Miraculous 25

10.5K 324 11
                                    

Aezi's POV

I can't take my eyes off on them. Kung paano sila masayang nagku-kwentuhan at nagtatawanan. Nai-iwas ko ang tingin ng may tumapik sa balikat ko.

"Ayos ka lang?" Natawang tanong sa akin ni Jaye Shi. Bago tingnan yung tinitingnan ko. Iniwas ko ang tingin at ipinagpatuloy yung pagaayos ng gamit.

"Aezi! Patulong?" Binalingan ko si Nikyla. Bumaba ang tingin ko sa maleta nito. Dalawang maleta ang dala niya.

"Ba't kasi ang daming dala, Nikyla? Di naman tayo magba-bakasyon dito." Natatawang singit ni Allyrie na inaayos na din ang gamit niya.

Umirap lang si Nikyla.

"Ako na bahala diyan, mamaya." Sagot ko at pasimpleng tumingin sa gawi nila Uzziah.

Ipinikit ko ng mariin ang mata at bumuga ng hangin.

"Kalma, Aezi." Sinamaan ko ng tingin si Zhyver na tumawa lang. Nakitawa din sila Cyrill at papalit-palit ang tingin sa akin pati kay Hanz.

"Hanz! Tapos na kayo?" Lumingon si Hanz sa amin at tumango bilang tugon kay Jassy.

Napaiwas siya ng tingin ng magtama ang tingin namin. Tama na, Aezi.

"Alis muna ako." Walang emosyon na sambit ko.

"Teka, alis na tayo mamaya." Inalis ko yung pagkakahawak ni Hanz sa akin. Bago siya tinanguan.

"Sunod ako." Tuluyan na akong umalis ng kubo. Pinalitan ni Espian yung kubo na nasira dahil sa mga Manieka kaya iba ang kubo na tinutuluyan namin.

Tahimik parin ang paligid, walang makikitang kahit na ano. Ang tanging nakikita ko lang na tao dito ay si Espian na minsan lang magpakita, patago pa.

Bukod doon, kahit maraming bahay at dikit-dikit, wala kaming nakikitang nakatira o pagala gala man lang.

Parang literal na ghost town tuloy ang nangyari sa lugar na'to.

"Bulaga! Awoooooo!"

Napaatras ako sa biglaang paglitaw ng isang matabang batang lalaki sa harap ko. Umikot-ikot pa siya sa akin.

"Awoooo!"

Maglalaho siya tapos biglang lilitaw. Nakatayo lang ako doon.

"Ay, hindi natakot?" Inilagay nito ang kamay sa baba niya at parang nagiisip.

"Ah! Alam ko na kung paano ka matatakot!"

"Tama na, bata." He pouted. Tapos ngumisi siya sa akin.

"Si ate Uzziah!" Kumunot ang noo ko. "Tama! Si Ate Uzziah nalang ang guguluhin at tatakutin ko! Tutal hindi ka naman natatakot sa akin." Nanlaki ang mata ko ng aalis na ito.

"Teka! Oo na! Takot ako. Takot na takot ako sayo. Kaya tama na. Natatakot na ako!" Ano bang ginagawa mo?

"Aezi, anong ginagawa mo?"

Nagmulat ako ng mata ng marinig na bumungisngis siya. Hanggang sa tumawa siya ng malakas. Tumayo ako ng tuwid habang nakatingin sa akin si Uzziah. Nagtataka pero namumula ang mukha at halatang nagpipigil ng tawa.

"Wala." Walang ganang sambit ko at inis na tinadyakan ang inaapakan ko. Bwisit.

"Huli ka, kuya!" Hanggang ngayon ay tumatawa parin yung bata.

"Huwag mo nga siyang paglaruan." Hindi ko pinansin si Uzziah. Taena, anong ginawa mo Aezi?  "Hindi yan takot sayo."

Oh, magkakilala na sila?

"Alam ko ate. Sino bang maniniwala na takot siya kung nagmi-make face siya habang sumisigaw?" Muli itong tumawa.

Nagpalabas ako ng apoy sa kamay ko pero naibaba din iyon ng may naglagay ng abo sa nakabukang palad ko. Inis na binalingan ko ng tingin si Uzziah. Susunugin ko talaga 'tong batang 'to.

"Tara na, kakain daw muna tayo bago umalis." Biglang sambit nito sa akin.

"Sunod ako." Tumango siya at umalis na.

Bumuga ako ng hangin. Dumako ang tingin ko sa batang multo na nakatingin lang kay Uzziah na papalayo sa amin.

"Aalis na pala kayo, kuya." Bumuga siya ng hangin at nangalumbaba. Nakaupo siya sa ere, nakapatong sa kamay ang baba niya.

"Kuya, pwede bang alagaan mo si ate Uzziah?" Bumaling siya ng tingin sa akin.

"Ang lungkot lungkot kasi niya e." Huminga ako ng malalim at seryosong tiningnan siya.

"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa itaas ka?" Ngumiti siya sa akin.

"Kuya, ikaw lang naman ang hinihintay ko bago ako umakyat sa itaas." Tiningnan ko siya. Huminga siya ng malalim.

"Hindi.. hindi ang tatay mo ang pumatay sayo, Jaquin." Tumango siya.

"Alam ko, kuya. Hanggang ngayong pinagsisisihan niya parin ang nangyari sa akin kahit hindi siya ang pumatay sa akin."

Naawa ako kay Jaquin. Naawa ako sa tatay niya at sa kung anong nararanasan nila.

"Kuya Zael, sabihin mo kay papa na ayos lang ako. Aakyat na ako kaya hindi na niya ako makikita. Hindi na niya sisisihin ang sarili niya. Buong akala niya kasi na sa tuwing nakikita niya ako e siya ang sinisisi ko. Konting oras o minuto lang ang tinatagal ko sa Miraculous kaya hindi ko nagagawang makipagusap. Pero okay na ako dito, kuya Zael. Sabihin mo kay papa, tama na. Mahal na mahal ko yon."

Tumango ako ng ilang ulit siyang humingi ng tawad. Jaquin Kim Vajon. Isang huwad ang pumatay sa kanya, pinalabas nitong si Mr.Vajon ang pumatay sa sariling anak. Bumuga ako ng hangin ng maglaho siya.

"Mr. Zi, hindi lahat kailangan mong matuklasan." Lumitaw sa gilid si Espian. Nakaitim na cloak at kaswal na nakatayo.

"At hindi lahat kailangan mong pakialaman. Marami pang mangyayari, Mr. Zi. Nagsisimula palang ang inyong paglalakbay." Ngumisi siya sa akin.

"Bakit mo siya pinapasok?" Tuluyan siyang humarap sa akin.

"Hindi na nakakagulat na may alam ka nga, Mr. Zi." Huminto siya saglit. "Bakit mo siya pinagkakatiwalaan?"

I was taken a back. Hindi ako nakapagsalita lalo na ng tumawa ito.

"Mr. Zi, bakit ka nagdududa?" Lumapit siya sa akin at ginamit ang dulo ng tungkod nito para i-angat ang mukha ko.

"Bibigyan kita ng clue, Mr. Zi. Sa mga pwedeng mangyari." Hindi ako umimik.

"Ililigtas ka niya sa lahat ng kapahamakan Aezi. Ililigtas niya ang buong Miraculous at ang magiging kapalit no'n?" Diretso siyang tumingin sa akin.

"Isang mahabang pagkakahimlay, Mr. Zi."

Hindi na ako naka-react ng biglang may humila sa braso ko. Ang nakita ko nalang ay si Uzziah na nasa harap ko at ako na nasa likod niya.

"Anong sinabi mo sa kanya?" Mariin at malamig na tanong ni Uzziah.

"Wala akong sinabi, Katana." Humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Huwag mong lalasunin ang isip niya Espian. At huwag mong tatangkain na kami ay paglaruan. Tutuluyan kita, Espian. Wala akong pakialam kung sakop ka ni Especian."

"Kumalma ka, Katana. Naguusap lang kami ni Mr. Zi. Wala akong sinabi na kahit na ano. Ano bang ikinatatakot mo?"

"Wala akong kinatatakot, Espian." Namutla si Espian ng tumawa si Uzziah.

"Alam kong alam mo yan."

Kinalas ko ang pagkakahawak ni Uzziah sa akin dahilan para mapatingin siya. Naglaho si Espian na parang bula.

"Akala ko susunod ka?" Bumuga siya ng hangin at umiling bago nilagpasan na ako.

Huwag mong paguluhin lalo ang utak ko, Uzziah.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now