Entry 6.1: Panaginip

110 3 0
                                    

..Crazy Ramblings..

Pasensya na at natagalan ang update.

Busy-busyhan these days e. C:

Anyways, may youtube video dyan sa gilid,

LSS ko for quite sometime now. Feeling ko lang swak siya sa update ngayon.

Enjoy!

Feedbacks will be deeply appreciated! Thank you!

_______________________________________________________________________________

Tresh' POV

Nagising ako sa kama kinabukasan. Agad kong hinagilap sa paligid si Lyann habang nagdadasal na sana'y panaginip lamang ang lahat.

Sa pagsuyod ko sa kwarto at pakikiramdam sa paligid, nahinuha kong walang ibang tao roon.

Nakahinga ako ng maluwag.

Salamat at panaginip nga lang ang lahat.

Bunga ng kaalamang wala si Lyann sa paligid, bumangon na ako at ngingiti-ngiting nag-inat-inat. Inayos ang pinaghigaan at masayang inisip ang maaaring mangyari sa buong araw.

6:00 ng umaga ang mababasa sa orasan na nakasabit katabi ng computer table.

Hudyat na may isang oras na lamang upang mag-jogging at maghanda bago ang shift sa 7/11. Dahil dito napagdesisyunan kong maligo na at ire-schedule ang jogging mamayang gabi. Baka kasi kapusin sa oras at maleyt pa ko.

Buhos. Shampoo.Kuskos.Buhos.Sabon. Buhos.

Mag-isa lang naman ako sa apartment kaya natural na sa akin ang nakatapis lamang ng tuwalyang tinutungo ang kusina upang magluto at kumain ng agahan.

Kalabog! Kalabog!

Mga tunog na nagpatigil sa pagkuha at pagsusuot ko ng salamin. Dali-daling naglakad ako patungo sa pinanggalingan ng ingay.

Sa totoo lang, kanina pa ang kalabugang iyon ngunit di ko ito binigyang pansin sa pag-aakalang si Mang Teban lamang 'yon at naisipan na namang mag-eksperimento sa rooftop.

Ngayong napagtanto kong sa kusina pala nagaganap ang ingay ay di ko naiwasang mag-alala. Baka biglang tumambad sa'kin ang panaginip ko kagabi. Mahirap na!

Iniisip ko ang mga senaryong ito habang kabado at panay ang lunok na tinungo ang kusina. Pihadong daig ko pa ang makaka-encounter ng akyat-bahay pag si Lyann ang tatambad sa'kin.

Upang mapakalma ang sarili, sinubukan kong iwaglit ang mga isiping tungkol kay Lyann. Kinuha ang arnis na naiwan ni Dimitri noong isang araw tsaka tinuloy ang paglapit.

Malabo man ang paningin ko sa mga bagay-bagay sa paligid ay maayos na nakapagmaniobra ako patungong kusina.

Paano?

Law of Attr-action and Reaction [Re-writing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon