Chapter Ten

2 0 0
                                    

Matt's POV

It's been awhile since that proposal was settled. Hindi ko inaasahan na hindi na niya ako papansinin. Lupit naman ng parusa ko Lord.

Ipagkait niyo na lahat, wag lang taong mahal ko.

Wag niyo lang siya ilayo.

Pero wala na, huli na ang lahat. Nilayo na siya sakin. Mali pala, lumayo na siya sakin.

That proposal was a bullsh.t every plan of my parents was the bad luck of my life.
Dalwa naman ang babaeng Joarda bakit hindi na lang si Rhian ang sakin napunta?

Yes, mahal ko si Rhian. Nung araw na nilapitan ko siya. Sinadya ko talaga yon kasi crush ko siya. At kinwento sakin ni Nica lahat-lahat ng feelings at pangyayari ng gabing nasira ang pag-ibig ko sa kanya.

"Feeling ko Matt, may gusto sayo ang bessy ko." Paulit ulit. Paulit ulit ang sentence na yan sa utak ko. Sana nga Nica, tama ka. Sana nga may gusto sakin si Rhian. Dahil ipaglalaban ko siya.

Nag-usap na rin kami ni Nica na manood sila ng game namin. Sabi ko sakanya iexplain na lang niya ang lahat kila Aaron. Dahil alam nilang apat ang tungkol sa feelings ni Rhian.

Oo, alam ko hindi ko dapat to ginagawa dahil mamaya andon din si Taylor. Kaya ko nga to gagawin e. Kasi kinwento sakin ni Nica lahat ng pagmamalupit ni Taylor kay Rhian.

It's time... It's payback time.

Nakita ko namang umupo sa bleachers sila Nica. At nakita kong nagthumbs up sakin si Ice. Kaya ngumiti ako at tumango sakanya. Tumingin ako kay Rhian nakita ko siyang nagbabasa ng libro, lumungkot ang mukha ko. I invited them to watch me not to read a book.
Alam kong hindi interesado si Rhian sa mga gantong bagay. At si Taylor... interesadong-interesado.

Pumasok na ang mga cheerleaders. At kitang-kita ko ang malagkit na tingin sakin ni Taylor. Umiwas na lang ako ng tingin at binalik ang tingin kay Rhian.

Nica's POV

Nang makarating kami sa gym, umupo na kami sa bleachers. At nakita namin si Matt na nakatingin sa amin. Napansin ko naman na nginitian ni Matt si Ice at tinanguan ito. Tumingin si Matt sa direksyon ni Rhian, nakita kong nagbabasa siya ng libro. Hay nako Rhian, hindi ka nakakatulong sa mga plano - _ -)
Nang pumasok ang cheerleaders lumingon si Matt at ibinaling ulit ang tingin kay Rhian. Jusko ang lagkit ng tingin nitong malditang to kay Matt!

Dahil wala pang 7pm nagwarm up muna ang mga players. Habang itong si Rhian nakakachapter 50 na sa binabasa niyang libro. Nako warm up na warm up yang mata mo ah -____-, hindi ko na matiis -______________-

"Rhian, inimbitahan kita dito para manood hindi para magbasa." -___-

"Bes alam mo namang wala akong interest sa mga bagay na ganto diba?" May point ang ineng --  _  --

"Manood ka na lang para magkainterest ka. Ikaw tinuturuan na nga kitang maging katulad namin ayaw mo pa."

"Anong ibig mong sabihing katulad niyo?" Tanong niya.

"Maging normal teenager? Haler ang boring kaya ng buhay mo -_-" sabi ko sakanya.

"Edi kayo na ang masaya ang buhay -_____-" pinagpatuloy niya ang kanyang pagbabasa. Hinablot ko ang libro niya pati ang bag niya.

"Pwede ba, bessy. Ngayon lang oh :3" oh may pouting effect pa yan (^ _ ^)
Minsan kasi nagana ang pacute powers ko kay bessy e hahaha.

"Bes, alam--" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Umuwi ka nga lang, ayaw mo naman akong pagbigyan." Binalik ko sakanya yung libro at bag niya at nagcross-arms.

Imbis na magsalita siya ipinasok niya ang libro niya sa bag niya at inilagay ito sa lapag. "Sige na nga manonood na." Pagalit na sabi niya.

"Yaaaaaaaaaaaayyyyyyyy!!!!! Thank youuu" sabay hug ko sakanya.

Nagkumpol-kumpol na ang Vermonte Wild Dogs nagpaplano sila nang gagawin nila. Ganon din ang kabilang group.

Nang magsimula ang game lamang ang grupo nila Matt ang score ay 13-8

Actually kung papanoorin mo ang nangyayari ngayon matatawa ka. Dahil sobrang tatangkad ng kalaban pero yung mga varsity player namin ay tama lang e yung kalaban parang mga higante na e, tambakol naman! At may napansin ako, sa bawat shoot at score ni Matt, ngumingiti o kaya nama'y kumikindat siya kay Rhian. Ahihi kenekeleg eke hahahaha!

SKIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIPPPPPP!

Nanalo lang naman ang VWP, yun nga lang muntik na silang matalo dahil lamang lang sila ng 3 points at kung hindi pa nangyari yon edi sana OT at baka matalo pa sila.

Habang nagaarange ng mga awardees, may presentation daw ang cheerleaders. Kaya Ladies and Gentlemen... Its time! For the boring part yay! Eh choose. Habang nagsasalita ang Emcee, ginablot ng bruhitang si Taylor ang Mic at kitang-kita ang ngisi nito sa kanyang mukha habang ang sama ng tingin saaming lima.

To be continued...

A/N: Thanks for reading! Sorry sa hindi pag-UD ng napakatagal na panahon ^_^ xD

One Rainy Day.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon