Marcus
Marahan kong itinulak ang swing kung saan naka-upo si Carmella. Kanina pa kami naglalaro dito sa bakuran ng bahay nila na mayroong maliit na playground. Sinusulit ko ang pagkakataon na kasama ko siya. Ang isipin pa lang ang tungkol sa kalagayan niya, pinupuno ng lungkot at takot ang dibdib ko.
Nagsisimula nang maglagas ang buhok niya dahil na rin siguro sa chemotherapy, sinusubukang patayin ang cancer cells sa katawan niya. Napahinga ako nang malalim sa tuwing nakikita ko ang kalagayan niya. Sa tuwing hinahawakan ko ang kamay ni Carmella, hindi ko naiiwasang mapansin ang kanipisan ng mga daliri at pulsuhan niya dahil sa kapayatan. Nabanggit din sa akin ni Matteo na maraming gabing sumisigaw ang kapatid namin dahil sa sakit. Wala silang magawa kundi ang pagmasdan lang si Carmella at hintayin na maging epektibo ang gamot na iniinom niya. Ilang gabi ring hindi makatulog si Tita Rachel dahil natatakot sa mga hindi inaasahan na mangyari. Mayroong sariling nars na nag-aalaga kay Carmella at araw-araw may doktor ding tumitingin sa kanya. Malaking bagay na ito para mapanatag ang nararamdaman namin.
"I love papa," tumingin si Carmella sa akin at ngumiti. "I love him so much."
Hindi na ako nagulat dahil sa ilang araw na nakadalaw ako dito sa bahay nila, kapansin-pansin talaga ang pagiging close ni Carmella kay papa. Wala namang kaso sa akin 'yon dahil maganda rin na mayroong father figure na nakikita si Carmella.
"Really?" tanong ko sa kanya.
"Yes," masayang tugon niya sakin. "I love his bear hugs everytime I feel painful. He cries silently and he doesn't tell me why but I know it's because of me. He goes to my room every night to tell me that he loves our family. Papa looks tough but he's gentle inside."
Bagong-bago sa akin na marinig itong impormasyon na ito tungkol kay papa. At ang marinig pa ito sa pinakabata naming kapatid, nakakabigla. Walang perpekto na tao sa mundo, alam ko 'yon. Pero ang hindi perpekto na relasyon ko kay papa ay ilang taon ding nabuo hanggang sa tumatak na sa isipan ko kung anong klaseng tao siya. Habang umeedad ako noon, naghahanap ako ng magiging modelo ko bilang isang ama ngunit sa tuwing nakakasalamuha ko si papa, pakiramdam ko may nakatali sa leeg ko na nagpapahirap sa aking huminga. Kaya malaking bahagi ng pagkatao ko nang naging mapag-isa ako dahil sa ganitong klaseng sitwasyon, nagawa kong maramdaman na komportable ako sa sarili ko.
"He's the reason why I'm fighting. He told me I am a strong princess and as a strong princess I need to beat my cancer," dagdag pa niya muli. Napangiti naman ako sa sinabi niya, mabuti na lang kahit papaano may magandang naidudulot parin si papa sa aming magkakapatid.
"Yes, baby," saad ko sa kanya sabay hawak sa parehas niyang balikat.
Nakita kong kakapasok lang ng gate si Matteo at binati niya kami ng ngiti nang makita niya kami sa playground. May suot siyang malaking backpack, ibinaba niya muna ito bago magsimulang maglakad papunta sa amin.
"Utol! Baby Carmella!" tawag niya sa amin nang makalapit.
"'Tol!" tawag ko din sa kanya.
"Hello Kuya Matteo!" tugon naman ni Carmella sa kanya.
Lumuhod gamit ang isang tuhod si Matteo para pantay sila ni Carmella. Sabay binigyan ng yakap ang maliit naming kapatid. Matangkad din kasi si Matteo, marahil dalawang pulgadang mas maliit sa akin. Ang huling sukat ko sa height ko ay 6'3 ako.
"How are you baby?" tanong ni Matteo sa kapatid namin.
"I'm okay kuya! How's your program?" sagot at tanong naman ni Carmella.
BINABASA MO ANG
DYOSA (TRANS)
General FictionMarcus feels alone. Wala siyang kaibigan at pamilya. Tahimik lang niyang sinusubukang lampasan ang araw-araw. Madalas kinukulong ang sarili sa loob ng condo, nilalayo ang sarili sa ingay ng mundo. Ang akala niyang paulit-ulit na daloy ng buhay niya...