6

5.1K 228 22
                                    

A/N: HAPPY 6K FOLLOWERS SA AKIN KAHIT WALA AKONG TINATAPOS NA LIBRO. HAHAHA

"Ano ibig sabihin ng IED?" tanong ng nanay niya sa isang espesyalista na pinuntahan nila dalawang araw matapos mangyari ang insidente sa loob ng silid-aralan nila.

Hanggang ngayon hindi parin magawa ni Marcus na magsalita dahil iniisip niya ang kamalian niya at kung anong nadulot nito sa mga tao sa kapaligiran niya. Iniisip niya rin na may bahaging kasalanan din ni Edward ang nangyari lalo na't pinilit siya nito.

Katabi niya ang nanay niya sa kanan habang nakahawak sa hita ni Marcus at naka-upo. Sa harapan nila, mayroong matandang babae na sa tingin niya'y apatnapu't siyam-taong gulang. Nabasa ni Marcus na isa itong psychiatrist sa nameplate nito. Genoveva Articulo isang doctor na espesyalista sa sakit sa pag-iisip.

Noong una nagtataka si Marcus dahil bakit siya dadalhin sa ganitong klaseng lugar?

Ang alam niya mga baliw lang ang dinadala sa mga ganitong lugar. At sigurado si Marcus na hindi siya baliw...hindi nga kaya?

"Ang ibig sabihin po ng IED o Intermittent Explosive Disorder ay ang madalas o pa-ulit-ulit na pagiging agresibo ng isang indibidwal. Maaaring sa paraan ng pananalita o pisikal. Hindi ito basta-basta nakokontrol dahil kakailanganin ng therapy at medisina para maiwasan ito. Hindi rin ibig sabihin nito na masama o bully ang anak ninyo. Isa ito sa mga kadalasang tinatawag sa mga batang mayroong IED lalo na't dumadating sa puntong nakakasakit na sila ng pisikal ngunit ang nakikitang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng hyperactivity ng amygdala na matatagpuan sa utak. Responsable ito para madetect ng isang indibidwal kung mapanganib o nakakatakot ang isang sitwasyon

"Isa pang nakikitang dahilan dito ay ang abnormal na paggalaw ng brain chemical na serotonin. Sa totoo niyan, hindi pa ganun kasigurado kung ano ang pinaka dahilan nito sa anatomy ng tao.

Naramdaman ni Marcus ang paghigpit ng hawak ng nanay niya sa binti niya, "Alam niyo po ba ang dahilan kung bakit sa tingin niyo mayroon ang anak ko?"

"Kadalasan sa kapaligiran niya o maaaring may myembro ng pamilya na mayroon ding IED," tugon ng psychiatrist sa nanay niya. "May I ask a personal question Mrs. San Jose?"

Tumigil ang nanay niya, sa tingin ni Marcus inaasahan na nito ang ganitong mga tanong.

"O-oo naman," pautal na tugon ng nanay niya.

"Does Marcus experience any pressure at home? Or any extrinsic factor that we could link to this diagnosis?" tanong pa nito muli.

Oo! Nais na itugon ni Marcus dito. Ang tatay niya. Madalas ito ang nagpapasikip ng dibdib ni Marcus. Pakiramdam ni Marcus pinaliligiran siya ng rehas sa tuwing malapit ang presensya ng tatay niya. Mataas ang nerbyos dahil sa pagsigaw nito sa kanila. Ang tatay niya ang nagpapabigat ng hangin sa bahay nila, kaya hindi makahinga si Marcus.

Nais niyang isigaw ang lahat ng ito. Ngunit pinangungunahan siya ng takot na baka dumating ito sa tatay niya at saktan nanaman siya nito.

Kinuyom ni Marcus ang kanyang mga palad at pinagmasdan ito sa kanyang mga binti. Hindi niya magawang tumingala dahil baka tawagin siyang baliw ng mga ito.

"Wala naman Doc, tahimik lang naman sa bahay dahil kaming dalawa lang lagi ni Marcus nandoon, paminsan umuuwi ang tatay niya. Magkasundo naman sila," pagsisinungaling ng nanay niya.

Hindi maintindihan ni Marcus kung bakit hindi nito sinabi ang totoo.

"Anong pwede nating gawin kay Marcus? Para maiwasan na niya yung mga 'yun?" dagdag na tanong ng nanay niya.

"As of now, I highly recommend Marcus to get therapy for anger management and control his emotions. As for medications, I will be giving you his prescriptions. Usually, we use beta-blockers or yung mga ginagamit din nang nagkakaroon ng anxiety attacks for the management of IED," paliwanag nito.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon