Malaya

349 15 3
                                    

"Oo, hindi ako naghanap ng rason! Pero gusto kong malaman lahat. Bakit hindi ako ako, Axel?" Pinalis ko ang mga luhang nagsimulang maglandas sa mga pisngi.

Umihip ang pang-gabing hangin, tinangay nito ang ilan sa mga buhok ko papunta sa'king mata.

Hindi siya sumagot. Tanging ang mga insekto sa gabi at ang alon ng dagat lamang ang maririnig mo. Nasa mga nagtatayugang puno ng niyog kami malapit sa dagat, nakatayo.

"Sagutin mo'ko. Kasi putangina limang taon na pero 'di ko parin lubos maisip ang mga dahilan..." humikbi ako bago nagpatuloy. "Bakit hindi ako?"

"I'm sorry, Hanye," bumaling ako sakan'ya. Pilit pinakakalma ang sarili. " Alam ko sobrang nasaktan kita."

"Alam ko binigyan kita nga insekyuridad at mga pagdududa," tumingala ako sa langit. Punong puno ito ng mga bituin at sobrang bilog ng buwan. Nagliliwanag sila sa kalangitan taliwas sa aking nararamdaman. Dilim. Pagkamuhi. Kaguluhan. 'Yan ang mga namamayani sa loob ko ngayon.

"Pero eto ako, eh. Walang dahilan..." Bumaling siya sa'kin. Parang sa isang iglap bumalik yung Axel na minahal ko at biglang naglaho ng ilang segundo. "Gano'n lang talaga ako. Katulad no'ng sabi mo, manloloko."

Suminghap ako sa nalaman. Ilang taon... ilang taon akong naghintay at nasaktan. Ilang taon kong pilit inaapuhap sa'n ba ako nagkamali at nagkulang. Ilang taon kong pinaniwala ang sarili na may kongkretong dahilan siya para sa mga panlolokong pinaranas niya sa'kin. Sa ilang tao na 'yon... sa wakas nalaman ko na. Na walang kwenta ang ginugol kong pagpapakatanga sa taong naiugat na talaga sakan'ya ang mga gawaing gano'n.

Agad akong lumapit sakan'ya habang humihikbi parin ng todo. Pinaghahampas ko ang kan'yang dibdib. Na para bang maiibsan nito ang sakit at pait na nararamdaman.

"Ginago mo'ko! Pinagmukha mo akong tanga! Ginawa ko lahat..." Nanghihina akong tumigil at dumausdos baba sa buhanginan. " Binigay ko lahat... Alam ko hindi ako nagkulang! Alam ko napunan ko ang mga gusto mo..."

"Pero hindi, Hanye. Niloko parin kita. Hindi ka naging sapat sa'kin. Humanap parin ako ng iba. Naiintindihan mo ba 'yon?" Umupo siya sa harapan ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Sa mga nagsusumamo niyang mga mata ay pilit kong iniintindi ang mga dahilan niyang walang kwenta.

Sa loob ng limang taon... ngayon ko lang tatanggapin ang lahat.

"Minahal kita ng sobra-sobra, Axel..." Suminghap ako sa paglapat ng kamay niya sa pisngi ko para palisin ang mga luha roon. " Mahal na mahal kita," pumikit ako ng mariin nang makita ang paglapit ng kan'yang mukha.

"Pero sinayang ko 'yon. Magtatapos na ang pagdurusa mo pagkatapos nito. Mahal din kita, Hanye. Mahal na mahal..." tuluyan na ngang lumapat ang mga labi niya sa'kin. Dinama ko 'yon. Ang init ng hininga niya'y sumamyong parang hele para ako mapanatag. Natigil ako sa pag-iyak. Ilang segundo lang 'yon pero sapat na para makawala ako... sa mga sakit ng nakaraan at memoryang iginapos ako ng limang taon.

"Pero papalayain na kita. Lumaya na tayong dalawa," pagkatapos niyang sambitin ang mga katagang iyon ay tumayo na siya.

'Di ko manlang namalayan ang kan'yang paglisan. Ngumiti ako sa kawalan habang nararamdaman ang luhang namamalisbis uli sa aking mga pisngi. Hindi dahil sa sakit ng kan'yang pagkawala. Kundi dahil sa saya na maging malaya.

Mga Kwento ng SakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon