Entry 1: Ang pimples.. BOW!

764 11 8
                                    

Nang dahil sa "Diary ng Panget" nabuo ang kwentong 'to.. C:

______________________________________________________________________________

Lyann’s POV

Unang kita pa lang kay Tresh Salvador ay di na ko mapakali.

Tipong gusto ko siyang laging titigan.

‘Yong lagi siyang nasa isipan ko simula noon.

Gusto ko talagang..

Gustong-gusto ko talagang..

tirisin ang mga pimple niya sa mukha.

Alam ko dapat wala akong pakialam. Kasi sa totoo lang, personal naman talaga niyang problema yan. Isa pa, kung tutuusin di naman talaga ako apektado. Pero ewan ba, ito kasing utak ko eh! Apektado masyado at di makalimutan ‘yong community ng pimples niya sa mukha.

Kasalanan ko ba ‘yon?

Naman kasi ‘yong mga pimples niya eh! Para bang nang-aasar. Parang nagsasabi na never silang aalis doon at wala akong magagawa para mabago ‘yon.

Alam mo yon? ‘Yong pakiramdam na iniiwasan mo na nga ng tingin pero parang laging umeeksena? ‘Yong para bang kumakaway sila sa’yo at pinagsisigawan nila ‘yong existence nila? ‘Yong feeling na may gusto kang gawin pero di pwede?

‘Yon ‘yong nararamdaman ko tuwing makikita siya kaya simula ng mapadako ang aking paningin sa mga mapangutyang pimples niya ginawa ko nang misyon ang unti-unting pag-exterminate sa mga ‘yon.

Tresh’ POV

Di ko malaman kung bakit tila linamutak ang mukha ng Lyann Argos na ‘yon sa tuwing mapapadako ang paningin niya sa aking direksiyon na para bang nasa mukha ko ang lahat ng problema sa mundo.

Simula ng malipat siya sa section namin e naging pampalipas oras na ata niya ang titigan ako’t tila kutyain sa mga tingin niya.

Alam kong pinutakte ng pimples ang mukha ko pero kailangan pa bang ipamukha sakin? Kung pwede nga lang magpahaba ng buhok para lang matakpan lahat ng mga pimples na ‘to ginawa ko na. Kaso mahigpit ang pinapasukan kong school kaya di pwede.

Balik tayo sa Lyann na ‘yon. Alam niyo ba ‘yong pakiramdam na tuwing mapapatingin sayo ‘yong isang tao eh bigla na lang malulukot ‘yong mukha na para bang nakakain o nakaamoy ng kung anong masama? ‘Yong tuwing titingin na lang sa’yo eh parang bang binabagsakan ng buong mundo?

Sobrang nakakaasar na gusto mo na lang komprontahin siya at itanong kung ano bang problema niya.

Lyann’s POV

Isang linggo matapos ang unang araw ng klase ay nilapitan ko si Tresh. Umupo sa tabi niya habang iniisip kung paano sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

“Hello!” bati ko. Syempre formalities muna. Mahirap ng mabigla ‘to. Anlaki kaya ng katawan niya kumpara sakin.

“H-Hi..?” sagot niya na para bang naghahanap ng escape route.

“Lyann nga pala! Ikaw si Tresh di ba?” Alam kong kailangan ko nang ipaalam sa kanya ang dahilan kung bakit ako lumapit kaso di ko talaga malaman kung paano ko sisimulan eh.

“Oo..” sagot niya ulit na parang di mapakali sa kinauupuan. ‘Yong parang pusang di maanak. Hehe. I guess it’s now or never.

“Di ka ba.. ano.. Di ka ba.. M-Mahal mo ba ‘yang mga pimples mo?” walang anu-ano’y sabi ko. Ay mali! Ano bang sinabi ko!? Pero paano nga ba sasabihin ang mga salitang ‘Di ka ba naaasiwa dyan sa mga pimples mo?’ nang hindi ka makaka-offend?

Hala! Nanlaki mga mata niya. Diyos ko po Lord! Baka biglang akong umbagin nito a. Naasar ata sa tanong ko. Teka..

“I mean.. wala ka bang balak palayasin mga yan sa mukha mo?” tanong ko ulit. Ayos naman siya di ba? Mas may sense kaysa kanina?

Mas lalo atang nagalit. Alam mo ‘yong itsura ng torong papasugod na? Ganon! Kulang na lang usok sa ilong. Promise!

“Class, please sit to your proper places so we can start the lecture for today,” sabi ni Ma’am.

Yes! Save by the bell! Thank you po Lord!

Tresh’ POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mag-umpisa ang klase. Ikinagulat ko ang paglapit at pagtabi sa akin ng isang babae.

“Hello!” bati niya. Ano naman kayang problema nito?

“H-Hi..?” di mapakaling sagot ko habang iniisip kung paano ba ako makakalayo.

“Lyann nga pala! Ikaw si Tresh di ba?” walang anu-ano’y sabi niya.

“Oo..” sagot ko muli habang hinihiling na sana dumating na ang English teacher namin.

“Di ka ba.. ano.. Di ka ba.. M-Mahal mo ba ‘yang mga pimples mo?” mautal-utal na tanong niya.

Di ko malaman ang gagawin. Paano nga ba ang nararapat na reaksyon para don? Anong karapat-dapat na sagot?

“I mean.. wala ka bang balak palayasin mga yan sa mukha mo?” tanong niya ulit.

Naghahanap ata ng away ‘tong babaeng ‘to e. Sino bang tao ang gustong magkaroon ng sandamakmak na pimple sa mukha?

Nag-iinit na mga pisngi ko at alam kong sa mga oras na ‘yon ay mapulang-mapula na ako.

Ano bang problema ng babaeng ‘to at pati nananahimik kong mukha eh pinoproblema?

“Class, please sit to your proper places so we can start the lecture for today,” sabi ni Ma’am.

Buti dumating na si Ma’am. Dahil hindi ko na alam kung paano ko pa pipigilan ang sarili ko pag nagtanong ulit ang babaeng ‘yon tungkol sa mga tenants ko.

Law of Attr-action and Reaction [Re-writing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon