Miraculous 44

6.2K 208 1
                                    

Third Person.

Unti unting kumalma ang hangin hanggang sa tuluyang nagsara ang lagusan. Halos sabay sabay na nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang Supremes. Ibinaba na ni Uzziah ang mga braso at tumayo ng tuwid.

Hinayaan niya ang mga kasamahan na alamin ang lagay ni Jassy at tahimik na pinanuod ang mga ito, habang si Aezi ay nasa likod niya at siya ang pinagmamasdan.

"Thank you, Uzziah." Nilingon siya ni Uzziah at marahang nginitian.

Hindi lingid sa kaalaman ni Aezi ang ginagawa ni Uzziah. Mula sa pagtulong nito sa pagbukas niya ng unang barrier, hanggang sa pagpo-protekta nito sa Supremes para makapasok ang mga ito sa loob ng barrier ng hindi naaapektuhan ng kapangyarihan ni Aezi.

Alam niyang malaki dapat ang epekto ng kapangyarihan ni Aezi sa Supremes lalo na't malakas ang pwersa na inilabas niya pero dahil kay Uzziah, walang natamo na kahit ano ang mga ito.

Sunod ay ang pagpalibot sa kanila ng kapangyarihan niya nung oras na nakulong sila sa hawla. Pansin niya ang panunumbalik ng lakas. Hindi lang niya ito ginawa ng isang beses kundi maraming beses.

Pero anong isinukli ng Supremes sa kanya? Pagdududa at masasakit na salita.

At alam niyang marami pa siyang gagawin.

"Sabi ko naman sa iyo, ako ng bahala sa iba." Sagot nito sa kanya.

Nilapitan siya ni Aezi at minasdan ang mukha nito. Bumaba ang tingin niya sa leeg niya, minamasdan ang ilang itim ugat na lumitaw dito, pababa sa balikat niya na natatakpan na ng shirt na suot niya. Hanggang sa braso nito.

Inabot ni Aezi ang kamay niya at minasdan ang mga itim na ugat doon, tila ba umukit ito sa maputla niyang balat. Ipinatong niya ang palad ni Uzziah sa sariling mga palad at bahagyang pinisil iyon.

"I'm okay, Aezi." Bumalik ang tingin nito sa mga mata niya. Ang kulay abo na mga mata nito.

"Huwag kang magpapanggap, Uzziah." Mahinang sambit ni Aezi bago hilahin si Uzziah sa isang yakap. "Hindi mo kailangan na gawin 'to. Marami kang galos, marami kang sugat. Pwedeng ang katawan mo mismo ang sumuko sayo, Uzziah. Masyadong marami kang kapangyarihan na pinakakawalan para lang tulungan kami." Bulong ni Aezi sa kanya.

"Hindi pa ako mamatay, Aezi." Tumawa ito ng marahan. "Don't mind me, I'll survive." Himiwalay siya sa yakap.

"Check the Supremes." Tumango ito at inilipat ang tingin sa Supremes. Kasalukuyang ginagamot ni Hanz si Jassy. Nakaalalay sa likod nito si Jaye Shi habang nagbabantay naman ang iba sa paligid.

"Aezi,  wala na tayong dadatnan sa Miraculous." Napalingon si Aezi sa kanya at hindi nagsalita. Alam niya. Alam niya ang mga nangyayari.

Naghanda ang lahat ng makitang muling maglalabas ng gintong ilaw ang mga simbulo at linya ng Magical Trees.

Muling lumitaw doon ang kumpol ng mga bata, kasama ng maliliit na nilalang na may pakpak.

"Trap again?" Nikyla hissed. At sa isang wave ng malaking thorns, nangalahati ang kanilang kalaban. Para bang isa lang silang langgam na winash-out dahil sa mabilisang hampas ng malaking kahoy.

"Brutal, Nikyla!" Inis na reklamo ni Zhyver ng may ilang dugo na tumalsik dito.

"Kailangan nating magmadali, bitch!" Inulit niya ito pero sa hindi katulad ng nauna, hindi na niya kayang magpalabas ng ganuon kalaking thorns.

Medyo namumutla narin ito dahil sa pwersahang paggamit ng kapangyarihan simula ng sinubukan nila ni Jassy na sirain ang pangalawang barrier.

At hindi pa kaya ni Uzziah na magbigay ulit ng kapangyarihan sa kanila. Kung gagawin niya ito ulit, tama si Aezi. Bibigay ang katawan niya ng hindi niya nalalaman.

Si Aezi ang naglagay ng firewall palibot sa kanila para hindi makapasok ang mga nilalang na iyon. Sinubukan niya rin na sunugin ang lugar kung sana nagmumula ang mga nilalang pero hinihigop lang nito ang kanyang kapangyarihan.

Sunod din ang malalakas na kidlat at ang pagdilim ng kalangitan. It was a chaos. And Uzziah can't stand seeing Supremes wasting their energies.

Minasdan niya ang mga palad. Tumaas ang tingin nito sa braso niya kung saan may mga sugat na naman na lumitaw. Bumuga siya ng hangin.

"Damn it, Katana!"

Nagangat siya ng tingin at nakita ang mga thorns na nakaharang sa harapan niya na para bang prinoprotektahan siya sa pagatake ng mga nilalang na iyon. Nakita niya kung paano tumagos sa thorns na iyon ang ilang mga patalim.

Gulat na gumawi ang tingin nito kay Nikyla. Why did she do it? Kunot noo parin si Uzziah.

"Hindi sila mauubos. Tayo ang mauubos." Bulong ni Hanz na malapit lang sa kanya. Nagtama ang tingin nilang dalawa at sa hindi inaasahang pagkakataon, ngumiti sa kanya ang lalaki.

Parang namiss niya bigla ang prisensya nito. Tumango siya bilang tugon. I can't let them die in this state.

Pinagparte niya ang binti kasabay ng paglakas ng malamig na hangin. Nakuha na niya ang atensyon ng mga nilalang na iyon. Naakit ang mga ito sa madilim na kapangyarihan. Lumalabas mula sa tinatapakan niya ang itim na enerhiya, hanggang sa mga palad nito.

"Uzziah, huwag mong ituloy yan!" Hindi niya pinansin ang sinabi ni Aria. Sinubukan niyang kunin ang atensyon ng mga nilalang pero walang nangyayari, patuloy lang sila sa paglapit kay Uzziah.

"Bigyan niyo ko ng daan, Supremes!" Sigaw nito habang naglalaro ang ngisi sa labi.

"U-Uzziah.."

"Babasagin ko ang mga natitirang barriers! Dumeretso kayo sa toreng bato at huwag na huwag kayong lilingon, naiintindihan niyo ba?!" Pero walang nag react sa kanila.

Tinapunan niya ng tingin si Aezi na nagaalalang nakatingin sa kanya, bago si Hanz at ang Supremes. Nang magtagpo ang tingin nila ni Nikyla ay tumango ang babae dito.

"Ngayon na!"

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now