08:42 PM
Jenessy : Hello, Marcus! Hinanap mo raw ako kanina?
Seen 08:45pm
Marcus : Hi.
Marcus : Kind of. Akala ko, sasama ka uli sa simba e. Dinala ko na kasi sana yung panyo mo.
08:47pm
Jenessy : A... Marami kasi akong ginagawa pag Sunday e. Kaya yun.
Jenessy : Sorry. (^_^)v
Marcus : It's okay. Nagbakasakali lang naman din ako.
Marcus : I should have asked you first. :)
Jenessy : Oh.
Marcus : Idadaan ko na lang sayo bukas sa school?
08:50pm
Jenessy : A, sige. Alam mo yung room namin?
Marcus : Not really. Where are you ng mga 10am?
Jenessy : A. Laboratory ang first class ko. So, 10am, nasa library. :)
Jenessy : #MahabangBreak
Marcus : Hm. Mahilig ka talaga sa books no?
08:51pm
Jenessy : E... oo. Saka, tahimik kasi sa library. Dun ako nagrerebyu ng notes at nagmi-memorize. :3
Marcus : Hm.
Marcus : I like it there, too.
Marcus : Kapag inaantok ako. Haha.
Jenessy : Haha. E di lalo kang aantukin dun dahil tahimik. :3
Marcus : Yeah. But it's okay. Kilala mo si Artie?
08:53pm
Jenessy : No..? Sino yun?
Marcus : Yung assistant sa library. Yung malaking lalaki tuwing umaga. MWF schedule niya. Moreno. Maliit ang mata. Tapos, mukhang mananapak.
Marcus : Haha. Yari ako kay Artie nito. :D
Jenessy : A. Siya. Hihi.
Jenessy : Yes. Nakikita ko siya pag MWF.
Marcus : Tropa ko yun. Kapag inaantok ako at pwedeng umidlip sandali, sa library ako. May tagong spot dun.
Jenessy : A. E akala ko, sa HQ raw ng club nyo?
Marcus : Bawal na umidlip dun ngayon e. Pinagtitripan ng mga Seniors.
Jenessy : Seniors kayo a!
Marcus : Kami nga! Haha!
Marcus : Si Harry at Jeric pasimuno. Haha. Takot tuloy mga lower classmen na tumambay run.
Jenessy : Haha! Salbahe! :3
08:56pm
Marcus : Ikaw? May club ka?
Jenessy : Yes. Sa Arts. :)
Jenessy : Kakasali ko lang this year.
Marcus : Oh, right. Sophomore pa lang kayo ni Helga, right?
Jenessy : Opo. :3
Marcus : Marami ring members ang Arts Club, di ba?
Jenessy : Oo. Nasa 50 + din kami. Yung active, nasa 20 lang. Lalo na pag Intrams. Hihi.
BINABASA MO ANG
Invisible Girl Book 1 (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance