Day 53.2

26.9K 881 31
                                    

(Jenessy's journal.
Unsent letter to Marcus.)

Dear Marcus,

I'm still crying kahit dapat natutulog na ko, gaya ng usapan natin. Sorry. Alam kong nag-goodnight na tayo. Sobrang emotional ko lang kasi... hindi ko akalaing madali lang sayo ang makilala ako. Akala ko talaga kasi... wala ka na. Dahil nakipag-meet ka run sa kumuha ng identity ko. Akala ko, hindi sapat gaano man karami yung naging mga pag-uusap natin para maramdaman mo ko. Akala ko, hindi kita mapapaniwala. Takot na takot ako sa mga pwedeng mangyari. Last try ko na sana yung voice messages kanina dun sa bagong dummy account. Kung hindi mo pinansin yun, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin.

Pero lahat ng takot at iyak ko, naging sobrang saya naman nung narinig ko yung boses mo. Nung tinawag mo kong 'En'. Yung unang message mo pa lang... nalusaw na lahat ng worries ko. Pakiramdam ko kasi, hindi ka nawala. Na parang... hinihintay mo ko talaga. Na parang nasa malapit ka lang.

Hindi ko alam na pwedeng maging ganito lang kadali na palitan ng saya lahat ng naramdaman kong takot at sakit. Lalo mo kong pinapahulog sayo.

Hanggang ngayon, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Gusto ko rin sanang makita ka. At yakapin. Para kasing... naubos na lahat ng words. Naubos na lahat ng pwedeng sabihin. Nakakapanghina.

Is this really how this feels to love you? Na kasabay ng maraming thoughts at maraming emosyon, gusto rin kitang mahawakan.

This makes me a little scared but excited. Pangalawang beses ko pa lang naramdaman yung ganito. Yung una, nung natutulog ka sa kotse mo nung iniwan ko yung neck pillow at eyemask. You looked tired that day that I wanted to kiss you. It was the first time that I felt something like that. It was weird but exciting. This night, I felt like hugging you. Just to feel that we have is real.

We are real, right?

What's going to happen on Friday? Kapag magkaharap na tayo? Kapag sinabi ko na, na ako si En?

It will still be this beautiful, right?

I hope, we'll always be this beautiful.

- J.A

Invisible Girl Book 1 (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon