Chapter Nine

2 0 0
                                    

Nica's POV

Andito kami sa coffee shop, ang usapan namin ni Rhian e 6:30. Since it's 5:00pm tambay muna kami dito ng barkada.

Actually, kaya tinext ko kay Rhian na "kita tayo ng 6:30 sa coffee shop" kase pag si Rhian sinabihan ng ganyan hindi na siya makakaurong. Tsaka ang dahilan kung bakit ko siya sinabihan na manuod kami. Sinabi ni Matthew samin.

Oo alam ko at nafifeel kong nasasaktan si Rhian sa twing nakikita niya si Matt. Pero sa ngayon kinausap ko si Matt, na siya na raw ang bahala. Kinwento ko lahat-lahat kay Matt. At sinabi niya sakin na hindi niya raw alam ang mga nangyare.

Habang nagkakape kami, nagiinstagram lang ako. Nakita ko yung post ni Rhian The sun is going down, but still... Im waiting for you under the tree where we first met. Kitang-kita don yung puno na sinasabi niya sakin na inupuan daw nila ni Matt.

Bago pa yun maging memorable na puno, yun ang pinaka kinaiinisan ni Rhian dahil... dito nangyari ang break-up story ni Rhian at ni Drake. Alalang-alala ko pa ang pangyayaring yon.

~<(F L A S H B A C K)>~

Aniversarry ngayon nila Rhian at Drake. May handa na kaming cake and ice cream. Nakaset-up na ang lahat sa music room. Handa ng tumugtog si Aaron ng gitara, handa ng kumanta si Aries ng theme song nila. Naramdaman naming may papalapit ng tao, kaya pinatay namin ang ilaw at ianantay bumukas ang pinto.

Pagkabukas ng pinto at ng ilaw, bumungad samin si Rhian na umiiyak.

"H-Hindi na niya ako mahal." Nauutal na sabi niya saamin. Habang umiiyak.

Nanigas ako sa pwesto ko. Lumapit si Aaron kay Rhian.

"What are you talking about?" Mataas na tono ni Aaron.

"They lied!, h-he cheated on me!" Galit na galit sabi ni Rhian habang tinuturo ang punong nasa labas habang umiiyak.

Nang tignan ko ang puno, I saw Drake he's kissing someone. Hindi pala someone. Si Taylor pala. Kapatid ni Rhian. Nanginginig ang buong katawan ko sa nakita ko.
Lumabas ako, my hand gripped into fist.

"Nica! Nica, calm down!" Hinila ni Aries ang braso ko.

"Calm down? That's bullsh.t! Did you see Rhian? She's being cheated by her boyfriend for her sister! Aries wake up! There's no need to calm in this situation." Nagpumiglas ako at tumakbo ako papunta kay Drake.

Hinila ko ang buhok ni Taylor, balak na niya akong sabunutan pero sinuntok ko ang tiyan niya na nakapagpaupo sakanya sa lupa.

"WTH is your problem Camille?" Sigaw ni Drake sakin. Balak na niyang tulungan patayo si Taylor.

"Huwag mo siyang hahawakan! My problem? You are my problem! Sabi na nga ba e, hindi ka pagkakatiwalaan! At kahit kelan hinding-hindi ka pagkakatiwalaan. At ikaw bruha ka, naturingang kapatid ka napakaslut mo! WTH is your problem? Walang ginagawa sayo si Rhian, puno ka ng insecurity!" Sinampal ko siya at umalis.

~<( E N D O F F L A S H B A C K)>~

Ngayon alam niyo na kung bakit? At kung gano ako kaangas? Bukod sa palaban ako e black belter ako ng karate no! Anyways, tatawagan ko na si Bessy at dahil may nagtext sakin na nangaway siya.

Hello?
Narinig ko ang boses niyang nanginginig sa galit

Bessy, where ka na?!

Hay nako nasa gym... btw, kung pupunta ka man ngayon dito wag na, ako na labg pupunta jan. Gusto kong magpainit basang basa ako. Babush

Teka!-- RHIAN?! RHIAN?!
Bastos -__-

Wala pang 30 minutes dumating siya, kami naman pumalakpak nang pumasok siya. Umorder siya at naupo, pinagusapan namin yung tungkol dun sa eskandalo kanina.

Nung tinawag yung pangalan niya kinuha na niya ang order niya.

Nang paalis na siya pinigilan ito nung lalaki. "Tissue mam, ayaw niyo?" Tanong nito. Kinuha ito ni Rhian at paalis na sana pero nagsalita ulit si kuya. "Straw ayaw niyo po?" Hindi ko man natatanaw ang mukha ni Rhian, Im sure bwisit na bwisit na yan.

"Hindi ko kailangan ng straw ipinagbabawal na yan... This coffee shop must be notified, why are you still giving away straw?" At ayan nagmaldita naman.

We blurted out and teased her. 7:00 ang game e 6:50 palang naman kaya lumayas na kami.

One Rainy Day.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon