#40.2: Ken's Confession

2.3K 44 0
                                    

Ken's POV

To: Nerdy Girl ♡

Hurry up, we don't want to be late on our double date with Riley and Yuan. :)

*

From: Nerdy Girl ♡

Nagbibihis na po. Cool ka lang.

*

I smiled after I read her message. Sigurado akong hindi na naman siya makapili ng susuotin niya kaya pang-limang beses na niyang sinasabing nagbibihis na siya.

We've been dating again for a month and it's always worse than Filipino time everytime we're going on a date. Nauubos ang isang oras sa papalit-palit lang niya ng damit. She still have the weirdest taste in OOTDs and I find it unique. I don't find it awkward though, sanay na kasi ako na ganoon siyang manamit. One more thing, nakilala ko siyang ganoon kaya hindi niya kailangang baguhin ang sarili niya para sa akin. I love her just the way she is.

Habang hinihintay ko si Nerdy, naglapag ang nanay niya ng orange juice sa lamesitang katapat ko at naupo siya sa tabi ko.

"Pasensya ka na, matagal talagang magbihis si Wendy." Ngumiti siya, "Uminom ka muna."

"Salamat po, tita." Ngumiti ako saka ako uminom at nagpunas ng bibig, "Sanay na po ako kay Wendy."

Hinawakan niya ang kamay ko, "Ken, anak, pwede ko bang malaman kung bakit si Wendy ang napili mo?"

Huminga ako ng malalim at ngumiti, "Noong una ko pa lang nakita ang anak niyo, nakaramdam na ako ng kakaiba. She's weird, pero napapasaya niya ako. Basta po alam ko lang, I feel so complete kapag magkasama kami. At nung nawala si Wendy sa akin, parang bumaliktad ang mundo ko, parang ang hirap huminga, parang nawalan ng saysay ang buhay ko. Kaya nung nakita ko siya noon na nasa tabi ko noong araw na maospital ako, umiyak talaga ako. I felt so much relieved, nagkaroon ako ng lakas. Siya po kasi ang dahilan kung bakit ako nagpapakatatag. Sobrang mahal ko po si Wendy."

Naramdaman kong yumapos si Wendy sa leeg ko mula sa likuran, "Talaga?"

Both her mom and I smiled as she did that. Tumayo ako at nagulat ako nang makita kong nakasuot siya ng puting dress at heels. Kulot ang tips ng buhok niya at may light makeup siya.

"Maganda ba?" Umikot siya.

Tumango ako, "Anong nakain mo at nag-ayos ka ngayon?" Humalukipkip ako habang sinisipat ko siya mula ulo hanggang paa.

"Nagpatulong ako kay Ate Stella. Nahihiya naman kasi ako, sa tuwing magkasama tayo pinagtitinginan ako at pinagtatawanan tayo ng mga tao dahil sa hitsura ko." sagot niya.

"Bakit, anak, ano naman ang masama sa 'yo?" tanong ni tita.

"I agree with tita. Walang mali sa 'yo. That's your style, nakikitingin lang sila. Besides, kung ako na kasama mo, walang reklamo, sila pa kayang hindi ka naman kilala?" hinawakan ko ang kamay niya, "Kahit ano pang isuot mo, hindi ka nila dapat husgahan. Put this on your mind, you don't dress up to impress them."

"Makinig ka kay Ken, anak. Naku, maiwan ko na nga kayo, magluluto pa ako ng hapunan. Mag-ingat kayo sa lakad niyo." nagpaalam na si tita at iniwan niya kami ni Wendy.

Niyaya ko na siyang umalis para i-meet ang kaibigan kong si Yuan at ang girlfriend niyang si Riley. Matagal-tagal na din noong nag-agree kami para sa double date pero mukhang na-unsiyame pa yata.

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Yuan na hindi makakapunta si Riley dahil sumama daw ang pakiramdam nito.

Napagkasunduan namin ni Wendy na ituloy nalang ang date since nasa biyahe na kami.

"Saan tayo, Nerdy?" tanong ko sa kanya habang nasa kalsada ang tingin ko.

"Ikaw bahala." Matipid niyang sagot.

"Ba't ako? 'Di ba sabi mo madami kang plano para sa atin? Naaalala ko pa 'yon, sinabi mo 'yon nung nasa ospital ako." sinundot ko ang tagiliran niya at natawa siya.

"Baliw ka. Ibig ko sabihin, 'yong future." Naka-ngiti niyang sagot.

"Future? Bakit, sigurado ka bang tayo na talaga?" pang-aasar ko.

I glanced at her and she was glaring at me. I just shrugged to tease her more.

"Itabi mo nga 'tong sasakyan, bababa nalang ako."

Gusto kong tumawa dahil nanlalaki ang butas ng ilong niya at humahaba ang mukha niya dahil sa inis.

"Bakit? May date nga tayo, 'di ba?" nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

"Bakit pa tayo magde-date eh hindi ka naman pala sigurado kung mahal mo ba talaga ako o hindi?"

I looked at her as we're waiting for the green light and I was so shocked to see her tearing up.

"H-Hey." I was about to remove my seatbelt pero nag-green light na kaya nag-drive ulit ako.

She was sobbing quietly while looking outside.

Nang makahanap ako ng pwedeng pagparadahan ay itinigil ko kaagad ang kotse ko. Nagtanggal ako ng seatbelt at inalis sa mukha niya ang kanina'y maayos niyang buhok.

I cupped her cheeks and chuckled while staring at her.

Nakasimangot pa rin siya at umiiyak, "Bwisit ka, walang nakakatawa sa mga sinabi mo!"

Lalo akong natawa nang sigawan niya ako. Instead of teasing her more, niyapos ko nalang siya.

"Binibiro lang naman kita, pinatulan mo kaagad." sabi ko habang hinahaplos ang likod niya.

"Eh hindi naman kasi nakakatawa 'yong biro mo eh."

"Kakasabi ko lang sa harap ng nanay mo kung gaano kita kamahal eh. Sorry na." humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya, "I haven't seen you mad since the day before I left for States. You know what's the best thing about you getting sulky at me like this?" I smiled as she seemed to listen, "I get to hug you until you feel better. I get to do sweet talk like this... and I get to know how much you wouldn't want to lose me."

Hindi siya nagsasalita, instead, tulo lang ng tulo ang luha niya.

Tinanggal ko ang seatbelt niya saka ko siya niyakap ulit, "I love you so much, Wendy."

"Siraulo ka." tumawa siya habang umiiyak, parang baliw lang.

"I know." ngumiti ako, "How about you? Do you love me?"

She hugged me back, "I love you, sobra."

"Talaga? Kiss mo nga ako?" I pulled away from the hug and showed her my puckered lips.

She literally gave me a kiss, a passionate one.

At that moment, parang napaka-gaan ng katawan ko. Sobrang sarap lang sa pakiramdam na magkasama na kami ulit.

Alam ko maraming nangyari at marami akong pagkukulang sa kanya pero hindi pa naman huli ang lahat para bumawi sa kanya. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod pang araw kaya habang kasama pa natin ang taong mahalaga sa atin, let's not waste any time and make them feel how much they are loved. Iparamdam natin sa kanila na importante sila, let us tell them how grateful we are for having them para sa huli, kahit mawala man sila sa atin, wala tayong pagsisihan at masabi natin sa sarili natin na 'At least, I did my best to make her happy... At least she knows that I love her.'

Itutuloy...

Wait for Wendy's confession slash final chapter. 😘

You Don't Mess With The Bad NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon