Entry 8.1 : The Annihilation begins..

89 1 2
                                    

Tresh’ POV

Ilang dahilan na rin ang pumasok sa utak ko. Mga dahilan na maaring magamit ko para makatakas sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako pumayag; Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit ni Lyann sa akin at humantong ang lahat sa sitwasyong ‘to.

 “Papasok na ko!” sigaw ni Lyann sabay bukas ng pinto dito sa banyo ng kusina.

Tresh! Huminahon ka! Di ka pwedeng magbago ng isip - naka-oo ka na.

May isang salita ka Tresh! May isang salita.. may isang-

Nang mapatingin ako sa salamin sa ibabaw ng lababo, tumambad ang hawak ni Lyann. At tila ba nagningning ito sa pansamantalang paglapat ng liwanag.

Napabuntong hininga ko habang dahan-dahan siyang lumalapit sa’kin.

Hingang malalim Tresh. Matatapos din ‘to!

Nang muli mapadako ang aking paningin kay Lyann, kinakitaan ko siya ng determinasyon – ekspresyong makikita sa mga atleta sa araw ng kompetisyon.

Napalunok ako tsaka ipinikit ang aking mga mata.

“Bahala na si Batman!” nasambit ko bago pa man lumapat ang malalambot niyang kamay sa aking buhok.

Medyo napapitlag ako. Di ko inaasahang magiging ganon ang epekto ng pagdaiti ng kanyang mga kamay sa aking anit.

Para kong nakuryente pansumandali.

Dahil na rin siguro sa takot sa kung anuman ang maaaring mangyari.

Di kalauna’y pinilit kong paliparin ang aking isipan sa ibang bagay – kahit ano. Basta lang mapawi ang aking isipan sa sitwasyong ayokong harapin sa ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas na pakiramdam ko’y ilang oras ng pagpapahirap..

“Tada!” sambit ni Lyann.

“Tapos na!” pagpapatuloy pa niya na tila mas malakas kaysa kanina. Marahil sa kadahilanang di pa rin ako nagmumulat ng mata ni kumikilos sa aking kinalalagyan.

Maya-maya pa'y naramdaman ko siyang nagtungo sa aking harapan – malapit sa lababo kung saan nakalagay ang salamin.

“Tresh! Open your eyes,” mahinahong sabi niya matapos lumapat ang mga kamay niya sa aking mga pisngi.

Woah! Ayokong dumilat.

Iba ang nararamdaman ko – parang nakikipaghabulan ‘yong puso ko kay Road Runner. May lakad ata ‘tong puso ko at grabe makakabog.

Ramdam kong malapit rin ang mukha niya sa aking mukha sapagkat nahihinuha ko ang hanging ginagawa ng kanyang labi nang siya’y magsalita.

Hindi ko malaman ang aking gagawin. Kinuyom ko na lamang ang aking kamay saka tumakbo patungong kwarto.

Lyann’s POV

Hinga! Buga! Hinga! Buga!

Grabe! Uber uber ang kaba ko!

Pumayag na si Tresh! Kailangang di ako magkamali. My goodness!

Ilang beses ko na rin naming ginawa ‘to pero never sa totoong tao.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Master Spongebob! What shall I do?

Kaya mo yan Lyann!

Ready ka na! Ilang beses ka ring nag-practice para sa moment na ‘to!

You can do this! Fighting!

Mayamaya, tinigilan ko na rin ang paglamutak sa aking pes sa harap ng salamin sa kwarto ni Tresh saka naglakad patungong banyo.

Baka kasi naiinip na si Tresh. Kanina pa ‘yon e! Malamang ready na siya.

“Papasok na ko!” sigaw ko nang malapit na sa banyo tsaka walang habas na binuksan ang pinto.

Nakita ko si Tresh – pulang-pula sa kinauupuan niya habang nakayuko. Wala siyang t-shirt since mas madali daw pag di siya naka-shirt – na until now di ko alam kung anong kinalaman. But anyways, saktong pag-angat niya ng tingin, inilabas ko na ang aking secret weapon for the day.

Dahan-dahan akong lumapit kay Tresh. Kailangan slow motion talaga! Baka kasi magbago isip niya. Sayang naman ang pagkakataon.

Nang nasa likod na niya ako, nilapat ko ang aking mga kamay sa buhok niya. Syempre kailangan alamin ko muna kung gano kahaba buhok niya para alam ko kung paano ko sisimulan ang pag-gupit sa buhok niya.

May sinabi si Tresh na blurred ‘yong nag-register sa’kin. Suman lang narinig ko eh! Baka gusto niyang kumain ng suman.

Note! Bilhan ng suman si Tresh mamaya.

Habang ginugupitan ko si Tresh, para siyang batang nakapikit lang.

Ankyut niya o! Buong saglit tuloy na ginagawa ko ‘yon nakatingin ako sa salamin na nasa ibabaw nong lababo.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos ko rin ang aking masterpiece!

Grabe! Wala akong masabi.

“Tada!” sabi ko sabay kumpas ng aking mga kamay.

Teka, di ata ako narinig ni Tresh.

“Tapos na!” sigaw ko.

Nabingi na ata si Tresh.

Hmmm.. Pano ba ‘to?

Kumilos ako papunta sa harapan niya tapos nilapat ko ‘yong dalawang kamay ko sa kanyang magkabilang pisngi.

“Open your eyes.”

Pagtakbo lang sa kwarto ang sinagot sa’kin ni Tresh.

Kita mo ‘yon nasa banyo na nga pumunta pa sa banyo sa kwarto niya para maglabas ng sama ng loob. Mahiyain talaga.

Hmmm.. Kailangang bumili na ng bagong gamot sa diarrhea. Di ata effective ‘yong binigay ko kay Tresh.

Oops! Teka! Teka! Anong nangyari sa buhok ni Tresh?

Law of Attr-action and Reaction [Re-writing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon