#4: Settlement

5.8K 168 6
                                    

Ken's POV

Yvette Kingston

I'm going to upload the video If you declined my proposal again. I'm giving you a week to think of it. No response, big trouble. I love you.

Shit. She's really going to ruin my name. No, my family's name.

That psychotic b*tch! Paano ko ba malulutas yung problema ko? Ang sakit na sa ulo.

"Grabe, nakakagutom talaga."

Tch. Seriously? Sino ba tong babaeng to? It seems like she haven't eaten for days. Parang hindi na humihinga, basta subo nalang ng subo ng pagkain.

She's been here for an hour at dahil nagugutom ako at medyo nahihilo pa, inutusan ko syang magluto na sinunod naman nya kaagad. Kaya lang may problema ako sa babaeng to. Naba-bother na nga ako kanina pa.

Eto na naman sya. Tinitignan na naman nya ako ng dahan-dahan. Akala yata nya hindi ko sya nahuhuli! Every minute yata ninanakawan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa!

"Uy. Kain ka oh. Masarap naman ako magluto kaya wag ka nang mahiya. Feel at home." then she starts pigging out again.

Aba. Ako pa ang sinabihan ng 'Feel at home'?

"Feel at home? Aren't I suppose to say that? You're in MY room, nakalimutan mo na ba?" sabi ko sa kanya at saka ko sinimulang kainin yung niluto nyang instant noodles na nilagyan ng itlog.

"Pabayaan m–"

"Ang alat naman!" binuksan ko kaagad yung canned coke na nasa tapat ko at saka ko ininom yung halos kalahati non.

"Uy grabe ka. Sinunod ko lang yung instructions. Wag ka sa akin magalit. Magalit ka dun sa Happy Me. Dun sa gumawa ng noodles na yan." nakanguso sya habang hawak yung dibdib nya. Masyado pala syang magugulatin.

Hay! Pano ba ko makakatagal kasama sya? Mukhang hindi ko naman sya mapapakinabangan. Ni pagluto nga ng instant noodles hindi nya magawa ng tama.

"Alam mo? Hindi nalang ako kakain tutal busog pa naman ako." Kahit hindi. Napailing ako sa disappointment at tumayo na mula sa dining table.

Kumuha ako ng marker at bond papers sa study table ko at saka ko inumpisahan magsulat ng rules and regulations.

"Anong ginagawa mo?"

"Obvious ba? Nagsusulat ako. Can't you see?" sabi ko ng hindi sya tinitignan at nagpatuloy nalang sa pagsusulat.

"Alam kong nagsusulat ka. Pero ano yang sinusulat mo?"

"Mamaya malalaman mo." nagpatuloy lang ako sa pagsusulat. Di ko na sya inintindi kasi hahaba lang yung Q&A.

"Bakit mamaya pa, kung pwede namang ngayon na?"

I glared at her.

"Ang dami mong tanong! Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko! At saka pwede ba, magkaron ka naman ng table manners." nakataas kasi yung isang paa nya sa upuan at saka nagsasalita sya kahit punung-puno yung bibig nya. "Akala mo lalaki kung maupo, parang hindi nag-aral." bulong ko.

Binaba nya yung paa nya mula sa upuan. At kunwaring zinipper yung bibig nya.

"Alright, nerdy girl. Dito ka titira ng 30 days and today is your day one. Dapat walang makaalam na nandito ako hanggang hindi mismo ako ang nagpapakita sa kanila. Tandaan mo, wala kang pagsasabihan kahit sino."

Tumango sya.

"Here's our rules and regulations." pumutol ako ng tape mula sa dispenser at dinikit ang unang bond paper sa headboard ng kama.

You Don't Mess With The Bad NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon