Chapter Eight

2 0 0
                                    

Brent's POV

"I like your voice," sabi ng lalaking nasa harapan ko. "Im John Carlos Lourdes, JC na lang." He landed his hand infront of me. Imbis na sagutin ko siya, tinalikuran at ibinalik ko ang gitara sa pinagkunan ko kanina. At nagcross-arms sa harap niya.
Pero imbis na magsalita, nakaland parin yung kamay niya gumalaw ito at kinuha ang kamay ko. Tsaka shinake-shake.

"It's a pleasure to meet you Miss Joarda, beautiful voice you have." He continued, before letting go of my soft voice. Kinuha ko ang bag ko.

"I gotta go." Paalis na ako at nang nasa bandang pintuan na ako. "It's a pleasure to meet the first guy who heard my voice." And then I walked out.

I know, I lied. Ofcourse he's expecting or thinking he heard it first so I said it. But the real thing is Matthew is the first one. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

From: nicachu

Bessy! May laro ngayon sila Matt! 1st game niya nood tayo ha! Meet you at the coffee shop at exact 6:30 :)

Hay nako! Di manlang tinanong ako kung sasama ba akes o hindi naker!!!
Magrereply sana ako ng kung ano ano, pero sumagi sa isip ko na okay na lang. So, I didn't replied back. Nakita ko sa orasan na 5pm palang. Kaya pumunta ako sa field at nagsaksak ng headset at naglaptop.

Sa school namin pwedeng magdala ng kahit anong gadgets, syempre prohibited ang droga at yosi. Illegal yon e -_-

Binuksan ko ang folders ko, ang dami pala naming pictures dito ni Matt. At sa dami nila binura ko na lang lahat ng yon. Baka kasi pagisipan ng family ko at ng impostora kong kapatid na mangaagaw ako, na ganyan ganito. Whatever.

Binuksan ko ang notes ko. At nagtype ng kung ano ano. May nakita ako nakapangalan Rhian Brent Joarda <3 pero may lock to, ilang beses ko ng sinusubukan at hinuhulaan ang password pero wala. Ayaw talaga.

Ilang beses ko nang binubuksan ang laptop ko, ngayon ko lang to nakita?!
Dahek! Anyways, ngayon na lang ulit ako nagbukas ng Notes ko.

Padilim na, orange na ang langit. Dahil may kapitbahay akong puno sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ito. Pinost ko sa instagram at nilagyan ng caption The sun is going down, but still... Im waiting for you under the tree where we first met.

Ewan kung bakit yan yung naisipan kong caption. Siguro natripan ko lang.

Sinandal ko ang ulo ko sa puno na kinauupuan ko. Tinanggal ang headset at pinagmasdan ang paligid.

Nagbukas na ang mga ilaw sa football field.
Pinasok ko na ang laptop ko sa loob ng bag ko.

Sa hindi inaasahan, biglang bumagsak ang ulan. Kinuha ko ang bag ko at tumakbo papuntang Gymnasium, ang pinakamalapit na building sa field. Basang basa na ako.

"OMG, is that Taylor's older sister?" Girl 1
"My God, kabog ni Taylor ang mas matanda?" Girl 2
"At mukha pa siyang manang slash taong kalye dahil basang basa siya!" Girl 3

When I heard them talking about me. I looked at their direction. Kumuha ako ng jacket sa bag at sinuot ito.
Tinali ko ang buhok ko pataas, kaya naman kitang-kita ang piercing kong dalawa sa kanan kong tenga, isa sa lagayan talaga at isa sa taas.

Sinakbit ko ang bag ko sa kanang shoulder ko at nagmarka ang ngisi ko sa mukha ko.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko. Tibok ng dibdib ang naririnig ko.

Alam kasi ng lahat na wala akong pakelam sa paligid ko. Pero pag ako nangialam kabahan ka na.

Nagulat naman ang tatlong Cheerleaders ng papunta ako sa direksyon nila. Habang papalapit ako humahawi ang tao sa gitna. Mukha tuloy akong reyna hahaha.

"Talkin' bout me?" I said with a soft tone and a bored expression.

"Definitely not." Confident na sagot nung Girl 2 kanina.

"Im not deaf you know, I heard you." I said boredly and loud.

"Kung narinig mo pala bakit mo pa tinanong?" Sabi ni girl 1 sabay tawa nilang tatlo.

"Gusto ko lang pong linawin. Kasi po hindi po ako gumagawa ng chism o eskandalo, kapag hindi ko naman alam ang whole story." Madiin kong sinabi ang part na "hindi" hanggang sa dulo ng sentence ko. Namula ang mga mukha nila, na mas mapula pa sa blush on nilang makakapal.

"Dear, dont you know the quote dont judge a book by its cover? Well, Im telling you... when you read the book that has a beautiful cover than mine I know... babagsak ang panga niyo sa pangit ng nilalaman ng book na yon." nagring yung phone ko. "Anyway, I dont want to waste my time to a piece of sh.t." nagwalk out ako sabay ng pagsagot ko sa tumatawag sakin.

Hello?

Bessy where ka na?
si Nica lang pala -_-

Hay nako nasa gym... btw, kung pupunta ka man ngayon dito wag na pupunta nalang ako jan. Gusto ko magpainit basang basa ako. Babush!

Inend ko na yung call at sinaklob ang hoodie ko, umaambon na lang. Kaya naman naglakad ako papuntang coffee shop.

Nang makarating ako sa coffee shop. Pumalakpak naman bigla si Nica, Aaron, Aries, at Isaac. Napailing na lang ako at umorder sa counter ng capuccino.

"Bakit ba kayo pumapalakpak?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Kasi may nagbalita samin na may pinahiya ka raw na cheerleader." Aaron

"At hindi lang basta cheerleader. Tatlong Head-Cheerleaders pa!" Pagmamalaking sabi ni Isaac. Nako nako -_- kasalanan ko bang pakielamera sila at hindi ko alam na Head sila?

"Ang galing mo bessy! Ikaw na!" Aries.

"Teka bakit ka nga pala inatake ng kamalditahan?" Tanong ni Nica. "Anyway, minsan lang yan ha!"

"Pakielamera kasi yung tatlong head cheerleaders na yon, narinig ko na kinukumpara nila ako kay Taylor. Yon nabwisit ako."

"Aahhh" sabay-sabay na sagot nila. "Rhian! Rhian!" Pumunta ako sa counter.
"Capuccino maam?" Nagulat ako ng makita ko ang nagserve.

"Ikaw?!"

"Ako nga po, si JC" nakangiting sabi niya sa akin. Kinuha ko na ang capuccino ko at balak na sanang umalis.

"Ayaw niyo po ng tissue?" Tanong niya. Ay oo nga pala tissue. Kinuha ko yung tissue at paalis na ako ng pigilan niya ko.

"Straw ayaw niyo?" Tanong niya.

"Hindi ko kailangan ng straw ipinagbabawal na yan... This coffe shop must be notified, why are you still giving away straw?" Nanliit naman siya sa sinabi ko. Ngumisi ako at tinalikuran ko siya, at naglakad papunta kila Nica.

"Sungit ni Rhian!" Aaron
"Ganda mo! Pwe!" Ice
"Heh!" Sabay-sabay naming sagot na tatlo sa kanilang dalwa.
"Tara na nga!" Sabi ni Aries.

One Rainy Day.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon