Entry 3: Selos..?

162 4 0
                                    

Crazy Ramblings..

If ever may tanong kayo wag kayong mag-atubiling magtanong. Sasagutin ko siya as soon as mag-OL ako. Salamat sa suporta! C:

______________________________________________________________________________

Lyann's POV

Umaayon ang lahat sa plano though di ko pa talaga alam kung bakit ko ginawa ang ginawa ko kahapon, alam kong makakatulong siya sa'kin sa mga susunod na araw. Ata. Sana..

Ang tanging bumabagabag lang sa isip ko eh 'yong lalakeng nag-volunteer na maging Vice President. Dapat kasi ako 'yon eh. Nang-uuna. Hayy..

Mamaya may meeting 'yong mga class officers.

Ibigsabihin, pagkakataon ko na namang makausap si Tresh! Haha.

Sa pagkakataong 'yon, sisiguruhin ko nang maipararating ang aking saloobin sa kanya.

Kaya mo yan Lyann!

Fighting!

Dumating ang oras ng meeting.

Bakit..?

Bakit walang nagsabi sa'kin na tagasulat pala ng mga pinag-usapan ang secretary?

Waah..! Hindi man lang ako nakapag-ready. Di pa naman ako nagdadala ng notebook at ballpen. Buti na lang to the rescue 'yong Vice namin.

Ano nga bang pangalan niya?

Kasasabi lang nong nasa harapan ko kanina eh. Uhm.. I...I-Ibon? 'Yon ata 'yon.

Sulat! Sulat! Sulat!

Waah..! Ang dami nilang sinasabi. Bakit ba kailangang isulat ko pa mga 'to? May memory gap ba sila at kailangan nila ng kasulatan para maalala mga pinag-usapan ngayon? Bakit di na lang sila uminom ng memory enhancer like BIOMEGA? Tapos samahan pa nila ng essentials. Eh di, di ako nahirapan ngayon. Mabuti pa para sa health nila at lifestyle. Di na sila magiging makakalimutin in no time.

Promote eh noh? Hehe. Pero di ako nagbebenta non ah. May masabi lang. Haha.

Eh kasi naman, narinig din naman nila narinig ko. Isa pa, sila-sila rin naman ang nag-usap tungkol doon kaya bakit kailangan ko pang isulat?

Gawin ba daw akong typewriter? Este computer pala! Computer na pala uso ngayon.

Akala ko pa naman tagalista lang ng noisy ang trabaho ng secretary. Naloko ako. Next time talaga, di na ko magpapabaya at magba-vice president ako.

Sa wakas natapos na ang meeting. Medyo nakakadismaya lang kasi parang ayaw akong pagsalitain ni Tresh. Di ko tuloy nasabi 'yong Oint of view ko. Gusto ko pa sanang mag-contribute ng ideas para sa mga booth sa Foundation Day.

Ayoko na kasi nong taon-taong kissing, wedding, at jail booth.

Gusto ko naman may whack-that-pimple booth. At syempre si Tresh 'yong bida. Kahit ako na lang ang mag-iistay sa booth na 'yon buong araw para i-exterminate mga pimples niya. Ayos lang sa'kin!

Siguradong magiging masaya 'yon!

Mwahaha <---------------- Evil Laugh.

Tresh' POV

Wala na kong nagawa. Psychotic ang mga taong nakapaligid sa'kin. Lahat tila sinaniban ng presensiya nung weirdong babae. Kaya ako naging presidente. Vice 'yong transferee at secretary naman siya.

Bumaliktad na ata ang mundo at pinayagan ang ganitong kalokohan.

Hayy.. Mabuti na rin siguro 'to. May mapag-aabalahan 'yong weirdong babae. Siguro naman maaalis na ang isip niya sa mga tenants ko.

Law of Attr-action and Reaction [Re-writing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon