#20: Litong-lito

3.8K 103 12
                                    

Ken's POV

"Okay na ba sa'yo 'tong fried chicken?" Nilapag ko sa mesa 'yong supot ng Good Time Mart na may lamang bucket ng fried chicken at bumaling sa kasama ko.

"Oo, okay na 'yan." sagot niya.

"Okay, then. Let's eat." aya ko sa kanya.

"Salamat. Gutom na talaga ako eh. Natagtag ako sa biyahe kanina. Galing pa kasi ako sa trabaho bago kami umalis ng Cavite." sabi niya at naupo na sa tapat ng dining table.

Guess who I am talking to? Any idea?

"Ano bang trabaho mo?" Naupo ako sa tapat niya matapos ko ihain ang kanin mula sa rice cooker at yung dalawang plato at dalawang pares ng kutsara't tinidor.

"Gym instructor ako. Hilig ko kasi talaga mag-workout kaya nung napatigil ako sa pag-aaral eh nagtrabaho na ako doon sa gym ng kaibigan ko." sabi niya at nag-umpisang kumain habang nagkakamay.

Binitawan ko ang hawak kong tinidor at nagkamay nalang din kagaya niya. I am so amazed with their family and bond. Sobra akong naiinggit sa closeness nila.

"Salamat 'tol hinayaan mo kong tumuloy dito. 'Wag mo nalang sabihin kay Wendy. Magagalit 'yon eh." Ngumisi siya.

Yes. I am with one of her brothers. Nagpa-iwan si Darren. Nakiusap siya sa akin kung pwede siyang mag-stay sa unit ko ng ilang araw hanggang sa makauwi si Dad galing States at pumayag ako. Naiintindihan ko siya dahil nabanggit niya sa akin kung gaano sila ka-close ni Wendy. Na-alarma din siya noong nalaman niya ang tungkol kay Ethan. Sabi niya, gusto niya lang maka-siguro na hindi mapapano ang kaisa-isa nilang babaeng kapatid.

"You're welcome. I'm just returning the favor. Malaki ang utang na loob ko sa kapatid mo kaya ko ginagawa lahat ng 'to." Ngumiti ako ng bahagya at nagpatuloy sa pagkain.

"Anong tingin mo sa kapatid ko?"

Huminto kaming parehas sa pagkain. Nag-angat ako ng tingin sa seryosong si Darren at nakaramdam ako ng kaunting kaba. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" kumunot ang noo ko.

"Anong pagkaka-kilala mo sa kanya?" seryoso pa rin ang expression niya.

"Ahh..." tumango ako. "Wendy is a very nice person. Nakikita kong mabilis siyang masaktan pero sigurado akong malakas ang loob niya. Nakakalungkot lang isipin na sa kabila ng kabaitan niya eh nakukuha pa din siyang bullyhin dito." Sa bawat salita ko ay tumatango siya. "Eh sa inyo, anong klase ba siyang kapatid? Who's Wendy?"

Sumandal si Darren at ngumiti. "Iyakin 'yon... Pero sobrang malambing at maalalahanin." Natigil siya sandali at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Hiniling ng mga magulang namin si Wendy dahil nga puro kami lalaki. Akala nga namin hindi siya mabubuhay eh. Pre-mature baby siya at napaka-risky daw ng sitwasyon ni nanay noong pinanganak si Wendy. Eight months old lang kasi siya noong sinilang siya tapos ang dami daw sinaksak na tubo sa kanya dahil hirap siya sa paghinga. Mahina ang puso niya at may problema siya sa dugo noon. Sabi daw ng doktor, meron lang 10% chance para maka-survive si Wendy kung hindi siya madadala sa malaking ospital. Eh wala naman kaming pera para dalhin siya sa mamahaling ospital kaya dinaan nalang ng mga magulang namin sa dasal. Dalawang buwan din sila nag-stay sa ospital pero unti-unti naman daw lumakas at naging healthy si Wendy dahil may mga tumulong sa pamilya namin. Noon lang siya naiuwi sa bahay. Miracle baby nga siya at blessing para sa amin kaya sobrang mahal namin 'yon. Sobrang bait at malambing pa kaya ayaw na ayaw naming nakikitang umiiyak 'yon. Natatakot kami. Kaya lumaki 'yon ng bahay-school lang ang ruta. Siguro 'yon ang dahilan kaya tinatawag siyang nerd ngayon. Palagi lang nasa bahay 'yon at saka hindi siya gumagala. Kaya nga nung sinabi niya na luluwas siya dito para mag-aral, tumanggi kami. Ayaw talaga namin siyang malayo sa amin dahil hindi namin alam kung magiging okay siya. Kaso sabi niya ito yung gusto niya, dito siya masaya, kaya hinayaan namin siya kahit sobra kaming nag-a-alala." Huminga siya ng malalim. "Kaya sana hangga't maaari hindi siya mapahamak. Sobrang precious niya lalo na sa akin. Ayokong may manakit sa kanya... sa kahit anong paraan. Physically man o emotionally."

You Don't Mess With The Bad NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon