Day 60

28.9K 768 52
                                    

(Text messages. Helga and Jenessy)

____________________
06:17 PM

Helga :
Huwebes pa raw ilalabas si MM sa ospital, sabi ni Kuya.

Jenessy :
A, okay.

Helga :
Tama hula natin. Nandun sa Bulacan sina Jeric at Ash. Si Kuya, tumuloy ng Pangasinan para magbalita kay MM ng tungkol sa Daddy niya.

Jenessy :
Okay.

Helga :
Hindi ka na ba talaga magmi-message sa kanya?

Jenessy :
Para saan pa? Uulit lang kami.

Jenessy :
Hindi pa rin naman niya ko kilala. Ayoko nang magtago sa dummy account. Saka, una pa ring nag-confess si Jeric. Kung susundin yung bro code nila, lost case na ko.

Helga :
E kahit man lang sana magsabi ka kay Marcus na ikaw si En.

Helga :
Malay mo, may magbago.

Jenessy :
May magbabago talaga. Gusto niya si En e. Kahit sinong maging En, gugustuhin niya.

Helga :
Bakit hindi niya gusto si Carmi, o?

Jenessy :
Hindi lang siguro magaling umarte si Carmi. For sure, if someone could act exactly like how he expect En to act, he will believe them.

Helga :
Wow. #AbandonAllHope

Jenessy :
Kaysa naman umasa... tapos, masasaktan na naman ako.

Helga :
Pano kung hindi ka naman pala niya sini-set-up kay Jeric?

Jenessy :
Pwede ba naman yun. Siya dapat yung ka-meet ko. Nung dumating si Jeric, he was without knowledge of the accident.

Jenessy :
Kung pinakiusapan niya lang si Jeric to meet me, e di dapat, nag-explain yun for him. Kahit pano.

Jenessy :
E hindi naman e. Hindi na ko nakaiwas sa movies. O sa lunch. Ambush date yun, bestie.

Jenessy :
Hindi ba malinaw na set-up yun?

Helga :
Sana kahit mag-reactivate ka para makita mo kung may message siya. Hindi kasi talaga ako naniniwala na isinet-up ka lang e.

Jenessy :
Okay na yun, bestie. Magkalimutan na lang kami. Para hindi maging magulo yung friendship nila ni Jeric. Para rin hindi maging complicated na ipilit sa kanya na ako si En.

Helga :
Sigurado ka na diyan?

Jenessy :
Opo. :)

Helga :
Susko a. Wag mo kong pakitaan ng smiley! ಠ~ಠ

Helga :
Tapos sa personal, maga yang mata mo! Tusukin kita! ಠ~ಠ

Jenessy :
Okay.

Helga :
Wag ka na ring umiyak. Maawa ka sa tearducts mo.

Jenessy :
Subukan ko.

Helga :
Hmp. Miss mo no? Nag-aalala ka no?

Jenessy :
Don't tease me anymore. I'm barely holding out.

Helga :
Hmp. Okay.

Helga :
Gusto mo bang binabalitaan pa rin kita o wag na?

Jenessy :
Wag na sa susunod, bestie.

Helga :
Hmp. Sige.

Jenessy :
Gagawa na muna akong schoolworks.

Helga :
Okay. Agahan mo bukas a.

Jenessy :
Okay.

Invisible Girl Book 1 (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon