*OMG* TWO
“Ui, Pres, tara na. Naka-post na daw ‘yung result ng Monitoring and evaluation.” Pag-aaya sa ‘kin nung classmate ko since uwian na at tapos na ang klase.
“Sige mauna ka na. Sususnod na lang ako, aayusin ko lang ‘yung gamit ko.”
“Ok.”
Hahaha. Monitoring at evaluation results pala ah. Tignan lang natin galing nila. Kami na naman ang sureness winner nyan!! Dito kasi sa school namin, may Search for Clean and Green classroom at ang section namin ang laging nangunguna dun! Hahaha. Sinong lagi naming kalaban dun? Waha. Ang walang binatbat lang naman na Section A. Woshoo. Pilit nilang kinukuha ang top 1 spot namin pero hindi nila ma-reach! Hahaha. Since nagsimula ang klase, 4 weeks na kami sa top spot at hopefully, pang-lima na ngayon! ^_________________^ love it!!
Niligpit ko na ‘yung mga gamit ko at nilagay ko na sa locker ‘yung iba at excited akong pumunta dun sa may bulletin board. Hindi ko na makakasabay si Alicetot pag-uwi kasi may katatagpuin daw sya sa mall. Tss. Akala ko pa naman, hindi na makaka-move on sa long time crush nya! Ang drama-drama pa kanina. CHEVER!
Pagdating ko dun, abay ang daming taong nagkakagulo. Yup.yup.yup. May paki-alam ang lahat dahil sa bukod sa dangal ng section or class ang nakasalalay, may malaking premyo kasi. Wahaha. Kaya naman career kung career namin. \^O^/
“Waha. Ano sila ngayon. Haha.”
“Tama! Wala palang binatbat ah.”
“Hahaha. Pahiya sila ngayon. Psh. Minamaliit nila tayo ah.”
Ano namang mga pinagsasabi ng mga ‘to? Psh. Alam kong mga taga-section walang binatbat A sila, and so anong gusto nilang palabasin?!
“Excuse me po. Excuse me. Paraan po. Tabi-tabi po.” Hinawi ko ‘yung mga nagkakagulo sa may bulletin board para makita ‘yung result at sa pag-bungad pa lang ng papel sa mukha ko, ABA’T?!
(O_________O)
“Teka, Pres. ‘Wag. Pabayaan na lang natin.”
“Bitiwan nyo ko! Hindi pwede ‘to! Madaya sila! Madaya!” pilit kong tinatanggal ‘yung mga kamay ng mga kaklase ko na nakahawak sa may sa braso ko. “Bitawan nyo ko! Bitawan nyo ko!”
“Pero Pres. Hindi ka naman namin, hinahawakan.”
O___________O
Napatingin na lang ako sa may braso at oo nga, hindi pala nila ako hinahawakan, feeling ko lang pala. >____<
“Ay, sorry. Pero teka, hindi talaga pwede ‘yang result na ‘yan! Kadugaan ‘yan! Kaya kahit gyera na talaga ‘to, magpo-protesta ako!’
“Pres, tama na. Gulo ‘to. Bayaan na lang natin. Babawi na lang tayo sa susunod.”
“Aba’t talagang gulo ‘to! Hindi makatarungan ‘yung resulta na ‘yan! May manipulasyon dyan! Hindi ‘yan maari! Bayaan nyo ko. May kailangan akong gawin!”
Alam kong ‘yung iba ay pinagbubulungan na kami pero wala akong pakialam. Hindi sila patas lumaban!! Mandaraya sila! Hindi ‘to maari! Palibhasa ang mga echoserang section walang binatbat A ay nasa unang pwesto!!! At kami, POORLUBEng nasa huli! UNFAIRNESS! >__<
Umakyat agad ako sa may library para huntingin na ang dapat huntingin dahil sa gyera na talaga ‘to!
Pagdating ko sa may library, bwahaha, nakita ko kaagad sa may bintana ‘yung hinahunting ko. >:D
Nasa tabi kasi ng bintana na gawa sa glass ‘yung table nya kaya wala ng patumpiktumpik pang kinalampag ko ‘yung bintana.
“HOY, LOUIS VINCENT JAMES FONTAMILLAS, LUMABAS KA DYAN!” Mukha namang napansin nya ako kaagad kasi bigla naman syang napatingin sa bintana.
BINABASA MO ANG
Oh My Gosh! Oh My Crush?! ~UNDERCONSTRUCTION~
Novela JuvenilNo longer available SOON! Hahaha. Joke! Ito na po 'yung EDITED one...may mga diadagdag po kasi ako kaya inulit at binago ko... please check it na lang po under my works.. Never Benn Told [On-Going] Thank you! ^^ Tanong: Bakit hindi mo na lang burah...