Brent's POV
Nang maupo kami ni Matt sa upuan, tumayo ang daddy ko na siyang nagkuha ng atensyon ng lahat.
"I have an announcement." Malakas at maliwanag na sabi ng aking ama.
"We all know, that our partnership with the Conception Family gets better. Conception-Joarda family have been planning this for years. An arrange wedding, One from my heir, and one from them. May I introduce to you... The Only Son, Matthew Conception." Nakita ko ang pagkagulat bi Matthew sa kanyang mga mata hindi siya makakibo.
"And my daughter..." my hearts skipped a beat. Parang kinakabahan slash ninerbyos ako. Mix na ang nararamdaman ko.
"Taylor Joarda." natutuwa ako na nalulungkot ewan kung bakit, pero hindi ko alam dapat natutuwa ako. Diba dapat matuwa ako? Dahil malaya ako?
Pero bakit ganto ang nararamdaman ko?
"Matthew, Taylor please come here infront." Tumayo si Taylor sa may table sa dulo habng ngiting ngiti. Si Matt naman tulala parin at hindi makakibo ng kinublit siya ng kuya ko saka siya tumayo at sinabayan sa paglalakad si Taylor. Nung una, gustong magpaescort pa netong si Taylor kaso inisnobb siya ni Matt buti nga!
Nang makarating sila sa unahan pipicturan sila. Si Taylor ngiting ngiti si Matthew naman seryoso lang at mukha siyang model dahil bagay ang pose niya sa suit and tie na suot niya.
Okay. Nanaginip ba ako? Si Matthew?! Kay Taylor?!!? Lupet! Grabe, nako, haysss, ano baaaa! Bat ako nagkakaganto?!?!
At yan simula na, ang lintang si Taylor siguradong kasama na niya everytime si Matt. At wala na jlit akong pake sa mundo.
After 2 weeks...
Hindi ko na pinapansin si Matthew. Lalo akong naging bitter sa buhay at nagpaka-goth.
Sa loob ng 2 weeks na yon nahuhuli ko si Matthew nakatingin sakin or nakatitig. At sa loob ng 2 weeks na yon laging magkasama si Taylor at Matt tuwing uuwi, breaktime, papasok. Maging dinner every Saturday. Kaya ako ayon laging nagwowalk out at napipilitang kumain sa loob ng kwarto di kaya'y sa garden.
Nalaman ko lang kanina na sumali pala ng basketball si Matt. Kaya mukhang bagay na bagay silang dalawa ng maharot kong kapatid.
Nagdodrawing lang ako. Actually mukhang doodle nga e."Rhian, ano yan." Nica
"Doodle." Matipid kong sagot.
"May tatanong ako." Nica
"Ano" direchong sagot ko,
"Si Matt na ba at si Taylor?" Tinitigan ko si Nica. Mga five minutes akong pokerface sa kanya nmtsaka lang sumagot.
"Ewan, pero arranged marriage daw sabi ni daddy." Bored na sagot ko.
"Nasasaktan yata bessy ko?"
"Bakit naman? Pasalamat nga sa Diyos dahil hindi ako yung napaglaruan ng mga magulang ko." I said without looking at her.
"Hindi nga ikaw ang napaglaruan, ikaw naman ang nasaktan ng hindi alam ang dahilan." Siya nga pala, nakwento ko kay Nica ang naramdaman kong yon. Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy sa pagdodrawing.
After 3 hours, pumunta akong music room sunod-sunod na walang teacher e. Hindi ko alam kung anong kukunin kong instrument. Sa daming alam kong tugtugin, nakakapagod ng kumanta, at tumugtog.
Kaya kinuha ko ang gitara. I composed a song for Nica nung panahong inlove siya sa isang lalake. E yun ang natripan kong kantahin kaya nag strum na ako.
Nagtatago ako saking kwarto.
Para walang makaalam na akoy nalulungkot.
Buhay ko'y nagbago ng ako'y iwan mo.
Nagpasulat ng kanta kahit wala ng ganang mahalin ka.Tinapon ang sulat mo...
Sa apoy ito'y naging abo.
Hindi kita kinamumuhian
Minsan ko lang to naramdaman.
Ballpen na walang tinta
Pagibig mo'y naubos na.
Eyebags kong lumalaki
Bagahe mo'y nakaimpake
Siguro nga...
Handa ka ng iwan ako...
Iwan ako... ohhh... ohhh..
Iwan mo na ako...Nakapikit ako ng tapusin ko don ang kanta, ayoko nang buohin pa yun, nang maimulat ko ang mata ko bumungad mukha ng isang lalaki sa akin.
