*OMG* FOUR 1.0

88 6 2
                                    

*OMG* FOUR

“Oi teka! ‘Wag mo nga akong kaladkarin! Hoy, saglit lang!”

“Bilisan mo.”

“Haleeer! Napapagod na rin kaya ako!”

DUUUUUH!! Kanina pa kami, lakad nang lakad, hindi lang pala lakad nang lakad…….mabilis na lakad!!!! To the highest level, PAGOD na ako!!!! Waaaah.. ahooo. Hinihingal na ako. Palibhasa kasi halimaw sya kaya hindi nakakaramdam ng ganun! Manhid pa! Gentledog pa! Saan ka pa?!

“Hooooi….naman..pleeease..pahinga muna tayo. Kahit one minute, okay na ‘yun.”

Hawak pa rin nya ako sa may wrist ko at patuloy pa rin kami sa paglalakad! CHEVER! Lawit na talaga ‘yung dila ko!! >________<

“Hoi, sagutin mo naman ako! Pa-hi-nga lang muna tayo. Pleaaaase!”

Tapos napatigil sya sa paglalakad. Hay. Salamat naman. Pero hindi pa rin nya binibitawan ‘yung wrist ko……kasi naman…..tumuloy pa rin kami sa paglalakad. Hindi ko na nga rin alam kung nasaan na kaming lugar eh.

“Ogre naman! Utang na loob. Stop walking-walking. I’m tiring-tiring na oh!”

Tama ba English ko? WAHAHA!

“Tss.”

At sa wakas! After TEN years. Natigilan din sya at naupo na lang dun sa may isang bench. Naupo na rin ako sa tabi nya, malamang, eh ang sakit na ng paa ko.

Medyo gabi na rin. Kung hindi ako nagkakamali, seven na ng gabi. Lupet talaga! Huhuhu, yari na ko sa mga magulang ko kung nagkataong nasa bahay sila, buti na lang at lumuwas sila. Ibang klaseng araw na ‘to! Well, obvious naman, kasama ko ang ogre na si Vince. Yeah right. Walastik naman kasing kidnap na ‘yan, hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.

[epalogue: AKO din naguguluhan! Hahaha!]

Habang naka-upo ako, hinimas-himas ko na lang ‘yung mga paa ko. GURABEEE! Ang sakit talaga! Eh sa malamang kasi, naka-school uniform kami at ako’y naka-black shoes wala namang takong kaya lang masakit talaga sa paa.

“Ai, grabe ang sakit ng paa ko na.” daing ko.

“Ano ba kasing nangyayari ogre ha?” sabay baling ko sa kanya.

OH MEEEN!

“Bakit puro pasa tsaka sugat ka sa mukha?! Nakipag-basag ulo ka?! Yare ka!”

Tinignan lang nya ako habang hawak nya ‘yung gilid ng kanan nyang labi na may sugat pati pasa. Hindi lang naman ‘yun ‘yung sugat nya. May pasa pa sya sa gilid ng mata pati na rin sugat sa may bridge ng ilong nya…tsk..tsk..sayang ang matangos nyang ilong! Haha!

Sympathy?

Empathy?

O apathy?

Hmmmmmm….

Hindi ko talaga alam kung bakit nagkaganyan ‘yung kumikina----yucknesss. Hindi pala sya gwapo! EHEM! Hindi ko talaga alam kung bakit nagka-ganyan ‘yung ogre nyang mukha…ang alam ko kasiiiii……

Oh well, may dumating kasing OGRE IN A SHINING ARMOR parang si Shrek nung niligtas nya si Princess Fiona, pero NO WAY….mas gwapo pa rin si Shrek kaysa sa kanya, I swear! Hahaha! Ganito kasi ‘yun………………

TANANANANANANANANANANANAN! (background music para sa isang Flaashbackkkkkk!)

**FLASHBACKKKKKKKK!

“MAHAL MO BA TALAGA AKO VINCE O HINDI?! SUMAGOT KA!”

VINCE?! YARI NA!

O____________________O

Oh My Gosh! Oh My Crush?! ~UNDERCONSTRUCTION~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon