#1: Wendy Martinez

9.8K 220 0
                                    

Wendy's POV

"PASENSYA NA TALAGA. Pansamantala lang naman ang pagtira mo sa boys' dorm hanggang sa makaalis na yung exchange student galing sa Korea. Isang buwan lang naman, Ms.Martinez. Wag kang mag-alala dahil solong-solo mo yung kwarto mo, may sarili ka ding banyo doon dahil yung lilipatan mong kwarto ay kwarto dapat ng anak ni Mr.Harris. Kumpleto ka pa sa gamit doon kaya wag ka nang pa-choosy pa. Go ka na don." pangungumbinsi ng bakla kong adviser na si Sir Lola.

Hindi sya lola ha. Surname nya lang yun and it sure suits him well. Daig pa kasi nya ang fairy godmother kung pumorma. Kundi nga lang masama magalit sa kanya ay ginawa ko na. Aba eh buong araw na nya akong sinusundan at kinukumbinsi na tumira kasama ng mga mongoloid na lalaking estudyante ng Harris U.

"Sir, bakit naman sa dinami-dami ng estudyante sa Harris University eh ako pa talaga ang napagpasyahan nyong ilipat? Ang dami namang iba na mas willing. At saka yung thought palang na titira ako sa loob ng building na puro lalaki ang kasama ko eh napapraning na ako." kamot-ulo kong pangangatwiran ng may tono ng pagka-irita.

Binuka ni Sir Lola yung pamaypay nya at saka ako pinaypayan, "Alam mo kasi, ikaw lang ang pinaka-understanding na estudyante na nakilala ko. You know...," napanguso at hinaplos nya ang buhok ko sabay tinignan ako ng nakakaawa. "Sa kabila kasi ng ginagawa sayo ng mga schoolmates mo nitong nagdaan na dalawang taon eh nananatiling malinis ang pangalan mo sa guidance office. Kaya pumayag ka na, Ms.Martinez."

"Eh, Sir, paano nalang kung biglang bumalik doon yung anak ni Mr.Harris? Edi pulubi naman ang peg ko non, saan ako titira?" bumuntung-hininga ako at saka isinukbit sa balikat ko yung strap ng teddy bear kong backpack. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa couch at saka inayos ang eyeglasses ko. "Sige, Sir. Give me one acceptable reason why should I move in to that room."

Tumayo din si Sir Lola matapos humigop sa iced americano nya, "Exchange student ang magiging kapalit mo ng kwarto. Kaya imbes na sya ang patirahin mo sa dorm ng mga lalaki eh mas mabuti nang ikaw nalang ang pansamantalang lumipat. At saka gusto ng pinanggalingang university ng Korean na yun na walang special treatment na mangyari. She should be treated as a normal Harris U student. She should experience a Harrisian's daily routine. At saka, Ms.Martinez, yung kwarto mo ang may pinaka-payapang atmosphere sa loob ng girls' dorm. That's the best room for the Korean student. Doon mas makakapag-aral sya since nasa magandang pwesto yung kwarto mo. Kaya sige na naman, pumayag ka na. Isang buwan lang naman. Ang matamis mong oo nalang ang hinihintay namin and we're settled. Nagkataon lang naman kasi na yung pinadala nating student sa Korea ay hindi nagdo-dorm." pangungumbinsi nito.

Napaisip ako. Nai-imagine ko na kung gaano kagulo ang isang buwan kong pagtira sa boys' dorm. To think na titira ako kasama ng mga taong madalas mantrip sa akin? Kalbaryo level 999. Pero may point si Sir Lola. So dapat ba pumayag na ako? Should I make him beg for it? Haha. Napaka-mean ng konsensya ko.

"Ano namang statement ni Mr.Harris tungkol doon, Sir Lola?," nakanguso kong tanong sa kanya na walang tigil sa pagpaypay sa akin.

He sighed like he's giving up all his convincing power. "Kaloka kang babae ka. Okay, fine. It seems like hindi ka kaya ng powers ko. Ang sabi ni Mr.Harris, kung hindi kita mako-convince eh dalhin na kita sa kanya. Sya na lang ang kausapin mo para mas maliwanagan ka tutal may isang bagay pa daw syang gustong ipakiusap sa iyo."

Halos mahulog ang panga ko sa sinabi ni Sir. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil alam kong kilalang terror si Mr.Harris. Yung tipong kapag nabalitaan naming bibisita sya sa university eh tanggal lahat ng alikabok sa lahat ng sulok ng campus.

"Oh. Hindi ka na nagsalita dyan. Halika na." nagsimulang maglakad si Lola palabas ng school caffe.

"Eh Sir..." parang gusto ko nang um-oo.

"Come on. Time is gold." parang wala syang narinig. Grrr!

Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Sir Lola nang tuluyan na syang nakalabas ng school caffe.

Sumakay kami sa luma na pero maayos pa nyang chedeng at saka namin binaybay ang opisina ni Mr.Harris na 10-minute drive away lang sa university.

PARANG gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko sa kaba habang palapit ako ng palapit sa pinto ng opisina nya.

Kumatok ng tatlong beses si Sir at nang marinig namin ang katagang 'Come in' mula sa loob eh agad kong pinihit ang door knob at pumasok.

Nakatalikod mula sa akin ang malaking swivel chair pero nagre-reflect mula sa salaming haligi ng kwarto ang seryosong expression ni Mr.Harris.

I can't help but fiddle my fingers when I'm nervous.

Nakadagdag sa kaba ko ang ilang segundong katahimikan sa kapaligiran dito pero mas natakot ako nang magsalita sya.

"You're so hard to convince, Wendy Martinez. Ano kayang dapat gawin ko para mapapayag kita? Name your conditions."

Wala akong nasabi kundi napalunok lang ako ng ilang beses. Parang nanikip ang dibdib ko at parang pinako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw na 'to.

-x-o-x-o-

Vote/Comment please! :)
Let's meet the male character next chapter.
DOYOUKNOWABBY

You Don't Mess With The Bad NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon