11

4.2K 207 48
                                    

A/N: Marcus po xD

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Marcus po xD

Marcus

"Ayun lang for today, if you have any questions, you may email it to me! Dismiss!" huling sabi sa kanila ni Mr. Dionisio, isa sa mga paboritong propesor ni Marcus, bago nito isinara ang librong nasa lamesa nito at inilagay sa loob ng bag

Nagsimula na itong maglakad patungong pinto ng silid.

Nagmamadaling tumayo si Marcus, iniligpit ang mga gamit at sinabit ang bag sa balikat. Hinabol niya ang kanyang propesor dahil may sasabihin siya dito tungkol sa bagong pinababasa nito sa kanila.

Naabutan niya ito sa pasilyo kaya tinawag niya kaagad ito.

"Sir!" tawag ni Marcus dito. Lumingon sa kanya ito.

"Oh, Marcus," ika nito. "May tanong ka ba?" tanong ni Mr. Dionisio sabay tupi ng mga braso sa harapan ng dibdib.

Napatigil si Marcus dahil sa ipinakita ni Mr. Dionisio na intimidating na itsura. Na para bang ipinakikita nito kung ano ang pagkakaibahan ng posisyon nito kumpara kay Marcus. Ganitong-ganito ang madalas na ipakita ng tatay niya sa kanya kaya nakikita niya ang tatay niya kay Mr. Dionisio. Gayunpaman, magaling naman itong guro at madaling naiintindihan ni Marcus ang itinuturo nito kaya mataas ang tingin niya dito.

"Pwede po ba akong humingi ng extension sa pagbasa nung output? Nahihirapan po kasi talaga ako," nahihiyang saad niya dito.

Napansin ni Marcus ang pag-iba ng postura nito na para bang sumusuko na sa pagiging mapilit ni Marcus. Yumuko ito sabay pisil ng itaas ng ilong. Nang tumingin ito kay Marcus, binigyan siya nito ng walang emosyon na ekspresyon.

"Pang-ilang tanong mo na ba sa akin ito, Marcus?" may bahid ng pagka-irita ang tono ng boses nito. Hindi naman ito masisisi ni Marcus dahil nakakailang beses na nga naman niya itong sinabihan.

"Limang beses na po..." tugon ni Marcus.

"At ano ang sagot ko?" tanong pa muli nito.

Hindi inalis ni Marcus ang tingin dito, ipinakikita na hindi siya magpapatinag. 

"Hindi na pwede dahil hindi na siya magiging fair sa mga kaklase ko," tugon ni Marcus dito habang inaalala ang eksaktong sinabi nito sa kanya nang makailang beses na niya rin itong pinilit.

"¿Entiende?" tanong nito sa Español.

"Pero sir, nahihirapan po kasi talaga ako," tugon niya.

Tumalikod na ito sa kanya, hindi binibigyang pansin ang bawat salitang binibitawan ni Marcus.

"Hindi ko kasalanan na mahina ka, Marcus, baka gusto mong ituon ang atensyon sa pag-aaral?" rinig niyang pahabol nito sa kanya.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon