A Chance

6 0 0
                                    

♡♡♡Chapter 11♡♡♡

Naglalakad na kami dahil itong bakulaw na to nagyaya pang kumain bago kami umuwi. Ang ingay ingay niya kaya di ako makapag concentrate sa pag-iisip ng mga sasabihin ko mamaya.

"Diba sabi mo bibili ka ng ticket sa concert? Sabay tayo huh anong seats ba ang bibilhin mo?" nakangiti siyang lumingon saakin. Nakakunot ang noo akong lumingon sa kanya.

"Bibili ka ng ticket sa concert ng EXO?" kailan pa siya naging fan?

"Oo ayaw mo ba? Kala mo ba ikaw lang ang fan nila? Fan din kaya ako." tinirikan niya pa ako ng mata. Pinigilan kong ngumiti dahil sa ginawa niyang pag-irap.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wew? Sino bias mo sa kanila?"

"Si Baekhyun and Kai." parang proud na proud pa siya.

"At bakit naman aber?" di talaga ako makapaniwala na fan siya ng EXO parang nung kailan lang tinatanong niya pa ako kung sino sila.

"Para kasi silang buwan at araw parehas na bilog pero may pagkakaiba. Si Baekhyun at Kai parehas silang memeber ng EXO pero magkaiba sila ng specialty. Ang galing nila noh?" humanga ako sa kanya kasi marunong siyang mag-appreciate ng galing ng iba. Alam ko namang walang bahid na kahit ano ang pagkalalaki niya.

Napahinto ako sa paglalakad. Huminto rin siya at ngumiti saakin, mamiss ko ang ngiting yan..

"Sabay tayo huh tabi din tayo ng upuan."

Yumuko ako at tumikhim. Ayaw kong umiyak nakakainis bat ba napakaiyakin ko?

"Zech?... Hindi... Hindi tayo pwedeng magsabay sa pagbili o kaya magkatabi man lang." sabi ko ang sakit na ng mata ko sa pagpipigil sa luha ko para wag lang tumulo yun.. Not now Aliza... Not now please...

"Bakit may pupuntahan ka ba? May kasabay ka na bang iba?" kahit di ko siya tignan alam kong nakakunot yung mga noo niya.

"H-hindi Zech... Di na tayo pwedeng magkita... Kahit kailan."

"B-bakit?? Aliza may problema ba? May nagawa ba akong mali?"

Sorry Zech,sorry...

"Wala pero Zech please lang wag mo na akong guluhin. Di ako katulad mo na mayaman na kahit hindi makagraduate ngayon okay lang. Maghanap ka na lang ng ibang kakaibiganin." Tears not now.. Stop from falling please..

"No! Okay hindi kita guguluhin hanggang di tayo gumagraduate yun lang ba? Naiintindihan kita. Halika kumain na tayo." hahawakan na niya dapat ako sa braso pero lumayo ako.

Kailangan mo tong gawin Aliza for him...

Kahit mahirap itago yung mga luha ko pinilit ko paring tumingin ng diretso sa mga mata niya. Gusto ko na ngang palakpakan ang sarili ko dahil nagawa ko kaso nang makita ko ang hitsura ni Zech parang gusto ko pagsisihan ang lahat.

"A...liza..." nakatingin siya saakin na para bang hindi ako to.

"Kung kaibigan lang ang hanap mo ipapakila ko ang mga kilala ko sa school na mababait, pasensya na pero wala akong panahon para makipaglokohan sayo. U-uwi na ako." ang galing kong artista. Tumalikod na ako para umuwi mag-isa ng...

"Aliza! Please don't. Don't walk away from me. I like you. Please gusto kita hindi bilang kaibigan kundi bilang isang babae, gusto ko lahat ng tungkol sayo. Lahat lahat please come back!" sinigaw niya yan lahat, para siyang tanga.

Lumingon ulit ako. Hindi pwede. Pero ng makita ko siya lahat ng sinabi niya totoo sinasabi mismo yun ng mga mata niya. Nagulat na lang ako na parang huminto ang oras dahil di ko namalayang nasa harap ko na siya. Tiningala ko siya, natakot ako sa nakikita ko sa mga mata niya.

"Gusto kita. Baka nga mahal pa kita eh pero ayokong sabihin sayo hangga't di pa ako sigurado. Heck! Yung takot ko ng maglakad ka papalayo sakin nasiguro ko na gusto kita. A chance yun lang ang hihilingin ko saiyo." gusto ko ng maiyak. Di dapat to nangyayari. Mali.

"Zech..." nagulat ako ng bigla niya akong hinila at kinulong sa mga bisig niya.

Lord bakit naman? Bakit Ninyo siya hinayan? Lord alam Mo namang bawal diba? Ayoko siyang saktan. Ayokong dumating yung araw na magsisi siya.

Hindi ko napigilang wag umiyak habang yakap yakap niya ako. Nararamdaman ko ang munti niyang mga halik sa ulo ko. Bakit Zech? Bakit?

"Give me a chance Aliza , one chance para manatili sa tabi mo. Para masiguro kung gusto lang kita o mahal na kita. Let me be your friend, let me be your crying shoulder, let me stay beside you and be your strenght."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinilit na tumingon sa mga mata niya. Patuloy lang tumutulo ang mga luha ko lalo na ng makita kong umiiyak din siya.

Ang sama ko para paiyakin ang lalaking tulad niya. Do I deserve him? Do I worthy to be with him?

Tinaas ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya, pinahiran ko yung mga luha na patuloy na lumalabas sa mga mata niya. Seeing him crying because me cause me so much pain.

"A chance Aliza please let me stay beside you. Yun lang sapat na saakin. Kahit kaibigan mo lang tatanggapin ko." nagmamakaawa niyang sabi.

"Shhh. Tama na." umiiling na sagot.

"Aliza...."

"I'm sorry I made you cry. I'm sorry. Okay tahan ka na huh?" inaalo ko siya dahil di ko pala kayang makita siyang umiiyak.

"Friends?" may pag-aalinlangan niyang tanong.

Tumango na lang ako. Hindi ko ba alam kung tama ba ang desisyon kong hayaan siyang manatili.

"You deserve to be happy too Aliza."

Baka nga tama sina Edelen baka nga pwede rin akong sumaya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung magiging masaya siya sa tabi ko pero pipilitin ko. Nakakatakot hindi dahil baka masaktan ko siya kundi natatakot akong di ko na siya mapakawalan..

Natatakot ako na baka kahit nasasaktan ko na siya di ko na kayang humiwalay sa kanya.

Lord help me please. Huwag mo hayaang masaktan ko ang unang lalaking minahal ko...

Kasi sa totoo lang pakiramdam ko lahat ng kailangan ko sa mundong ito nasa loob lang ng mga bisig niyang nakayap saakin.

My Own Made FanboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon