*OMG* ONE
Lunch break.
Nandito kami sa favorite tambayan namin ni Alice, sa may mini park at kumakain. Hindi kasi namin feel sa canteen kumain kaya dito lagi kami, well, ako talaga ang may hindi feel dun sa canteen eh kasi naman halo-halong ugali ang nandun na hindi ko kayang ma-take.
“Sate…anong bang gagawin ko sa puso kong duguan?”
“Ewan ko sa’yo.”
Naka-ub-ob lang ako sa may lamesa habang kumakain si Alice. Wala kasi akong ganang kumain, as in, walang-wala. Ewan ko lang kasi, isang napakamalaking bugaboo ata ang araw na ‘to sa ‘kin. >_________<
“Wow. Kahit kelan talaga, isa kang mabuting kaibigan. Nakakatuwa ka talaga.” Sarcastic nyang sabi.
Eh. Malay ko nga naman talaga kasi sa love..love..na ‘yan? Ano ba ‘yun? Parang exam sa trigo na napakahirap sagutan? O formula sa Physics na kelangan mong i-memorize? UGH! Bad-trip ako. Wala akong panahon sa ganyan. Sumasakit ang ulo ko. =___=
*Toink
“Ui Sate, ano rin ba kasi ‘yang drama mo, ha? Itayo mo na kasi ‘yang ulo mo, damayan mo na ko Sate, dali na.” sabi nya na parang paawa effect.
*Toink
*Toink
*Toink
“Bahala ka dyan. Wala ako sa mood.”
“Ano ba naman ‘yan Sate!”
“Shut up. Nag-eemote ako.”
“Psh. Hindi bagay sa’yo. Para kang ewan. Ano naman ba kasi ‘yan? Nagda-drama ka na dyan, to be clear, kanina ka pa nagda-drama dyan, ni hindi ka pa nga kumakain. Ano bang ine-emote mo, ‘yung sa flag raising ceremony kanina? Psh. Ano ba ‘yan?!”
“WHATEVER! Wala ka kasi sa sitwasyon ko kanina.”
Naka-ub-ob pa rin ako. Pambihira. Kinakalimutan ko na nga, pinapa-alala na naman nitong si Alice. Aish.
“Sate, wala namang masama sa PAGLI-LEAD NG EXERCISE MAG-ISA KANINA SA MAY STAGE! Walang dapat ikahiya ‘dun!”
O_________________O
Itinaas ko kaagad ‘yung ulo ko at tinignan sya ng masama. Tama ba ‘yung narinig ko? WALANG DAPAT IKAHIYA SA PAGLI-LEAD NG EXERCISE MAG-ISA SA MAY STAGE?!
“Anong sabi mo?” malamig kong sabi habang nakatingin ako ng masama sa kanya.
“Walang dapat ikahiya dun. Marami na ring nakagawa nun, ‘yung iba nga, madaming beses na eh, eh, ikaw buti nga ngayon pa lang.”
Napatayo na lang ako bigla at nagpapapadyak habang ginugulo-gulo ko ‘yung buhok ko.
“WAAAAAH! Alice, anong walang dapat ikahiya doon? Waaaah. Nakakahiya talaga ‘yun! Nakakahiya ‘yun! “
“Oh, ngayon naman OA ka. Umayos ka nga Sate! Upo. Meron ka ba nung word na ‘hiya’? At kanino ka naman mahihiya aber?”
T________________T nakakahiya naman talaga ‘yun eh kasi nakita NYA akong kumekembot at chuva ek-ek kanina at nasa unahan pa SYA ng pila nila. Kamusta naman ‘yun at parehas kaliwa ang mga paa ko. UNGGA! Siguro pinagtatawanan NYA rin ako nung mga oras na ‘yun. Mamaya….na-TURN OFF na SYA sa ‘kin! Waaaah. Nakakahiya talaga!
Napa-ub-ob na lang ulit ako. Wala rin talaga akong balak kumain…una, diet ako..pangalawa, nakakawalang gana dahil bumabalik-balik pa rin sa ‘kin ‘yung kahihiyang nangyari sa ‘kin kanina.
AT ITO NA ANG PINAKAMALALA! Isang tao lang naman talaga ang may kagagawan kung bakit ako nag-lead mag-isa ng exercise sa stage! Oh men, mali pala, hindi pala sya tao, halimaw sya! HUHUHU. Kung ewan ko ba naman kung bakit kelangang ako ‘yung pag-initan nya kanina at ako ang tawagin dahil ‘nakikipagdaldalan daw ako sa katabi ko’ na may tinatanong lang naman sa ‘kin at sinagot ko lang naman…VIOLATION na daw agad kaya parusa na agad! HELL! T_____T masama bang may magtanong at sagutin mo?! Ugh. Fine. Sya ang nagmo-monitor every flag raising pero talaga naman, naaasar ako! HUHUHUHU, isa pa, nakita pa talaga NYA (the positive one ah)!
BINABASA MO ANG
Oh My Gosh! Oh My Crush?! ~UNDERCONSTRUCTION~
Dla nastolatkówNo longer available SOON! Hahaha. Joke! Ito na po 'yung EDITED one...may mga diadagdag po kasi ako kaya inulit at binago ko... please check it na lang po under my works.. Never Benn Told [On-Going] Thank you! ^^ Tanong: Bakit hindi mo na lang burah...