Wendy's POV
Lutang. Sabaw. Tulala. Nilayasan na yata ako ng kaluluwa ko.
Nung moment na dumampi ang mga labi ni Ken sa labi ko, may naramdaman akong kakaiba. Hindi normal iyon at bago lang sa pakiramdam ko. Hindi ako sure kung naririnig niya yung tibok ng puso ko. Napakatahimik ng paligid. Tanging paghinga lang niya ang naririnig ko. Tumiklop lahat ng daliri ko at dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Jusko, kayo na pong bahala sa akin.
Naramdaman ko ang mga braso ni Ken na dahan-dahang ikinulong ang nanginginig kong katawan. Nanlalambot ako at hindi ko na mabuhat ang sarili ko. Bumagsak ako sa ibabaw ng dibdib niya habang lumalalim ang halik niyang nakakalasing. Nag-alangan ako pero tumuloy pa rin ang mga kamay ko sa balikat niya at pagkatapos no'n ay iginalaw ko na rin ang mga labi ko.
Kung anuman ang dahilan kung bakit nangyayari ito ay hindi ko alam. Sumusunod lang ang katawan ko sa mga kilos niya. Hindi ko mapigilan.
Bumaba ang halik ni Ken sa panga at leeg ko. Nagtagal siya doon ng ilang segundo at nagbalik sa mga labi ko. Yinapos ko siya sa batok at mas lalong tumindi ang halik niya. Gumapang ang mga kamay niya papunta sa dibdib ko at parang nanayo lahat ng balahibo ko. As in lahat ng pwedeng tumayo sa akin ay tumayo na. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya doon, pakiramdam ko malulunod ako. Nahihirapan akong huminga dahil parang kinukuha niya lahat ng hininga ko gamit ang bibig niya.
"Mmm.." Shit! Ano 'yon?! Bakit ako naglabas ng ganoong sound?
Hinila ako ni Ken kaya mas umangat pa ako, kusang sumampa ang hita ko sa katawan niya. Niyapos niya ang lower back ko at nakaramdam ako ng matigas na bagay sa thighs ko. Nanlaki ang mata ko at nataranta ako kaya dali-dali akong bumaba sa kanya. Hindi ko alam na nasa edge na pala kami ng kama kaya nahulog ako sa sahig.
"Ouch!" tili ko.
"Wendy!" dali-daling bumangon si Ken at tinulungan akong tumayo.
Nang tumingin ako sa kanya ay natawa siya. "Your cheeks are red."
Humihingal pa ako nang humarap ako sa vanity para tignan kung totoo nga ang sinasabi niya. Totoo nga. Naupo ako sa harap non at natulala.
"Ken... anong ginawa natin?" sabi ko nang hindi siya tinitignan.
"I'm sorry. Nadala ako." nanatili siya sa pagkakaupo sa kama.
Sinilip ko siya mula sa salamin at nasorpresa ako sa nakita ko, nakatingin siya sa akin habang nakangisi. Ano 'to? Bakit parang chill na chill lang siya? Samantalang ako, naguguluhan.
"Nerdy." tawag niya.
Lumingon ako sa kanya kahit nahihiya ako, kinagat ko ang labi ko at naghintay ng sasabihin niya.
"Isipin mo nalang hindi nangyari 'to." ngumiti siya ng matipid. "Kalimutan mo nalang."
Umawang ang mga labi ko at pinanood ko siyang pumasok sa loob ng banyo. Parang tinaga ang puso ko at may kurot akong naramdaman doon. Bakit ko gagawin 'yon? Hindi naman kagaya ng memory card ang utak ko na pwedeng magbura ng file kapag inayawan ko na. Paano ko magagawang kalimutan iyon kung unang beses ko lang naranasan 'yon? Yun ang first kiss ko. Habang-buhay ko na 'yong maaalala. Kung sa kanya ay balewala lang lahat ng nangyari, sa akin big deal 'yon.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. May bigla nalang tumulong luha sa kaliwang mata ko at pinunasan ko agad iyon. Ayokong umiyak. Bakit ako iiyak? Heartbroken ba ako?
Bumalik ako sa kama, inayos ko iyon tutal umaga na, hindi ko na rin gustong matulog ulit. Naupo ako sa dulo no'n pagkatapos at hinintay kong lumabas si Ken mula sa banyo. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na siya, naligo pala siya kaya medyo matagal siya doon. Dumiretso siya sa closet niya at inilabas ang isang boston bag. Inalis niya sa hanger ang mga naiwang damit niya doon at inilagay sa loob ng bag lahat ng iyon. Nag-iwan lang siya ng isang shirt at pantalon at iyon ang sinuot niya. Pinagmamasdan ko lang siya at sinusundan ng tingin.
BINABASA MO ANG
You Don't Mess With The Bad Nerd
Romance"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1