Marcus
Hinalikan ni papa si Carmella sa noo, "You're so beautiful, baby 'Mel."
"Thank you so much papa," nakangiting tugon ng kapatid ko habang inaayos ang wig na isinuot niya at ang bulaklak sa taas ng tenga niya. Napangiti naman ako habang pinanunuod ang kapatid ko na sa wakas ngumingiti na muli.
Pero sa tuwing nakikita ko si papa, gusto kong magalit lalo na't alam ko ang ginagawa niya sa mga tao. Ang pagpapapatay niya. Ang mga bagay na hindi ko alam na siya pala ang pasimuno.
Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang maisip ang mga krimen na ibinalita sa telebisyon, talamak na barilan sa siyudad na pinamumunuan niya, at ang mga taniman ng droga at armas para maisalaysay na ang mga biktima ay nanlaban.
Napapabuntong hininga na lamang ako.
Dahil wala akong magawa.
Umaga nang dumiretso kami sa palaruan ni Carmella dito sa bahay nila. Pinaupo ko siya sa swing at marahang itinutulak. Kanina pagkagising ni Carmella, sinorpresa ni Tita Rachel ang anak niya ng bagong wig at ng bulaklak na kulay pink. Inayusan niya si Carmella na nagpagaan ng loob ng kapatid ko. Napapangiti ako nang malawak habang pinanunuod siyang masaya at ineenjoy ang pag-make-up sa kanya ni Tita Rachel.
Dito ko na lamang itinutuon ang atensyon ko dahil sa tuwing naaalala ko ang pag-uusap na ginawa ni papa nung gabing iyon, naguguluhan ako.
Pinanunuod ko na lamang si Carmella na maging masaya. Iniisip ko rin ang posibleng mangyari kung sakaling pangungunahin ako ng damdamin ko lalo na't ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ay ang kapatid ko at ang pagiging masaya niya ang prayoridad ko.
Hindi ko rin maiwasang maalala ang huling pag-uusap namin ni Kaiden dahil kapansin-pansin ang pag-aalala niya sa akin. Gayunpaman, hindi ako makapaghintay na maikwento sa kanya na kahit papaano nakakangiti na muli ang kapatid ko.
Nakakapagtaka lang na kagabi hindi sinasagot ni Kaiden ang tawag ko dahil kadalasan bago matulog magkausap kami. Siguro busy lang talaga siya kagabi dahil sa paghahanap ng trabaho.
Pero hindi niya rin ako tinawagan kaninang umaga.
Hindi na akong makapaghintay na makita siya mamaya dahil planado ko ang pagkikita namin na date. Nag-arkila ako ng kalesa sa may Luneta para buong hapon kami iikot sa Intramuros at iba pang lugar dito sa Maynila.
"Papa, do you think someday I will have a family of my own?" tanong ni Carmella. Napahawak ako sa wig niya at sinuklay ito habang nakangiti ng malungkot.
Lumuhod si papa sa harap ni Carmella at ngumiti, "Of course naman baby. And I think you will be as beautiful as your mom."
Lumiwanag ang mukha ng kapatid ko, "I can't wait to become like mommy someday!"
Napangiti rin nang malungkot si papa habang inaayos ang bangs ng wig ni Carmella. Hindi ko alam ang mararamdaman dahil sa maskara na suot-suot ni papa, napakagaling niya.
"Let's eat na!" pagtawag sa amin ni Tita Rachel na lumabas mula sa sliding door ng likuran ng bahay nila.
Tumayo na si papa mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang kamay ni Carmella. Naglakad na sila papa palapit kay Tita Rachel. Hinawakan ni papa si Tita Rachel sa pisngi at binigyan ng halik sa labi ang asawa niya.
"What did you cook, hon?" tanong ni papa sa asawa niya.
"I made made Thai basil chicken, your favorite because you told me na mayroong good news," tugon naman ni Tita Rachel.
"Bakit napakaganda ng asawa ko?" tanong ni papa kay Tita Rachel. Dahan-dahang dinulas ni papa ang kamay niya patungo sa kamay ni Tita Rachel at nagsimula na ring maglakad papasok ng dining area.
BINABASA MO ANG
DYOSA (TRANS)
General FictionMarcus feels alone. Wala siyang kaibigan at pamilya. Tahimik lang niyang sinusubukang lampasan ang araw-araw. Madalas kinukulong ang sarili sa loob ng condo, nilalayo ang sarili sa ingay ng mundo. Ang akala niyang paulit-ulit na daloy ng buhay niya...