Entry 5: Lyann's persuasion.

150 4 0
                                    

Crazy Ramblings..

Final update for the week. C:

______________________________________________________________________________

Habang abala ang lahat sa Foundation Day ng Kida Academy, ang ating bidang si Lyann Argos ay isang listahan ang pinagkaabalahan.

Pinamagatan niya itong "The Art of Persuasion".

Ating silipin kung paano isinabuhay ng ating bida ang listahang ito.

1. Daanin sa pang-aamo.

Nang makita ni Lyann si Tresh nang umagang 'yon ay agad niyang isinagawa ang plano. Kinuha niya ang buto sa kanyang bag at iwinagayway ito sa harapan ng binatilyo habang tinatawag ito na parang aso.

"Here doggie-doggie. Here doggie-doggie," sigaw niya habang tila tinatakam si Tresh.

"Fetch!" kapagkuwa'y sinambit niya sabay hagis sa may di kalayuang hawla ang butong hawak.

Tinignan lamang siya ni Tresh. Mga tinging tila nagsasabing "Di ka totoo at di kita nakikita" saka nagpatuloy sa paglalakad.

2. Daanin sa lambing.

Sa gym bago pa man buksan ang mga booth ay nagkaroon ng general meeting ang morning shift kung saan kabilang ang ating mga bida (Lyann, Tresh, Franchezka, Ivashkov), lumapit si Lyann kay Tresh. Gulat man ay inasahan na ito ng binatilyo. Ngunit ang pagluhod ni Lyann at parang pusang pag-ikot-ikot sa kanya habang ikinukuskos ang ulo sa kanyang binti ay di niya inasahan.

Ikinapula ito ng kanyang mga pisngi.

Naghiyawan ang mga nakakita habang "Arf-arf" lamang ang namumutawi sa bibig ng dalagita.

Mayamaya pa'y kumaripas na ng takbo ang binatilyo.

3. Daanin sa suhol.

Habang nagse-serve ng snow cones si Tresh sa booth na na-assign sa kanya ay lumapit muli si Lyann.

"Tresh!" tawag ni Lyann nang aktong tatakbo ang binatilyo.

"Heto o! Para sa'yo." nakangiting dugtong niya habang nakalahad ang kamay sa binatilyo.

"Ano 'yan?" nagugulumihanan at tila takot na tanong ng binatilyo.

"Tatlong snowbear," maikling tugon ng dalagita.

Nag-aalangang inabot iyon ng binatilyo at tinitigan habang iniisip ang ganito, "Ano naman kayang kababalaghan ang hatid nito sa'kin?"

"Yii! Papayag na 'yan!" kapagkuwa'y tili ng dalagita.

Mayamaya'y binulungan ni Tresh ang kasamang si Dimitri at nilisan ang lugar na iyon.

Law of Attr-action and Reaction [Re-writing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon