Miraculous 21

11.6K 403 20
                                    

Uzziah's POV

"Alam ko kung sino ka, Uzziah."

Matagal akong napatitig sa kanya. Tinitimbang kung tama ba ang narinig ko o pinaglalaruan ako ng paligid. Hindi nagbago ang itsura niya kaya ng tuluyang naiproseso ng utak ko ang sinabi niya, natawa ako ng wala sa oras.

"Yeah. Alam mo kung sino ako." Tumango tango ako. "Anong plano mo ngayong alam mo na kung sino ako, Aezi?" He was taken a back at hindi nakapagsalita.

Dumidilim ang paligid, pero wala namang kahit na anong nakadisplay sa kalangitan. Parang sinakop lang ng dilim ang paligid.

"Paano ka nakapasok?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay tinanong niya ako pabalik. Hindi ako sumagot.

Sumandal ako sa puno na nandito. Dito rin naman kami iniluwa ng portal pagkatapos kong makausap si Espian.

"Stop playing around, Uzziah." Mahina nitong sambit na sapat lang para marinig ko.

"Huwag mo kaming paglaruan. Huwag mong gawing puppet ang Supremes. Huwag mo kaming paikutin sa mga kamay mo, Uzziah. Please." Napaawang ang bibig ko pero naisara ko ito ng matauhan sa sinabi niya.

"Please, Uzziah. Huwag mo kaming lokohin.." nanatili akong nakatingin sa kanya.

"Marami ng pinagdaanan ang Supremes. Ayoko na masaktan ulit sila at mawalan ulit ng kaibigan. Ayokong masira.. yung nabuo na samahan, kasama ka. Kaya parang awa mo na, tigilan mo na'to. Tigilan mo na yung pagpapanggap mo."

Sanay na akong maipagtabuyan at matanggihan. Sanay akong pandirihan ng lahat, sanay akong husgahan ng lahat. Minsan nga, normal nalang sa akin yon, masabihan ng kung ano ano. Sanay na ako sa mga taong hindi ako pinagkakatiwalaan.

Pero bakit ngayong nanggaling kay Aezi yung mga salitang iyon, nasasaktan ako? Bakit parang pinipiga yung puso ko?

Bakit ngayong naririnig ko mismo sa kanya yung mga salitang sanay na akong marinig sa iba, nahihirapan ako?

Napatawa ako ng wala sa oras at isinuklay ang kamay sa buhok ko. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, kung bakit ganito ang epekto sa akin ng salitang binitawan niya.

"Pinakita sa akin ni Queen ang hinaharap ng Miraculous." Wala sa sariling sambit ko. Mahina at kalmado. "Akala ko okay lang. Kaya ko. Pero nagkamali ako, Aezi. Kasi pinakita lang sa akin ni Queen ang mga mangyayari at hindi niya pinaramdam sa akin ang mga dapat maramdaman."

"Mata ko lang ang naging handa, Aezi." Hindi 'tong puso ko. Hindi itong sarili ko.

"Azael, pinakita ni Queen sa'yo ang nakaraan ko. Kung anong pinagmulan ko. Pinakita niya sa'yo ang mga nangyari sa akin. Nakita mo lahat, lahat lahat." Tinapunan ko siya ng tingin. "Diba dapat ikaw ang mas nakakaintindi sa akin? Ikaw dapat ang nakakaalam ng sitwasyon ko? Kung pinakita sa'yo ni Queen, at naintindihan mo yon, hindi mo'ko huhusgahan katulad nila." Ngumiti ako sa kanya at bumuga ng hangin.

"Uzziah, h-hindi.." tumayo ako ng tuwid.

"Di bale, naiintindihan ko." 

Napapikit ako ng mariin ng hawakan niya ako sa braso at pinigilan ako sa pagalis.

"U-Uzziah, pakinggan mo ako.." ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at unti-unting kinalas iyon.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag, Aezi. Naiintindihan ko." Bumaba na ako ng burol at hindi na lumingon pa.

Tama na, Uzziah. Tama na, okay?

Hindi ako umuwi sa kubo. Nagikot-ikot ako sa paligid dala ang isang lampara na napulot ko lang sa labas ng isang bahay.

Nakakita ako ng isang patay na puno, hindi naman ako masyadong lumayo sa kubo na tinutuluyan ng Supremes. Mas mababa ang burol na'to kaysa doon sa burol na dinaanan namin.

Isang malaking patay na puno ang nandito. Hindi pa naman magigiba. Wala nga lang mga dahon o kahit na anong buhay. Sumandal ako sa sanga at ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan akong lamunin ng antok.

Nagising nalang ako ng maramdaman ang isang tingin. Marahan na iminulat ko ang mata at halos mahulog ako sa kinauupuan ng bumungad sa akin ang mukha ng isang maputlang bata.

The heck?!

"Ate, ngayon lang kita nakita dito. Bago ka?" Hindi ako sumagot. Hindi ko rin maintindihan ang sinabi nito.

Humawak ako sa dibdib ko para paklmahin ang puso ko. Dito ata ako mamatay. Huminga ako ng malalim.

"Sorry, natakot ata kita ate."

Umupo ito ng maayos sa tabi ko pero nakaharap siya sa akin.

"Okay ka lang po ba?" Tumango ako bilang tugon.

"Anong ikinamatay mo?" Tiningnan ko siya ng matagal. "Huwag kang magalala ate, hindi ko ipagsasabi." Bumungisngis ito.

"Ikinamatay?" Tumango tango siya.

"Hindi mo ba naalala kung paano ka namatay ate?" Kinilabutan ako sa tanong nito. Putek. Ito ang ayaw ko. Mga tanong na dahilan kung bakit ka mago-overthink.

Paano pala kapag namatay ka na tapos di mo lang alam?

"Lahat ng nandito ay patay na ate. Kami yung mga kaluluwa na may gusto pang mangyari bago kami makapasok sa itaas. Ako kasi, pinatay ako ng aking ama." Napahinto ako.

"Mahal na mahal ko si papa kaya hindi ako naniniwala na kaya niyang gawin iyon. Aksidente ang nangyari. Aksidente ang pagkamatay ko.. sa kamay niya.. iyon ang gusto kong paniwalaan, na aksidente ang pagkawala ko sa mundo."

"H-hindi mo kailangang mag kwento kung hindi mo kaya." Ngumiti lang siya sa akin kaya lumitaw ang malalim na dimples nito sa mataba niyang pisnge.

Maputla siya, parang kakulay na ng abo. Mataba at sigurado ako kung buhay pa to, bibo at may itsura siyang lalaki.

"Pero kung aksidente ang lahat, dapat pinapasok ako sa itaas. Kaya eto, na trapped ako dito ate. Hinihintay ko na magkita kami ni papa bago ako makaakyat. Gusto ko.. marinig yung boses niya, makita yung mukha niya. At gusto ko siyang mapatawad. Kaso, hindi ko alam pero matagal na akong naghihintay. Wala parin."

"Hindi pa ako patay." Sambit ko na lamang.

"Seryoso ate? Mukha ka ng bangkay." Sinamaan ko siya ng tingin. "Magandang bangkay, ate."

"Hindi pa ako patay." Tiningnan ko siya ng matagal.

"Ano bang pakiramdam ng mamatay?" Maingat na tanong ko. Ang tanga ko kasi sa kanya ako nagtanong.

"Hindi. Huwag. Kalimutan mo na." Natatawang pagbawi ko pero tumingin lang siya sa kawalan.

"Pakiramdam ng mamatay? Parang isisilang ka ulit." Huminto siya. "Pabaliktad nga lang." Bulong nito sa hangin.

Isisilang ka ulit. Pabaliktad nga lang.

Ipinikit ko ang mata.

"Walang may gustong mamatay ate. Pero sa kamatayan, lahat ng tao pantay-pantay. Walang mahirap, walang mayaman. Walang bata o matanda. Kamatayan, iyon lang ang panahon kung saan, lahat ay patas. Iyon lang ang panahon kung saan, walang nakakalamang. Kamatayan."

Marahan na ipinikit ko ang mata. Patas.. 

"Uzziah!" Napamulat ako ng tingin at binalingan ang bata ng katabi ko pero wala na ito. Tumingin ako sa sumigaw, nagmamadali itong pumunta sa pwesto ko.

"Kagabi pa kita hinahanap." Humahangos na sambit niya. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinila patayo.

"May sugat ka ba? Pasa? Galos? Okay ka lang ba?" Tiningnan niya ang mga braso ko.

"H-Hanz." Kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Anong masakit sayo? Uzziah.. sabihin mo sa'kin. Anong nangyari? Bakit hindi ka umuwi? Mababaliw ako Uzziah.. kapag may nangyaring masama sayo." Hinawakan niya ako magkabilang balikat bago huminga ng ilang ulit.

Parang kinakalma ang sarili.

Buti ka pa Hanz, may pakialam. Sana.. sana ikaw na lang.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now