Taylor's POV
May nasagap akong balita kanina, tungkol sa santa-santita kong kapatid. Nakipag-away lang naman siya sa tatlong head-cheerleaders mula sa iba't-ibang school. At feel ko, masisira ang image ko sakanila. God, please kunin niyo na si Rhian. She gives me a lot of problems in this world.
Tungkol naman kay Matt, napakaseryoso niya, tahimik, at walang pakealam sa mundo. Masyado siyang cold. Nakakabwisit yung ugali niya. Pero infairness naman, kahit papaano nakikisali siya. Nagdidinner siya sa bahay every Saturday, sinasamahan niya ako every-breaktime, at hinahatid ako pauwi ng bahay pero walang imik. Noon, nakita ko silang magkasama ni Rhian, nagtatawanan, nagkukulitan, close na close sila. Pero kinabukasan no'ng nalaman namin na engaged kami ayon mukhang hindi na sila nagpansinan. Finally, ako na ang bida wahahaha.
Habang naglalakad sa hallway papunta sa locker room dito sa gym. Ang daming nagtitinginan sakin. Kinuha ko ang cellphone ko at sinalayan kung may dumi man ang mukha ko pero wala. I guess, nastar-struck lang sila sa beauty ko. Suot ko na ang uniform ko, mini skirt and long sleeve crop-top na maroon ang uniform namin.
Pagkapasok ko ng locker room. Bumungad sakin ang mga magaganda kong cheerers.
"Hey, Taylor! Do you have make-up on your face?" Tanong ni Britney sakin.
"Nothin', why?" Nagtatakang tanong ko sakanila, mamaya kailangan ko pala ng make-over baka losyang na fes ko.
"Aww, really?!" Sagot ng cheerers.
"You look cheer-awesome, Taylor!" Sabi ni Sophia.
"You look gorgeous, without make up!" Sabi naman ni KC.
"Aww, thanks guys. You are all cheertastics! Who has a light-colored lipstick by the way?" Tanong ko sakanila.
"Me! Kaso plum lang siya, hindi ko pa siya nagagamit." Iniabot saakin ni Jenette ang isang skin-colored MAC lipstick. Tinry ko ito at bumagay sakin.
"Wow, it suits you." Gandang-ganda na sabi saakin ni Sophia.
"Sayo na lang yan, That color doesn't fits me." Sabi ni Jenny habang patapos na ang pagmemake up niya.
"Okay, thanks Jenny *mwah* *flying kiss*"
"You're always welcome." Pakantang sabi ni Jenny saakin. Nilagay ko na sa maliit kong bag ang lipstick at nilagay sa locker at nilock ito.
Nang ready na kami lumabas na kami ng locker at naghead papunta sa may entrance ng gym. Nakita ko namang handa narin ang players namin. Lumapit ako kay Matt.
"Matthew, Good luck sa inyo." Sabay halik sa pisngi. Wala namang mark ng lips ko ang face niya kaya okay lang.
"Salamat. Go cheer for me, babe." Hinila niya ang bewang ko papalapit sakanya at hinalikan ang noo ko.
Oh my God. God, Oh My. Am I really awake this time? Sinabihan niya ako ng BABE at hinalikan pa sa Noo.
"Y-you kiss me." mahinang sabi ko.
"Ayhiiiiiiiiiiieeeeeeeeee answet!" Tukso naman ng cherrers at players sa paligid namin.
"Yes, I kissed you. You're my future wife. Am I not allowed to kiss you?" Tanong niya sakin. Grabe natutulog pa ba ako? Can someone slap me!!!??
"Ofcourse you are allowed! For all the times na sinuyo kita. Thank God, kinausap mo na ako plus! Hinalikan mo pa ako." Tuwang-tuwa na sabi ko sakanya. Bumitaw na siya sakin, at pumasok na sila sa loob. Habang kami ang nasunod.
Nakita ko siyang may hinahanap, at makalipas ang ilang minuto mukhang nakita na niya ang hinahanap niya. Nakita kong ngumiti siya at tumango, pag tingin ko sa direksyon na tinititigan niya nakita ko ang bruha kong kapatid at ang FFN (Fantastic Four Nerds). Well, that's what I call them. WTF?! Bakit nandito yang bruhang yan?! Good mood ako e sinira niya araw ko! Kelan naman siya naging interesado sa ganto!?!? Nakita ko namang nakatingin sakanya si Matt. Lumapit ako kay Matt para kausapin siya pero hindi manlang niya ako pinansin.
Kaya hinayaan ko siya. Nang matapos ang game, nanalo ang VWD. Siyempre may special presentation kami.
Lumapit ako sa mga cheerers.
"We're gonna change the cheer routine, but same dance steps. Okay?!" Pasigaw na sabi ko para maintindihan nila ako.
"But-- How? I already memorized the words!" Nagpapanic na sabi ni Sophia.
"Dont worry, cheerladies... Its just a simple cheer with a few words. Just follow my lead, okay?"
"That's OKAY!
That's ALRIGHT!
Wild Dogs are always here to FIGHT!" Pagsang-ayon ng cheerleaders with matching cheer-tune.Habang nagsasalita pa yung emcee tinawag ko siya at sinabi niyang sandali lang, kaya naman kinuha ko ang mic sakanya at sinabihan siyang umalis sa Harapan ko. Tinitigan ko si Rhian at nginisian ito.
