Miraculous 17

15K 494 13
                                    

Not edited.

×

Nagising ako dahil sa ingay na nagaganap sa labas ng silid ko. Sandali akong napatitig sa ceiling bago inayos ang sarili sa CR. Itinali ko ang buhok sa messy bun at tiningnan ang suot ko. Puting sweat short na hanggang mid thigh, at muscle tee. Oh, palagi palang ganito ang suot ko dito sa dorm.

Bumuntong hininga nalang ako at lumabas ng silid. Pero napahinto din lang ako ng nakakahilo at pamilyar na mga ilaw ang bumungad sa akin.

Kunot noo akong bumaba, nasa dorm parin naman ako. Nasa may hagdan ako at tinitingnan silang magkasayahan sa sala. May neon lights na pailaw sa paligid. Nagmumukha tuloy na disco lights. At may light rock na tumutugtog. Inayos din nila ang mga sofa.

Nakaupo sa sofa si Aezi na nakasandal lang sa gilid habang pinapanuod ang kasamahan niyang magkasiyahan.

Si Hanz na nakaupo sa lapag at may kung anong pinagkakaabalahan. Si Allyrie, Cyrill, Aria ay magkakaakbay na nakaupo sa lapag. Nasa harapan ilang pagkain, pero wala akong nakitang bote ng alak.

"Uzziah! Tara dito!" Napatingin ako kay Jassy na palabas ng kusina. May dala itong pitsel na may lamang juice, at yung isa ay bowl na may yelo.

"Eksakto, gising ka na." Nakangiting sambit nito sa akin. Kunot noo akong bumaba, nagtama ang tingin namin ni Nikyla pero inirapan niya lang ako.

"Anong meron?" I asked at umupo sa kabilang dulo ng sofa kung saan nakaupo si Aezi. Malapit kay Hanz na nakaupo sa lapag na nginitian lang ako. Okay.

Changes by Lauv.

"Magsasaya tayo, Uzziah." Nakangiting sambit ni Allyrie at sinabayan ang background music. Magsasaya?

Napalingon nalang ako sa pinto ng pumasok doon si Zhyver at Jaye Shi na may kung ano. Parang wala lang sa kanila na inilapag ang malaking supot sa gitna naming lahat. Lumabas mula sa supot ang isang in-can beer. 

Inilapag din ni Zhyver ang limang bote ng magkakaibang uri ng alak. Heck? Seriously?  Kunot na kunot ang noo ko, lalo na ng magtawanan sila sa naging reaksyon  ko.

Higit sampo kaming nandito, lahat ng Supremes ay nandito. Hindi ko alam pero uso rin pala dito ang mga alak? Siguro kung susumahin, ka-level ang mga alak na ito ang The Bar, Black Label, Jack Daniel at Alfonso sa mundo ng mga tao.

Balak ba nilang magpakalunod sa alak? Paano kung mahuli kami dito? Sigurado akong sa rami ng binili nila ay gagapang sila sa sarili nilang mga suka kinabukasan.

Napatingin ako sa wallclock na nandito, 10 pm. Tumayo ako at pumunta sa kusina. Naghanap ng kung anong pagkain na pwedeng panlaman sa tiyan bago ang alak. Sa tingin ko ay nagluto sila ng panggabihan bago nagbalak ng ganito.

"Ginigising ka namin kanina para maghapunan, pero wala e." Natatawang bati ni Cyrill sa akin na kumukuha ng baso. "Pumasok din si Aezi at sinubukan kang gisingin, kaso ang lalim ng tulog mo." Tumawa pa ito.

"Sigurado ba kayo sa gagawin niyo?" I asked. "Matataas ang alcohol percentage ng alak na binili niyo.. at ang dami." Hindi ko mapigilan na mabulalas iyon. Lalo siyang tumawa sa sinabi ko.

"Ano ka ba, sampo tayong nandito. At yang mga babaeng yan, mas malakas pa uminom sa mga lalaki nating kasama, Uzziah. Sa tingin ko ay kulang pa iyan kung maiisipan nilang magcontest." Ipinagpatuloy ko ang pagkain.

"Huwag kang magalala, Uzziah. Soundproof ang dorm niyo ni Aezi. Walang makakarinig sa nangyayare ngayon." Hindi parin ako makapaniwala.

"Bilisan mo dyan, saluhan mo kami doon. Wala kang kawala, Uzziah." Napangiwi nalang ako sa sinabi niya.  "At.. gago man yang mga lalaking yan, walang gagawin yan na kahit na ano kahit malasing. Proven and tested. Kahit akitin mo pa, di yan bibigay unless ikaw ang gusto nila." Lalo akong napangiwi.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now