Miraculous 49

6.6K 204 0
                                    

Third Person.

Sa isang iglap, nawala ang walang hanggang kadiliman na bumabalot sa paligid. Mula sa nabasag na bintana, kalmado at buong confident na lumakad doon ang isang babae. Mataas ang heels na suot nito, sumasayad sa sahig ang kulay pula niyang kasuotan.

Pula na may halong itim. Backless ito, at parang isa siyang modern beach dress.

Nakalugay ang itim niyang buhok at may nakapatong na silver headdress sa buhok nito dahilan para lalo itong gumanda. Kapansin pansin ang glitters sa gilid ng kanyang mga mata, at sa leeg nito maging sa ibang bahagi ng kanyang katawan, indikasyon para lalong lumiwanag ang prisensya nito.

Mabilis na yumukod ang mga headmasters na natira maliban sa mga taong nakakulong sa barrier ni Uzziah. Si Uzziah naman at bored na tiningnan ang babae.

"Hindi mo ba ako yayakapin?" Malaking ngiti na sambit ng babae sa kanya. "Nakakalungkot naman na ako lang ang nasisiyahan na makita ang kapatid kong nagtago sa amin sa loob ng maraming taon."

"Urriah Asueri Katana Evilrious." Mas lalong lumaki ang ngiti ng babae ng banggitin ni Aezi ang kanyang pangalan.

Naguguluhan ang Supremes maging ang headmasters sa loob ng barrier ni Uzziah. Nagtatanong kung bakit sobrang magkamukha ng dalawa at ang kaibahan lamang ay ang kulay ng buhok at mata ng mga ito.

Bukod pa roon ay ang mapanlarong ugali ni Urriah laban sa malamig na pakikitungo ni Uzziah.

"Naalala mo ako, Azael." Lumakad palapit si Urriah. "Naalala mo ako sa pangalan ko at hindi sa pangalan ng kapatid ko." Nasisiyahang sambit niya.

Akmang lalapit pa ito kay Aezi ng humarang si Uzziah sa harapan niya. Ipinilig nito ang ulo. Naghanda na rin ang ibang Supremes.

"Azael, tulungan mo ako.." biglang nagmakaawa ito. "Tulungan mo ako.. papatayin ako ng kapatid ko.."

"Tumigil ka na, Urriah. Alam kong alam mo na kaya kong totohanin ang sinasabi mo."

"Walang kwenta! Wala kang kwenta!" Humangin ng napakalakas. Napaatras ang mga traydor palayo kay Urriah na unti-unti ng tumataas ang aura.

Nakakapangilabot. Mabilis na nilingon niya ang Supremes lalo na ng marinig ng mga ito ang sunod-sunod na pagsabog.

Mabilis niyang ini-angat ang kamay at pinakawalan ang Supremes.

"Ang mga tao! Ilayo niyo sila dito!" Mabilis na sambit ni Uzziah habang tinataasan din ang kapangyarihan nito.

Nagdalawang isip ang Supremes ngunit sinunod nila ito. Mabilis silang umalis, habang sinubukan naman silang pigilan ng mga traydor na headmasters pero si Headmaster Yashie at iba pa ang umaksyon dito.

Magkaharap si Uzziah ay Urriah. Nagpapataasan ng aura. Mas lalong tumindi ang itim na enerhiyang kumakalat sa paligid at ang pumapalibot kay Uzziah. Habang isang pula at nakamamatay na enerhiya ang lumalabas mula kay Urriah.

"Tigilan na natin to, Urriah. Hindi na kailangan pang madamay ng Miraculous." Sambit ni Uzziah.

"Kailangan kong mabuhay, kapatid. Tulungan mo ako, kailangan mo lang mamatay. Mamatay ka at makakawala ako, mabubuhay ako na parang sayo. Magkakaroon ng kaibigan, malayang makakalabas ng palasyo." Ipinilig ni Uzziah ang ulo.

"Tumakas ka sa amin, Uzziah. Hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan ko nung nawala ka. Hindi mo alam kung anong dinanas ko sa kamay ng ating ama't ina. Sinalo ko ang kaparusahan na nararapat para sa 'yo." Sambit nito ng puno ng galit.

"Sumuko ka na sa mga kamay ko, Uzziah. Gusto ko lang maranasan ang mabuhay, mahirap ba ang hinihingi ko?" Tanga ka ba?

"Mamatay ako, Urriah. Pero hindi ikaw ang makakapatay sa akin." Umangat ang kamay ni Uzziah at ang pagsunod no'n ay ang tuluyang pagsakop ng itim na usok sa paligid.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now