng makalayo ako sa kanila. Iba sila sa lahat. Hindi basta basta ang mga taong iyon.

Huminga ako ng malalim ng makarating ako sa tinitirhan ko. Maliit at masikip. Magulo at halos walang gamit. Humarap ako sa maliit na salamin sa banyo at naghilamos.

My reflection.. isn't something that a normal person wanted to see. Kulay abo ang mid-lenght na buhok ko, pale at white ang balat ko. And my voice is cold. May face is naturally emotionless.

I have a pale lips na dahilan para magmukha akong may sakit. I'm not skinny, hindi rin mataba. My skin doesn't glow at all. I was just like a walking corpse. May sakit na bangkay.

Ang mga mata ko ay kulay abo. Ang pangunahing dahilan kung bakit nilalayuan ako ng mga tao. Huminga ako ng malalim.

I wanted to do a change. Bumaba ang tingin ko sa braso ko na may mga galos at pasa. Hindi ako nabugbog o ano. Wala ngang nagbabalak na makalapit sa akin.

Hindi ko rin mapaliwanag ang mga galos sa katawan ko. Basta ang alam ko, palala ito ng palala kapag tumagal pa ako sa earth.

×






Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now