*OMG* SEVEN
***Sate’s POV***
Anak ng tofu at tinapa talaga oo. Sa dinami-rami ng pwedeng maging tao sa may likuran ko eh ‘yung “speaking of the devil” pa namin ni Alice, si ogre Vince pa.
“Sate, paano na ‘yan?”
“Anong paano na ‘yan?”
Naglalakad na kami ni Alice sa may hallway kasi lumabas na kami agad-agad ng library maki-makita ko lang sa may likuran ko ‘yung kumag na Vince na ‘yun. Huh. Mahirap na, baka mas marami pa syang marinig sa ‘min ni Alice at iyon ay kung may mga narinig nga talaga sya.
“Si, Vince, paano na ‘yun kung narinig pala nya lahat ng pinag-uusapan natin kanina.”
“Ai basta, bahala na si Superman. Tsaka, hello, kahit naman ogre ‘yun, bingi ‘yun ‘wag kang mag-alala. Scratch. Hindi tayo dapat mag-alala.”
Hanep ako sa pagiging optimistic noh? ^__________^
Pagbigyan nyo na, pinapalakas ko lang din naman na ‘yung loob ko. Hindi ko rin kasi alam kung paano kapag narinig na rin pala nya kami kanina eh. You know, spell HALIMAW, is V-I-N-C-E, nangangain pa ata ng buhay. >___________<
“Eh?”
“Anong eh? Ano, ikaw ba ay natatae?”
*Toinks!
“Aray naman!”
“Eh kadiri ka naman kasi, maghunus dili ka sa mga sinasabi mo at baka mamaya, kumakain ‘yung mga nagbabasa, you’re a gross. Yuck!”
“Naaaah. Porket ganun lang kailangan mambatok eh noh? Ha-ha. Lupet mo ‘dre. Ano ba kasi ‘yun?” Masakit ah.
“Ah wala. Bakit ba tawag mo kay Vince, ogre?”
Wehehe. Hindi pala alam ni Alice ang tungkol dun kasi ‘di ba nga, hindi lahat alam nya tungkol sa ‘kin kasi magaling akong magtago. HOHOHO. ^_________^V
“Hindi naman sya mukhang ogre ah. Bakit ganun? Alam mo ang sama mo!”
-______- Edi ako na ang masama. Pwede naman sigurong mag-explain.
“Eh una, peace tayo Alice, pero since tinanong mo na. Sasagutin ko na.”
“Spill.”
‘Yun lang. Hindi ko alam kung anong isasagot. /(^___^)7
“Oh ano, dali na.”
“Ganito kasi ‘yun. Ang dali-dali lang naman nyan eh. Ogre tawag ko sa kanya kasi una sa lahat, mukha syang ogre, hep, hindi sya isang kumikinang na nilalang, fyi ah. Pangalawa, dinaig pa nya si Shrek sa kasungitan at feeling ko pa nga kapatid nya ‘yun eh. ^O^ Pangatlo, ‘yun na ‘yun eh, pagkakilala ko pa lang sa kanya at pagkakita, naisip ko na agad ang salitang ogre. That’s it.”
“Weeeeeh?”
“HUWA? Pambihira, sagad-sagaran na ‘yung explanation ko, hindi ka pa naniwala?!”
“Hahaha. Hindi eh. Hindi kasi kapani-paniwala.”
*Toink!
“Aray! Ikaw ah, makapambatok!”
“Gumaganti lang noh! Bahala ka nga sa buhay mo kung ayaw mong maniwala. Nagtatanong-tanong ka tapos ganyan response mo. *pouts*”
“Hahaha. Hindi mo naman ako masisisi Sate kasi ‘yung explanation mo ay puno ng bitterness. I’m just wondering nga if maybe there’s something again kaya ganun at kaya ka ganun.”
Nyaaah? Ansabe nito? (>__>)
“Oh well, Sate, ilabas ‘yan huh. ‘Wag kimkimin, nakamamatay. Hahaha. Sige, una na ako.”
Since nasa tapat na kami ng room nya eh nauna na syang pumasok.
Ako, kamusta? Ayun nganga.
Hindi ko kasi maintindihan ‘yung mga pinagsasabi nitong si Alice. Me gesh! Mukhang malakas ata ang radar ng mga extra-terrestrial ngayon mula sa ibang planeta kaya nagkakaganito itong bespren ko. Hoooo. Creepy!
Anyways, hindi ko talaga ma-gets ‘yung ibig nyang sabihin na ‘ilabas’. Ano namang ilalabas ko?! Naglabas naman ako kaninang umaga eh. Ano, pera? Porket hindi naglabas ng pera eh nakamamatay na? Ai, kaloka.
Pambihira Sate. Bakit mo ba kasi naging bestfriend ‘tong si Alice? -______- WEIRD.
Pumasok na rin ako sa may classroom namin after nung coneversation namin ni Alice na puno ng kaweirduhan…..nya! Then, ayun, tinuon ko na lang sa pakikinig sa sinisisiw (sa kabaliktaran) ko lang na Physics ‘yung naliligaw kong utak dahil sa pinagsasabi ni Alice. ^O^
---------------------------------------------***
Oh sige, hanggang dito na lang muna. Ang tagal na ngang inamag nitong 7th Chapter na 'to sa documents ko eh. HAHAHA.
Anyways, THANK YOU IN ADVANCE SA INYONG LAHAT!! Kahit alam kong medyo hindi bumebenta ang mga storya ko, may sumusupport pa rin naman kahit papano! I love you all! XD
KUDOS!~~''
![](https://img.wattpad.com/cover/6684000-288-k44544.jpg)
BINABASA MO ANG
Oh My Gosh! Oh My Crush?! ~UNDERCONSTRUCTION~
Novela JuvenilNo longer available SOON! Hahaha. Joke! Ito na po 'yung EDITED one...may mga diadagdag po kasi ako kaya inulit at binago ko... please check it na lang po under my works.. Never Benn Told [On-Going] Thank you! ^^ Tanong: Bakit hindi mo na lang burah...