Miraculous 34

7.7K 276 6
                                    

Aezi's  POV

Mabilis na linapitan ko si Cyrill ng matagumpay itong makababa ng hindi nasasaktan. Hindi ko na pinansin ang kung anong pumalibot sa kanya at agad rin naman itong naglaho.

"Cyrill!" Nagmulat ito ng mata at naguguluhan na tiningnan ako.

"Buhay ako." Wala sa sariling sambit niya.

"Okay ka lang?" Tumango siya.

Tumayo ako at tiningnan ang mga bangkay ng agila sa paligid.

"Allyrie, si Uzziah!" Sigaw ko ng makitang nauuna ang ulo nito sa pagbagsak. Masyadong mataas ang inilipad sa kanila ng agila. Masyadong.. mataas.

Mabilis at pikit mata na iniangat ni Allyrie ang mga palad, binalot nito si Uzziah sa isang bolang tubig.

Ginamit ni Cyrill ang hangin para mapabilis ang pagbaba nito at sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jassy ay maayos itong nakababa.

Tinakbo ko amg pwesto niya oras na nawala ang bolang tubig. Basang basa ito at umuubo dahil sa tubig na pumasok bigla sa kanya. Mabigat ang paghinga niya.

"Sorry! Sorry Uzziah! Wala akong choice!" Tiningnan ko si Allyrie na natataranta. "Hindi ko alam ang gagawin ko kaya binalot nalang kita ng tubig! Ahh! Mali! Sorry talaga!"

Itinaas ni Uzziah ang kamay dahilan para mapatigil si Allyrie sa paghingi ng tawad. Hinawakan ko ang magkabilang braso nito at iniharap siya sa akin.

"Okay ka lang?" I asked.

"Yung tubig.. ata ang papatay sa akin." Allyrie pouted. Natawa rin si Hanz. Pero nawala ang tawa niya ng biglang may water balls na tumama sa mukha niya.

Napangiti narin ako sa busangot na mukha ni Hanz. Nabasa din ang tshirt nito at buong mukha niya.

"Ahh! Sorry Hanz! Di ko sinasadya!" Muling may waterballs na tumama sa mukha ni Hanz.

"Hindi talaga!" At ang isa ay nadagdagan pa hanggang tuluyang mabasa ang buong katawan niya.

"Allyrie!" Inis na sigaw ni Hanz at hinabol si Allyrie.

"Zhyver! Si Hanz oh!" Imbes na tulungan ni Zhyver si Allyrie na nagsusumbon ay tinawanan niya lang ito.

Ilang minuto pa ay basa na si Zhyver habang masama ang tingin sa kanya ni Allyrie.

"Akala ko mahal mo ako?!" Pabirong sambit ni Allyrie.

And the scene continues hanggang buong Supremes ay basa na. Basang basa na. Nagangat ako ng tingin ng makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.

"What?" Halos sabay sabay silang ngumiti ng malapad. No.. no. Ako lang kasi ang hindi basa sa kanila.

Akmang tatakbo ako para tumakas ng hilahin ako ni Hanz at niyakap ng mahigpit. Sunod-sunod ang iba pang Supremes. Nagpumiglas ako kasi nababasa na ang suot ko, pero nagawa pa nilang guluhin ang buhok ko. Ilang saglit pa ay ang isang malaking bola ng tubig mula sa ulunan namin ang bumuhos sa aming lahat.

"Allyrie!" Sigaw ko pero kalaunan ay natawa din lang ako. Nag peace sign ang yagit.

"Ang cute niyo." Tumingin kaming lahat kay Uzziah na nakabawi na ata. Natatawa ito, hindi ko alam kung dahil sa nangyayari o dahil sa itsura namin. Pero nakakagaan ng loob na makitang tumatawa na siya.

"Grabe. Kahit sinabing walang gagamit ng kapangyarihan ay walang nakinig sa inyo." Natatawang dagdag niya bago tumayo.

Wala sa sariling kinuha ko ang twalya at ibinato sa kanya. Doon ko napansin na halos lahat na'rin ng mga babae naming kasama ay kanya-kanyang balot ng twalya sa katawan. Mismong ang mga kasamahan kong lalaki ang nagabot sa kanila.

"Paano kami ngayon?" Tanong ni Hanz habang yakap ang sarili.

"Malamig?" Inosenteng tanong ni Cyrill sa kanya. Tumango si Hanz na giniginaw at sa hindi malamang dahilan ay umihip ang malamig na hangin.

"Cyrill Jember!" Grabe talaga mangasar ang mga 'to. Pamatay. Tumawa ng malakas si Cyrill.

Pinagtulungan ni Nikyla at Jassy na makabuo ng silong. Gamit ang thorns at ang kapangyarihan ni Jassy ay nakabuo sila ng lugar na pwedeng pagbihisan. Dalawa, sapat para sa aming lahat.

Nakabukod ang babae sa lalaki. Pumasok ako sa loob at kaagad na inalis ang basa kong damit. Ganuon din ang mga kasama ko.

"Grabe Aezi. Di ba sila naawa sa akin?" Natawa nalang ako kasi hanggang ngayon hindi parin tapos magreklamo si Hanz.

"Ang saya-saya nila kapag binubully tayo." Jaye Shi pouted.

"Sana all, may abs." Singit ni Zhyver.

"May abs ako, dalawa." Sambit ni Hanz. Nagsuot ako ng tshirt at pambaba ng hindi sila pinapansin.

"Aezi, alam mo ba kung ilang araw na tayo dito?"  Natigilan ako sa tanong ni Jaye Shi.

"Tatlong linggo." Matipid na banggit ko bago lumabas ng silong. Naabutan namin ang girls na nagaayos ng mga gamit, nakabihis na rin at maayos na ang itsura.

Nagsusuklay si Nikyla at Cyrill habang nagpapatuyo ng buhok si Allyrie. Nakaupo naman sa isang tabi si Aria na inaayos ang gamit habang si Uzziah ay parang wala na naman sariling nakatulala sa gilid.

"Siguraduhin niyong wala kayong naiwan." Sambit ko. Muli kong kinuha ang bagpack ni Uzziah. Nakita ko doon ang keychain na ginamit niya panlaban sa mga agila. Bumuntong hininga ako.

"Ako! Ako may naiwan!" Nagtaas ng kamay si Hanz.

"Naiwan ko siya. Ayeyeye" napangiwi ako. Seriously, Hanz.

"May nakilala ka ba dito habang natutulog kami ha?!" Nakatingin lang ako kay Hanz na napahinto. Parang nagulat pa sa tanong ni Cyrill.

"Nakilala?" Pasimple at kunot noo siyang tumingin kay Uzziah, tapos sa akin, tapos sa buong Supremes.

"Meron!" Kumunot lalo ang noo ko. "Si Jaquin! Nagpakita si Jaquin sa'kin kahapon." Biglang seryoso na sambit niya.

"Jaquin? Yung anak ni Mr.Vajon?" Tumango si Hanz.

"Magiingat daw tayong lahat."

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now