(Text messages. Helga and Jenessy.)
______________
11:18 AM
Jenessy :
Psst!!! Anong oras tayo aalis mamaya???!!!Helga :
Excited? Hahahaha. 3PM pa!Jenessy :
Hindi naman masyado! Marami pa kasi akong gagawin. Wala si Nanay ngayon. Ako lang kikilos sa bahay at sa tindahan!Helga :
Ay, oo nga pala. Haha.Helga :
Anong dadalhin mo mamaya? Bawal magdala ng kama!!! Hindi kasya sa kotse! Haha. (-^〇^-)Jenessy :
Haha! Kama???!!!
-___-Jenessy :
Wala akong dadalhing kama!
Hmp to.Helga :
Baka kasi sa tindi ng awa mo kay Marcus (na crush mo lang), dalhin mo yung kama mo para sa kanya e. Hahahahaha!!!Helga:
Kasi, kawawa naman siya!
Hahaha. :DJenessy :
Hindi no! Manipis na kama ko! Kutson pa ng kama mo, pwede! Hahaha! \(^o^)/Helga :
Ayiii... Ang tindi ng pag-ibig a!Helga :
Titiisin mo kong matulog ng walang kama para lang sa kanya?!Jenessy :
Hala, hala!
Sineryoso mo?Helga :
Siyempre, hindi! Haha. :DHelga :
Nakakatuwa lang!
Ang saya-saya mo na ngayon!
(ಥ﹏ಥ)Helga:
Di bale nang puyat at pagod!
Basta para kay Marcus (na crush mo lang), ang dami mo pa ring energy!!!
Hahahahaha!Jenessy :
Capslock mo na kaya?!
Point na point e!
-___-Helga :
Hahahaha!Helga :
Basta para kay Marcus (NA CRUSH MO LANG TALAGA, NANINIWALA AKO), sobra-sobra ang energy mo.Helga :
Iba kasi talaga pag CRUSH MO LANG!!!Helga :
Hahahaha!!!Jenessy :
E kasi naman...
Kawawa naman siya e...Helga :
Alam ko! Ilang beses mo nang sinabi. Hahahaha.Helga :
Tapos mamaya, pagdating sa ospital, magtatago ka naman sa likod ko?Helga :
Hahahahahahaha.Helga :
Dahil CRUSH MO LANG, hindi ka na naka-move on sa nerbyos!Helga :
Hahahahahaha!!!Jenessy :
Sige lang. Apihin mo pa ko!!!
╥﹏╥Jenessy :
Kapag naman ikaw kay Ashton, hindi naman ako nang-aapi!
(T___T)Helga :
Haha. Sige na. Hindi na!Helga :
Pero seryoso! Wag kang magtatago sa likod ko gaya ng ginawa mo nung simba!Helga :
Lalo kang mahahalata...
na CRUSH MO LANG SIYA!
(*≧▽≦)Jenessy :
E kasi... feeling ko, mabubuko ako e. Baka makilala ako.Helga :
Haha! Hindi yun.Helga :
Maingat ka naman makipag-chat di ba?Jenessy :
Hindi ako sigurado...
Di naman ako nagkukunwaring ibang tao e.
╥﹏╥
BINABASA MO ANG
Invisible Girl Book 1 (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
أدب المراهقين(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance