Entry 4: Dalawa!

122 3 0
                                    

Crazy Ramblings..

Sa mga questions, suggestions at paramdam.. comment lang! C:

Enjoy!

______________________________________________________________________________

Lyann's POV

Bago pa man matapos ang sobrang tagal na titigan nong dalawa, medyo inantok na ko kaya naghanap muna ko ng matutulugan.

My goodness! Akala ko pa naman may progress na ko kay Tresh. Si Ibon pala ang dahilan kung bakit siya lumapit at bigla niyang natawag pangalan ko.

In love ata sila sa isa't-isa kaya ayon parang ang tagal di nagkita, kakakita pa lang e nagkasigawan at nagkatitigan na ng bongga.

Napagselosan pa ata ako.

Well, wala naman akong reklamo about don. Kung sila, sila di ba? Kaya iyon. Hinayaan ko muna silang makapagsarili.

Pero..

May possibility din namang may balak silang sumali sa "staring contest". O "yelling contest" ba 'yon? Meron bang naaprove na ganong mga contest sa program ng Foundation Day?

Hmmm.. Para kasing ang lakas ng drive nilang manalo biruin mo sa tapat pa talaga ng gate mag-practice. Malaki siguro premyo.

Anyways, dito muna ko sa tambayan ko.

Inat! Inat! Inat!

Zzzzzzzzz

Tresh' POV

Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng magkasukatan kami ng tingin ni Kobi. Natapos na ang mga plano para sa Foundation Day, finalizations na lang at mga last minute adjustments ang pinagkakaabalahan. Pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong pumasok sa isip ko at nag-react ako ng ganon.

Mas lalo ko siyang iniisip, lalo kong napapatunayang walang sense ang ginawa kong 'yon!

Ano ba naman kasing iinisip ko!?

Hayy.. Wala na talaga ko sa wisyo! Tuluyan nang ginulo nong weirdong babae ang dati'y matino kong utak.

Hayy.. Problema na naman 'yong isang 'yon. May meeting ang lahat ng officers ng Juniors at Student Council ngayon para i-finalize ang mga shifts at booths na pamamahalaan ng bawat officers ng aming batch sa darating na Foundation Day. Pero ayon! Wala pa rin sa SCR (Student Council Room). Nanadya ata e! Sinabayan pa 'yong Presidente ng SC.

Hayy.. Kung alam ko lang na magkakaganito, hindi ko hinayaang mawala siya sa paningin ko.

Sa pagkakaalala ko, nagpaalam lang 'yon na magsi-CR e! Tapos di na bumalik. Ilang oras na din ang nakakalipas a.

Ang inaalala ko baka kung napano na ang isang 'yon. Lalo pa't nawala rin bigla si Kobi, kahit pa ba nasa SCR na si Kobi kanina bago ko umalis para sunduin 'yong Presidente, di pa rin mawala sa isip kong mag-alala.

Tresh, di mo dapat prinoproblema 'yong may saltik na 'yon. Maganda nga 'tong wala siya. Mas magiging maayos ang meeting at pwede na ring maabswelto siya sa pag-tao sa anumang booth. Ang maganda nito, may posibilidad na di mo siya makikita buong araw ng Monday next week.

Tsaka walang mangyayaring masama sa weirdong babaeng 'yon. Baka nga 'yong masasamang loob pa matakot don e. Imbes na gawan siya ng masama baka mabaliw lang mga 'yon sa kanya.

Isa pa, ano ngayon kung nagkasama sila ni Kobi sa saglit na pagkawala din nong isa. Wala ka na don. Maganda nga 'yong kahit paano e nawawala atensiyon niya sa mga tenants mo e.

Kaso paano kung magkataong mawalan siya ng shift at dumami ang oras niyang mangulit at guluhin ang buhay mo ng araw na yon?

Hayy.. Masundo na nga 'yong SC President. Kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko e!

Law of Attr-action and Reaction [Re-writing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon