Entry 8.2 : The fix

32 1 3
                                    

Lyann’s POV

5

4

3

2

1!

Lyann! Fighting!

Hingang malalim, buga!

Hingang malalim, buga!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa kwarto at tahimik na naglakad papuntang sala. Ala una na kaya malamang sa malamang natutulog na si Tresh. Pagkakataon ko na ‘to! Pag di ko pa ginawa ‘to ngayon, siguradong huli na ang lahat bukas.

Mayamaya’y nakarating di ako sa aking destinasyon.

My goodness! Nahawaan ko na ata ng insomnia si Tresh. Madaling araw na nag-aaral pa. Hayy.. Ano pa bang magagawa ko? Gagawin ko na lang ng gising siya.

Paunti­-unti akong lumakad sa sofa kung saan nakaupo si Tresh.

“1, 2, 3 Bulaga!” sigaw ko sabay talon sa harap niya.

Ilang segundo pa ang lumipas, natawa na lang ako. My goodness! Tulog na pala! Buti na lang.

Okay! Kailangang ihanda na ang mga gamit.

Nang bumalik uli ako sa sala matapos kuhanin ang mga parapernalya para sa aking misyon. ‘Yon at nakahiga na si Tresh sa sofa.

Hayy.. Pano ngayon ‘to? Mas madali sana kung nakaupo siya. Hayy.. Di bale na nga! At least tulog pa rin siya.

Hmmmm.. Pano ko ba gagawin ‘to?

Waaaaaaaaaaah! Alas tres na! Nakatulog ba ko?

Okay! Eto na talaga.

Inayos ko muna si Tresh. Kabigat nitong lalaking ‘to. Samantalang di naman mahilig kumain. Hayy.. Gawa ata sa bakal ang buto nito e. Biruin mo inaayos ko lang ‘yong katawan niya paupo, grabeng pawis agad nilabas ng pores ko. Hayy.. Daig ko pang nag-workout ng sampung oras.

Hayy.. Kailangan ko ng leverage.

Tumayo ako sa kanang bahagi nung sofa tsaka inangat ang ulo ni Tresh. Nang may enough space ay ipinuwesto ko na ang aking sarili sa sofa. Nakadapa at nakalapat ang dalawang paa sa armchair ng sofa. Habang pilit na iniaangat ang katawan ni Tresh ay tinutulak naman ng aking mga paa ang armchair. Pandagdag pwersa. Hehe.

Makalipas ang ilang minuto.

Woohoo! Success!!!

Dali-dali akong nagtungo sa likuran ng sofa para umpisahan na ang aking misyon ng lumapat muli ang katawan ni Tresh sa sofa.

Huwaaaaaaaaaaaaaat!?

Tatlong ulit kong ginawa ang pagtulak kay Tresh para maupo nang lumagapak siya sa sahig at tuluyan ng nagising.

Tresh’ POV

Blag!

“Aah..” nasambit ko habang hawak-hawak ang braso kong tumama sa sahig.

Napabuntong-hininga ko saka pupungas-pungas na tinignan ang paligid. Pag-angat ng aking paningin, hayon si Lyann nakatayo’t nakatingin sa akin.

“Tresh! Okay ka lang?” nag-aalalang sumalampak siya sa aking tabi.

Sasagot na sana ko nang makita ko ang nasa kanang kamay ni Lyann. Nanlaki ang aking paningin. At walang anu-ano’y napatitig sa babaeng nasa aking tabi, tila ba nangungusap kung anong gagawin niya sa kanyang hawak-hawak.

Mayamaya pa’y nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Mula sa pag-aalala ay nagbago ito patungong ekspresyon na nagpapaliwanag.

“Tresh..” ang tanging nasabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Law of Attr-action and Reaction [Re-writing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon