#37: Chances

1.8K 44 6
                                    

Wendy's POV

NAGISING ako sa isang kwarto at hindi sa ospital. Sumilip sa akin ang isang babae at ngumiti matapos niyang ilapag sa gilid ng kamang hinihigaan ko ang isang tray na may lamang pagkain.

Bumangon ako dahil sa gulat pero agad niya akong pinakalma at kinausap.

"Sandali, 'wag ka munang mag-hysterical diyan. Listen to me first." naupo siya sa tabi ko, "My name is Tessa Mandapat-Green. Pinoy din ako pero may green card na. Nandito ka sa bahay ko."

"S-Si Kuya po?" tanong ko sa kanya habang nagpipigil ako ng luha nang maalala ko ang lagay ni Ken.

"Nag-shower lang ang kuya mo. Don't worry. Heto, nagluto ako ng mushroom soup at iginawa kita ng chicken sandwich, ipinagtimpla din kita ng gatas, kumain ka muna at magpalakas ka. Aba'y putlang-putla ka kanina. Nabanggit sa akin ng kuya mo na hindi ka daw natulog at kumain man lang. Kaya ka siguro nahimatay kanina." ngumiti siya at inilapit sa akin ang tray na dala niya kanina.

Kusa nalang tumulo ang mga luha ko habang hinahalo ko ang soup na dala niya. Kumain ako kahit wala akong gana, kailangan ko ng lakas para mapuntahan ko si Ken. Kailangan kong malaman ang lagay niya.

"Uh.. If you don't mind me asking... Bakit ka umiiyak?" kyuryosong tanong ni Ate Tessa.

Tumingin ako sa kanya habang ngumunguya at nagpunas naman ako ng mga mata ko gamit ang kamay ko, "Natatakot po kasi ako. Kailangan kong makita si Ken."

"Magkaano-ano ba kayo?"

"Dati ko po siyang boyfriend." sagot ko at kumagat ulit sa sandwich, wala pa ring tigil ang pagbagsak ng luha ko.

"Sandali. Eh 'di ikaw 'yong Nerdy girl?" ngumiti siya at mukhang excited habang hawak ang isang kamay ko.

Tumango ako, "Paano niyo po nalaman?"

"Naku, alam mo, minsan lang kaming nagkausap niyan ni Ken. Noong bago mamatay ang husband ko, lumapit siya sa akin at isa sa mga tumulong para madala sa ospital ang asawa ko. Doon niya naikwento sa akin lahat. Na napilitan lang siyang pakasalan si Yvette at may girlfriend siya sa Pinas. Una pa lang naman na nakita ko silang magkasama, napansin ko nang may mali sa relasyon nila. Pina-plastik ko nga lang 'yong babaeng 'yon, naiinis kasi ako dahil napaka-dominante niya. Inam niyang ipahiya si Ken sa harap ng maraming tao. Aba'y pati ako pinagseselosan pa! Eh ke tanda ko na. Naaawa nga ako kay Ken dahil kahit gusto niyang ipagtanggol ang sarili niya, hindi niya magawa. Pinagbabantaan daw kasi nung babae 'yong buhay ng pamilya niya sa Pinas. Pati nga ikaw, inaalala ka niya. Mabait na bata naman 'yong si Ken kaya naniniwala akong magiging okay din siya. At sigurado akong hindi aksidenteng nahulog siya sa hagdan, sa palagay ko, si Yvette ang may kasalanan. Naku, kapag talaga may nangyaring masama kay Ken ipapadala ko sa Pinas 'yong picture ni Yvette, ipapa-kulam ko talaga siya. Nanggigigil ako sa kanya." usal ni Ate Tessa.

Lalo akong nagalit kay Yvette dahil sa mga nalaman ko. Isipin ko pa lang kung gaano kalupit ang sinapit ni Ken sa kanya ay nanggigigil na ako. Kung siya man o hindi ang may gawa ng nangyari kay Ken, kailangan niya pa ring managot.

Hinintay ko si Kuya na matapos maligo at saka ko siya niyaya na magpunta sa ospital. Sinama ko na si Ate Tessa dahil siya ang may alam papunta doon.

Mga ilang minuto lang ang biyahe, narating namin ang ospital. Tinanong ko sa information desk kung nasaan si Ken at itinuro kami sa isang specific room. Nagpunta kami doon at naabutan ko si Yvette na papalabas palang ng kwarto ni Ken.

Nagkatinginan kami. Kumunot ang noo niya at saka niya ako nilapitan at sinampal.

"You are the reason why he's here and you still dare to come over? How insensitive!"

You Don't Mess With The Bad NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon