Chapter 10 - Final race to her heart...

805 27 19
                                    

Chapter 10

       Final race to her heart...

                    

           seven months later...

                    @ Sports Arena...

        Yuki's POV

                     " Drifters!! put your seatbelts and head gear on and we'll begin the competition!!" - Harry ( race speaker)

                     " Insan ganda number 2! goodluck!!" bati sakin ng pinsan kong si Dave na katapat ko bago magsimula ang drifting race..

                              " salamat insan number 3:) goodluck din sayo:)" 

                             

                             Puting sports car ang gamit ko habang green naman kay Dave...

                              " ON YOUR MARK, READY.......SET.............. GO!!!!!"

                              (engine starting)

                             Pitong buwan na ang nakalipas at kung tatanungin niyo ko kung may nabago sa buhay ko, marami.. tulad ng mas tahimik na ngayon ang buhay ko, malaya, at higit sa lahat walang kinatatakutan, pero marami rin akong ibinalik galing sa nakaraan, una na dito ang tunay kong pagkatao, apat na taon ko noong pinag-aralan ang galaw at pananalita ng isang lalaki, itinapon ang mga gamit at mga damit na nagpapaalala sakin ng pagkababae ko at higit sa lahat, iniwasan kong lumapit o tumanggap ng kahit sinong lalaking manliligaw sakin, bakit? dahil wala pa akong kayang pagkatiwalaan, natatakot akong baka gawin din nila sakin ang ginawa ng mga itinuring kong pamilya at tunay na mga kapatid, ang mapagsamantalahan at masaktan...

                               Fourth year highschool ako noon ng nangyari ang isang bagay na sobra kong isinumpa at nakapagbago sa pagkatao ko..nang sumali ako sa isang beauty pageant sa bayan namin kung saan nanalo ako bilang Miss Olongapo, kung masaya ako sa pagkapanalo ko? hindi...

                                     pagkatapos ng kompetisyon, nalaman kong binulungan ng mga kuya ko ang isang lalaking judge na panalunin ako sa pageant, pero ang kapalit, isasama ako ng lalaking yon sa condo niya at bahala na siya kung anong balak niyang gawin sakin, sobra ang galit na naramdaman ko noon sa mga kuya ko dahil bilang kuya, parang binenta narin nila ko! gawain ba yon ng matinong kuya sa bunso at babae nilang kapatid? diba dapat pinoprotektahan pa nga? pero ang mas masakit at kinasusuklaman ko, ang nangyari pagkatapos akong dalhin sa condo nung lalaki, umiiyak ako noon sa kama, habang suot ko ang long gown ko ng may biglang kumatok sa pintuan ng condo niya at pagbukas niya , tinutukan siya ng baril at ipinutok sa ulo niya... matapos siyang barilin, halong tuwa at takot ang naramdaman ko, tuwa, dahil wala na ang mananamantala sakin, at takot dahil mamamatay tao ang nasa pintuan...pero pansamantalang naibsan yon, ng nakita ko ang mukha ng hindi lang isa kundi dalawang taong kumatok... sina kuya Lyndon at kuya Nash...

TLMDG: Turning my Lesbian Mechanic into a Drifting Goddess!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon